Chapter 7: I Want to Be

1.2K 34 6
                                    


I posted a video trailer on the first chapter :) I hope you enjoy watching it :D


Chapter 7: I Want to Be


Kaagad kong hinablot ang susi sa kamay niya at dali-daling umalis na. Hindi ko siya nilingon! Nagsisitindigan ang balahibo ko sa mga pinag gagagawa niya. I find him creepy, mukhang may masamang binabalak at wala akong makapang sinseridad sakanya. Maybe he's here to ruin everything, the seminar, kung saan ako nakafocus. Ginagawa niya ang lahat para magkanda buhol-buhol ang iniisip ko.


" Masyadong malakas ang ulan.." wika ko sabay silip sa bintana. Iginala ko ang paningin ko at nakita kong nakapark pa rin sa harapan ng hotel ang kotse niya. Hindi pa ba siya aalis? Anyway, maliligo na muna ako para naman presko sa pakiramdam. Tumungo ako sa banyo at naligo..


" Kamusta na kaya si Warren at Racel?" tanong ko sa sarili ko pagkatapos kong patayin ang shower at nagsuot ng tuwalya. Binalot ko rin ng hair towel ang ulo ko. Paglabas ko ay dun ko lang naalala na wala pala akong dalang damit! Nasa kwarto nila Warren, Katukin ko kaya? Kaso ganito lang ang suot ko? Baka mag-away pa sila ulit. Sinilip ko ulit ang sasakyan ni Rence sa bintana at hanggang ngayon ay nandun pa rin ito. Mabuti na yun para kaysa naman lumusong siya sa ulan.


I grabbed my phone on the bedside table at tinext si Denver.


To: Babe

Babe? Are you done practicing? Its 10pm na. Beep me back kapag nasa bahay ka na. I love you.


Inilapag ko ulit ang cellphone pagkatapos ay nilibot at nicheck ko ang room. VIP nga yung kinuha niya. Mababawasan pa ang pocket money ko kapag binayaran ko siya, well my mom? Hindi siya mahilig magwaldas. Yun yata yung namana ko sakanya. Umupo ako sa sofa nung narinig kong may kumatok sa pintuan. Tatlong katok lang at ang creepy. Lumapit ako at sinilip kung sino ang nasa labas. Si Rence nakapamulsa at nakasandal sa harapan ng kwarto ko. Anong ginagawa niya dito?


" Bakit?" bungad ko sakanya nung binuksan ko ang pinto. Sa gilid lang ako at sinigurado kong hindi niya mapapansin na nakatowel lang ako.


" Do you sleep naked or what?" tanong niya sa akin sabay tapon ng isang malaking paper bag sa loob. Muntikan pa akong mapatalon sa sobrang gulat.


" Ang manyak mo!" Pinagsarhan ko kaagad siya ng pinto. Asar na asar pa rin ako sa hayop! Sleep naked? Ano ako?! Porn star?! Ugh! Sinilip ko ulit siya mula sa labas at nakita kong wala na siya kaagad kong pinulot ang paper bag na nasa sahig at tinignan kung ano ang laman nito. Isang set ng pj's and for Amber's sake! It's freaking pink! I also checked the underwear na kasama nito at halos mapanganga ako nung makita kong Baby Bra at isang Pikachu designed panty ang nasa loob.


I Immediately dialed his phone at kaagad niya namang sinagot.


" Nang-aasar ka ba?!" masungit na sabi ko sakanya nung sinagot niya and I swear, rinig ko ang tawa niya sa kabilang linya.


" What? Binigyan ka na nga ng damit. Namimili ka pa?"


" Oo, tuwang tuwa ako sa damit na ibinigay mo! Woo! Ang saya! Ha.Ha.Ha.Ha.." reklamo ko. " pero yung binigay mong underwears! Nagjojoke ka ba?!"

SEALED ( Behind Those Tears Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon