Chapter 2: 9th Time

1.9K 46 13
                                    

Dabi's POV


" Mommy, I think Sky Blue would be better right Dad?" kumindat ako kay Daddy habang kinakagatan ang Toasted Bread ni Amber.


" Sky Blue versus Dark Blue? Which one B?" tanong ni mommy kay Daddy na busy sa pag gawa ng blue prints na isasubmit nila ngayong week. " Nakakasakit naman ito ng damdamin, yung anak ko na yung mas magaling sa akin. Alexander! Nakikinig ka ba?"


" Mom! Where is my toasted bread?!" sigaw ni Amber galing sa kusina. Pareho kaming ngumisi ni Daddy nung napagtanto naming kami ang salarin. My family loves toasted bread hindi tuwing umaga kundi tuwing gabi. Iba kasi talaga ang taste namin sa pagkain pati pagkakape ni Daddy ginawa na ring pang gabihan.


" Ate! Daddy!!" nakasimangot na sabi ni Amber pagkatapos ay niyakap niya si Mommy habang kagat kagat din niya yung natitirang toasted bread na ginawa niya. " Ang sama talaga nila mommy!" naiiyak pa na hirit niya.


" Hayaan mo yang dalawang yan Ambie, 2 versus 2 naman tayo! Ah, oh? Dobi anak maaga ka yatang umuwi?" puna ni mommy nung sumulpot si Kuya Dobi sa harapan namin. Halatang pagod na pagod ito galing sa practice nila. Ininom niya naman ang Orange Juice ko.


" Day off namin Ma.." Umupo siya sa harapan namin ni Daddy habang nasa side naman sila Daddy. " Hindi niyo pa rin pala tapos yan Dad? Gusto niyo ng tulong?" Oh yeah! Kuya Dobi is an Engineering Student pero via Online Education. Hindi ko nga alam kung papaano niya napagsasabay ang Studies niya at Showbiz. I really admire him but then sikreto lang. Palagi ko yang inaaway at sinusungitan e.


" Alam niyo naman ang Daddy niyo para ng pagong kaya di na namin to matapos tapos!" asar ni Mommy.


" I just want to remind you B that you married a handsome turtle.." Asus! Natawa tuloy kami sa banat ni Daddy. Pumanhin ako sa kwarto ko ng hindi nila namamalayan. Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama at inisip ang nangyari kanina. Its a big blow to us. Me? Rence? Oh shut up! Ano ba itong iniisip ko. Nilabas ko ang cellphone ko at tinext ko si Lizie.



To: Lizie

Liz? Anong balita sa standing ko this coming Election? Did he surrender?



I scanned my facebook profile at Twitter out of boredom, hinihintay na baka magtext si Lizie nung mapansin ko yung Suggested Friends. Rence Del Olmo! Ugh! Kahit yung existence ng profile niya ay ikakasuka ko na , hindi ko na pinansin pero nung niscan ko ay may notifications na lumabas. Ang ilan ay friend request at ang isang nakapagbigay ng altapresyon sa akin ay ang isang ito.



Erza Santiniel is inviting you to like a page. RENCE'S



I clicked the page and voila halos mapamura ako nung makita ko yung profile pictur nung page. Si Rence nakasuot ng Blue polo shirt at may hawak hawak na banner ang nakalagay. Anti- Dabi. Nang aasar ba itong Erza na ito?! Kailangan ko na yatang pagsabihan si Lucas na I unfriend yang babaeng bestfriend niya na yan. Lakas mang asar e! Dali-dali akong lumabas sa kwarto ko. Kinuha ko ang purse ko at nagpaalam ako kila mommy na pupunta lang ako sa pinakamalapit na Convenience Store para bumili ng Vanilla Ice Cream at magpalamig. Isinuot ko ang Pink Jacket ko habang nakapajama lang. Hindi na rin ako nagpasama kay Kuya dahil alam kong pagod ito. Tanaw ko na ang Convenience Store at lumalaki na ang ngisi ko nung makita ko si Peter. Yung nerd na patay na patay sa akin.

SEALED ( Behind Those Tears Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon