Chapter 57- Choose

1K 42 3
                                    

beware of typos.
---------
Nagising ako sa kama ko. Napatingin ako sa taong nasa tabi ko at nakita ko si Mommy na nakaupo habang si Daddy ay nakatayo lang malapit sa pintuan.

"My? anong nangyari?"

"Bigla ka lang hinimatay.. wala ka namang lagnat. May masakit ba sayo Dabi?" nag-aalalang tanong ni Mommy.

Puso, oo! pero kung sakit lang sa katawan? wala.

"My, I'm okay."

"That's because you skipped breakfast and lunch." dagdag pa ni Daddy. " wag naman sanang pabayaan ang sarili Dabi.."

"Opo Dy, sorry talaga." sang ayon ko sakanya. Pumasok naman si Kuya at Amber sa kwarto ko.

"Okay ka na ate?" tanong ni Amber.
habang si kuya Dobi ay lumapit sa akin para kunin ang temp ko.

"36.9." sabi ni kuya. " Hindi ka naman mainit. Kakain ka na ba? nagluto ako ng pagkain."

"Nagluto ka? wow! ilang taon na ba ang nakalipas nung huli kang nagluto kuya? " biro ko sakanya.

"Naku! tong mga batang to." puna naman ni Mommy sa amin.

"DABI LUMABAS KA DYAN!" lahat kami ay nagulat nung marinig namin ang malakas na sigaw galing sa baba. Naiwan kasi ni Amber na nakabukas ang kwarto ko kaya naman dinig namin nila Mommy yun.

"Shit!" tarantang sabi ni Kuya bago dinungaw sa may bintana ang may ari ng boses.

"BABE PLEASE TALK TO ME! PLEASE!"

"Si Denver nasa baba. Papasukin ba natin?" tanong ni Mommy sa akin.

"Mag eeskandalo pa yata B." seryosong sabi ni Daddy. " Did the two of you fight?"

" Hay nako! Huli na talaga sa balita si Daddy. Kaya nga may Rence na po si Ate Dabi kasi iniwan siya ni kuya Denver assfghjkl."

"shut your mouth." saway ni Dobi kaya naman nagpout nalang si Amber.

"Ako na po Daddy." sabi ko sabay bangon. Inalalayan pa ako ni Mommy. " ako na po ang haharap sakanya."

Pagkarating ko sa gate ay kaagad na bumungad sa akin si Denver. Hindi ko muna siya pinansin sa halip ay dumiretso ako sa sasakyan niya. Sumunod naman siya sa akin.

"Babe.." bungad niya.

"Den.."

"Hindi ako makikipaghiwalay sayo. You cant do this to me babe please."
Hindi ako kaagad na umimik. Manhid na nga yata ang damdamin ko. Malaki ang kasalanan ko kay Denver. Mahal ko siya eh, pero bakit ganito? hindi katilad ng sakit na nararamdaman ko kay Rence. It feels like this love will perish soon at yun ang hindi ko matanggap. Gustong gusto kong manatili sa tabi ni Denver pero naisip ko kung bakit ko ito gagawin. Ano ang dahilan? dahil si Denver ang pinili ko kasi mahal ko siya o dahil gusto ko lang na maranasan ni Rence yung sakit na idinulot niya sa akin?

"You should've said something before you left." saad ko. " Kung sana hindi ka nagpadalos dalos ay hindi ito mangyayari. I want to blame you for being weak, for not trusting me for freaking doubting me. Gustong gusto kitang sampalin pero hindi ko magawa kasi alam kong kasalanan ko to! All those things that I thought you did was reciprocated by me. I did hurt you.. Unaware of how bad it is. Denver.. Matatanggap mo pa ba ako niyan?"

"Even if you are at your worst, I still love you. pareho natin itong hindi ginusto. Babe please?"

bumuntong hininga ako at natigilan kami ng mga ilang minutos. Tahimik lang sa kotse at ang tanging maririnig lang at ang mahinang musika na galing sa speaker ng sasakyan."Tara, kain tayo ng ice cream." yaya ko sakanya. "well melt the pain together.."

SEALED ( Behind Those Tears Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon