Chapter 58- Torture

958 37 3
                                    

beware of typos.
1 more chapter to go before the Epilogue. Yey!

-------
"hindi kaya mabulunan si Rahee diyan Tita Addi?" sabay turo ko sa apple na kinakagat kagat ni Rahee.

"Haha hindi, sa lakas ba naman nilang kumaing dalawa sanay na sila sa kagatan." sagot naman ni Tita Addi. Nasa mall kasi kami ngayon naghahanap ng ipang reregalo namin sa pamangkin ni Belle. Nataon pa kasing magbestfriend pala si tita Addi at yung napangasawa ni kuya Gavin.

Isang buwan na rin ang lumipas simula nung huli kaming nagkita ni Rence. Denver went back to states to continue his studies pero nagpaparamdam siya sa akin sa skype palagi. Umaasa pa rin siya, sabihin ko lang daw na umuwi na siya ng pinas ay gagawin niya pero si Rence. Wala, wala na talagang akong balita sakanya. Kahit na pareho lang kami ng eskwelahan ay hindi manlang kami nagkakabanggaan o nagkakatagpo sa loob ng campus. Siguro ay dahil na rin sa sobrang iwas namin sa isat-isa kaya ganito na ang nangyayari sa amin.

1 month is enough for me to weigh my love for the both of them at doon ko narealize na hindi totoo ang pagmamahal ko kay Denver dahil kung talagang mahal ko siya ay hindi ako kaagad mahuhulog kay Rence but I guess I was too late to realize this. Lalo nat ako ang nagtaboy kay Rence, I dont like his method pero kung ako rin ang nasa kalagayan niya ay baka mas malala pa ang magagawa ko at ngayon, masasabi ko ng gustong gusto ko na siyang makita. Handa ko na siyang patawarin at kalimutan ang lahat lahat. Kamusta na kaya siya? Okay lang kaya siya? may iba na kaya siya? I.. miss him.

"Hindi ka ba mabibigatan sa kakakarga kay Rayul Dabi?"

"Hindi naman, sanay na ako. Si Daebak nga mas mabigat pa sa kambal pero okay lang." saad ko.

"Bilhan nalang kaya natin nung baby car si Daebak?"

"Oo nga..may nakita ako. Yung White sa may toy section." pagsang-ayon ko sakanya.

"Haha sige, punta tayo dun." yaya ni Tita Addi. Tapos ay pinasakay nalang namin sa kanya kanyang stroller yung kambal para mas convenient na maglakad sa mall. Pumasok kami sa may Toy Kingdom at naghanap na rin ng ibang mga laruan para na rin sa kambal nung bigla kong nakasalubong si ate Cass at ang asawa niya na buhat buhat yung baby nila.

"Dabi?"

"A- ate Cass?" utal utal ko pang sabi. Sandali naman siyang napatingin kay Rahee na nasa stroller.

"Pamangkin mo?"

"Ah hindi po. Pinsan." sagot ko. Nilingon ko naman si tita Addi na busy sa paghahanap ng laruan.

"I see, kamukha mo kasi." saad niya.

"Tumataba si Baby ate ah." puna ko.

"Oo nga e, lakas kumain." tapos ay tumawa si Ate Cass. Kating kati na akong itanong kung nasan si Rence pero hindi ko magawa. Umuurong ang dila ko.

"Kayo lang po?"

"Hindi, kasama namin yung ibang pinsan ko." saad ni Ate Cass. " and Rence.."

biglang bumilis ang tibok ng puso ko nung narinig kong binaggit ni Ate Cass ang pangalan niya. Parang may kung anong mahika sa pangalan niya na nagkokontrol sa biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi ako kaagad na nakapagsalita kaya naman tumahimik din si ate Cass.

"Dont worry I know you're not ready to see him. What he did is unforgivable. Nasa Timezone sila so if you dont want to bump into them then avoid the place." paalala niya sa akin.

"Thanks Ate."

"Welcome..So una na kami ha?" paalam niya sa akin.

"Sige po. Ingat." Sinundan ko lang sila ate Cass ng tingin na lumalabas sa Toy Kingdom. Pagkatapos ay lumapit ako kay Tita Addi.

SEALED ( Behind Those Tears Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon