Chapter 25-Oxygen

823 17 0
                                    

Dumating kami sa bahay ng matiwasay, well he asked me to shut up and I obeyed kaya ang labas para kaming mga pipi sa sasakyan. Pagbaba ko sa bahay ay ni hindi ako lumingon sakanya. Kasumpa sumpa ang byaheng yun wala akong maisip kundi yung pagmumukha niya.

Kinabukasan ay Exhibit Day na namin. Kasalukuyan kaming nakatayo at nakikinig sa mga bilin ni Prof Redusta.

"Remember! Our goal is to achieve 250 visitors for the exhibit and mind you, I want the visitors to be a member of the other departments."

Lahat kami ay gulat sa sinabi ni Prof. Paano naman namin magagawa yun? 250 visitors? e karamihan sa amin walang kakilala sa ibang course at karamihan sa taga ibang departments e walang interes sa Architectural works.

"Kapag nalagpasan niyo ang Quota, I will guarantee you your grades." how can we guarantee you about this sir? para mo kaming binibigyan ng imposibleng task. " Nakisabay pa ang Engineering Department sa atin so be on your guard. Kailangan natin silang malagpasan." pagkatapos ay umalis na siya.

gusto ko talagang tadyakan si Prof sa mga gusto niyang mangyari. Hindi naman siguro niya kami ipapahamak pero hindi ko talaga makapa yung pag asa kong assurance sa grade.

"hihimatayin yata ako sa gusto ni Prof. Anong akala niya sa exhibit? Intramurals lang?" reklamo ni Coleen.

"As if naman na irereconsider niya to." bulong ni Shania.

"He's a living hell." dagdag pa ni Lyra.

"Hayaan na natin. Kaya natin to." saad ko. " I could ask the council for help."

"Dabi, most of the officers are Engineering students." paalala ni Chyna. Oo nga pala muntikan ko ng makalimutan. Tsk. Gusto ko sanang tawagan si Den pero hindi ko nalang ginawa masama pa ang loob ko sakanya.

"For now lets just open the exhibit. I ready niyo na rin yung papers para sa pipirmahan ng bibisita." Utos ko. " Dont give up for nothing guys. mapa Engineering Department o Health and Science Department man kaya natin to."

Im cheering them up to boost their faith. Hindi kami dapat panghinaan ng loob.

"Makipagnegotiate kaya tayo sa Engineering Department?" suhestyon ni Paul.

"Kanino?" tanong ko.

"Kay Rence." muntikan ko ng ibato sakanya ang pamaypay na hawak ko.

"Are you crazy Paul? e mahigpit na kalaban yun ni Dabi. Haha!" patawang sabi ni Kat.

"patawa ka rin." dagdag ni Camille.

"but you're with him yesterday right?" singit ni Lyra. My God Lyra! You and your stupid mouth.

"You are with Rence?" gulat at sabay na sabi ni Chyna, Kat at Colene."

sasagot na sana ako nung biglang tumunog ang cellphone ko. thank God! Kaya naman sinagot ko na ito para iwas chismis.

"Yes Mommy?"

"Dabi anak, papunta na si Amber diyan naiwan mo yung blue print na hinihingi mo sa akin. I cant make it today kasi nagkaroon ng emergency sa firm."

"Pero Mommy, I need you." saad ko. Guest ka sa exhibit My God naman Mommy e.

"I'll try to send your Dad there." alok niya pa.

"Mom, Dad is not an Architect."  paalala ko." nakakatampo ka naman Mommy e."

"That's why I'm sending him there para samahan ang Ninang Roms mo." Oo nga pala sikat si Ninang sa School kaso baka pagkaguluhan siya dito knowing their blood line. Young e. "and besides your Dad is invited."

SEALED ( Behind Those Tears Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon