Chapter 11: SMEXY

1.3K 30 3
                                    

Chapter 11: SMEXY


Pumunta kami kaagad sa mall pagkatapos nung palabas ni Rence. Honestly, I got pissed. Tingin niya ba sa akin easy to get? Hahalik siya kung kailan niya gusto? I know this might sound crazy but I dont want to loosen up a bit. I'm still building my walls malay ko ba kung marumi maglaro ang isang to and besides kulang pa ba ang pagpapamukha ko sakanya na may boyfriend ako. I swear! Sinusumpa ko yung picture na yun. He's blackmailing me and just thinking of it makes me want to puke!


"Ayaw mo sa pet shop?" Tanong niya. Oh! Right! Nawala sa isip ko yung dog food ni shield ang dami ko kasing iniisip.


"Sa grocery store na. Meron din naman siguro dun.." sagot ko. Pagkatapos ay kumuha nung cart at itinulak. Nanatili lang siyang nakabuntot sa akin. 


I picked nuttella and bread para sa dinner ko mamaya. 1 liter of distilled water at 3 packs ng nachos kumuha na rin ako ng cheesewiz.


"What do you want?" Tanong ko sakanya.


Pero nagkibit balikat lang siya. Tinaasan ko siya lalo ng kilay. Napadpad naman kami sa may mga toiletries. Kumuha siya ng isang pair ng toothbrust at isang toothpaste."para san yan?"


"Mamaya. Dun ako matutulog diba? Why? Do you want us to share the same.." sabay pakita niya sa toothbrush.


"Yuck! Gross! Tabi nga!" Sabi ko pa. Kumuha ako ng dalawang set ng napkin sa may right side ko kaya napatingin siya sakin.


"mauubos mo yan? Ilang balde ba ang nababawas sayong dugo buwan buwan?" Tanong niya and for petes sake my blood starts to boil.


"Ang gago mo!" Sagot ko. Kinuha niya naman yung hawak hawak kong napkin at binasa ito.


"With wings.." natatawang sabi niya. "And extra long. What the actual fuck? Haha!" Tawang tawang sabi niya kaya binato ko sakanya yung isang hawak ko.


"Shit ka Rence! Anong nakakatawa?" Medyo napipikon ko ng sabi.


"Oh chill." Sabay ilag niya sa mga sapak ko. "No biggie Sweetheart. Kailan ba darating yung sayo ng mapaghandaan ko?"


"Gago! Manyak!" Tapos ay iniwan ko siyang natatawa dun at pumunta na sa may dog foods. Nakabuntot pa rin siya sakin at nagpipigil pa ng tawa. Like wtf? Anung nakakatawa sa extra long na with wings na napkin? Pakipaliwanag nga sakin! "Miss may pagkain ba kayo para sa mga adik?"


Nagulat ang saleslady sa tanong ko. Kinindatan naman siya ni Rence. 


"Para kanino po ba Maam?" Tanong nung saleslady na di parin maalis ang tingin kay Rence na busy sa kakatingin sa mga pinamili namin.


"Sakanya.." sabay turo ko kay Rence. Napaubo pa yung saleslady. "Bigyan mo ng dog food ng di na matawa.." dagdag ko pa at sinamaan ng tingin si Rence.


"Too harsh sweetheart.." bulong niya sakin kaya medyo lumayo ako.


"Rence stop this.. wag mo ng uulitin yung ginawa mo kanina after the seminar!" Ramdam ko yata ang pamumula ng pisngi ko. "Enough.. okay? I dont freaking want Denver to be hurt.."

SEALED ( Behind Those Tears Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon