Chapter 36-Hard

907 21 0
                                    

Nagising ako sa sobrang takot sa  panaginip ko. Ilang araw na rin akong hindi nakakatulog ng maayos ng dahil kay kuya Joden. Palagi siyang nagpapakita sa panaginip ko na humihingi ng tulong sa akin..Its like i'm haunted at parang gabi gabi akong sinasakal. Tagaktak pa ang pawis ko. I shoul've slept with Amber pero ayoko namang makahalata pa sila kaya sinasarili ko nalang ang pinagdadaanan ko.

"give us some time Kuya Joden. We're working on it please."bulong ko sa sarili bago bumangon. Tumingin ako sa alarm clock sa tabi ko and its exactly 2 am. Nagpasya akong bumaba sa kusina para kumuha ng tubig. Pagdating ko ay binuksan ko ang ref at nagsalin ng isang basong tubig na galing sa pitsel. umupo ako sa dining table at nakita kong gising pa si Kuya. Mag-isa siyang umiinom sa may harapan ng pool. Kaharap kasi ng Dining area namin ang  pool sa labas. Lumapit ako sakanya and  he's very frustrated about the issue.

"Who copied the lyrics kuya?" tanong ko. Nagulat naman siya. Umupo ako sa tabi niya.

"I dont know." bulong niya. " I dont care about the lyrics Dabi. I care about Belle. Siya ang naiipit sa gulo." suminghap ako bago marahang tinapik ang balikat ni Kuya. marami din silang pinagdaanan ni Belle pero sa tingin ko eto na yung final wave sa relasyon nila.

"You really love her that much." tapos ay ngumiti ako ng pilit. " how I wish na katulad ka ni Denver."

"Bakit? anong ginawa niya sayo?" takang tanong ni Kuya. Oo nga pala, hindi niya alam ang nangyari sa akin. I guess I'm blessed of having an older brother but I cant really enjoy its perks. Sikat si Kuya kaya di malabong malaki na  ang gap sa aming dalawa. Even though we're twins iba na ang dati sa ngayon.

"He left." hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Ang bigat bigat na kasi sa loob ko. Kailangan ko na ng mapaglalabasan. I need my brother right now. I need him to listen to me. "After 2 years of courting me he left me without a trace. Iniwan niya ako sa ere." bakit ngayon pa kung kailan kailangan ko siya?

"Where is he? that asshole." nanggagalaiting sabi ni kuya. "Wag na wag siyang magpapakita sa akin. Alam na ba ito nila Mommy?"

"No. wag mo munang sabihin sakanila. Marami ng problema ang pamilya kuya wag na nating dagdagan pa. I heard Daddy's project failed kasi umatras ang mga investors."

"You're right." bulong niya. " Tumahan ka na.. Everythings gonna be alright Dabi." sabay haplos niya sa buhok ko pagkatapos kong sumandal sa balikat niya.

Kinabukasan ay lutang akong pumasok sa eskwelahan and still its a useless and ordinary day for me. Maliban sa tambak na gagawin sa Student council for the incoming foundation day e wala narin naman akong ibang problema.

"So what's our theme for this coming foundation day Dabi?" tanong sa akin ni Tori. Auditor namin.

"Any suggestions?" tanong ko sakanila.

"We'll how about we'll have a combined department program this coming foundation day." suhestyon ni Kara, Secretary namin.

"What do you mean?" tanong ko.

"Well bukas we'll have a draw lots. Ipapatawag natin ang mga presidents ng mga departments sa school. It was like a mini intramurals parang igrugrupo lang natin into two kung sino ang mabubunot ng leaders ay siyang makakapartner ng department nila. So parang combined forces for example. Kapag nabunot ng Engineering president and Archi Department then they're considered one and vice versa. Diba? Exciting?" saad ni Kara. Not a bad Idea. I wonder what will happened if the Archi and Engineering Department combined? It was like me and Rence being one.. I shook my head with the thought.

Natapos ang meeting naming mga Student Council Officers. Niligpit ko ang mga gamit ko  at nataon pang ako ang huling lumabas dahil may inayos ako pero paglabas ko ay nakita kong naghihintay si Jordane sa akin sa may pintuan. Napalunok ako nung sinulyapan niya ako. Ano na naman ba ang sadya niya sa akin?

SEALED ( Behind Those Tears Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon