Chapter 9

143 8 0
                                    

"Hmm. May naisip akong idea. Bahagi ng kasal ang paghagis ng bouquet, right? Gusto kong saluhin mo ang bulaklak."

Marahas na bumaling siya sa lalaki. "Ano?"

"Saluhin mo ang bulaklak, ang bouquet," pag-ulit nito, hindi inaalis ang aroganteng ngiti na nakaguhit sa mga labi. Ang mga labi nito na namumula na dahil sa kagat niya.

"Saluhin mo ang bulaklak. Then bring me the flowers and then we'll talk. Iyon ay kung gusto mo lang na manatiling sekreto ang nangyari sa pagitan natin.

Gustong humiyaw ni Hillary sa pagtutol. "Pinagbabantaan mo ba ako?"

Tumawa ang lalaki. Tawang nakakainis dahil hindi maganda ang dating niyon sa tainga niya. "Pinagbabantaan kita? Hmm, yes. Puwede mong sabihin na ganoon na nga. Harassment, blackmail, bahala ka na kung ano pa ang gusto mong itawag."

"Pero hindi lang ako basta nagbibitiw ng banta, sweetheart. I walk the talk. I. Always. Walk. The. Talk," pagbibigay diin nito sa mga binitiwang salita.

Pagkatapos ay nawala ang pilyong kislap ng mga mata ng lalaki, biglang naging seryoso. Napakaseryoso na halos magsitayuan uli ang mga balahibo ni Hillary sa braso. Hindi pa siya nakakaengkuwentro ng ganitong klase ng lalaki.

"Pero kung ipaggigiitan mo na wala ka talagang alam sa sinasabi ko, eh, di huwag mo na lang pansinin. Pero alam ko naman na pareho nating alam kung ano ang tinutukoy ko."

Napaigtad siya nang pumatong sa mga balikat niya ang mga kamay nito. "Good luck sa pagkuha ng bouquet…. Hillary."

Nanlaki ang mga mata ni Hillary sa pagkakabanggit ng pangalan niya. Ang sunod na namalayan niya ay naglalakad na palayo ang lalaki, leaving her a view of his broad back. Gorgeous aura, and powerful stance.

Binanggit ng lalaki ang pangalan niya, kung ganoon ay nagsimula na itong alamin ang tungkol sa kanya.

I’m in trouble. Big time…

Nangangatog ang mga tuhod na bumalik sa banyo si Hillary. Sumandal siya sa lababo at mariing pumikit. Sumasakit ang ulo niya sa problemang kinakaharap.


Flashback...

"Whoa!" gulat na bulalas niya nang maramdaman agad ang epekto ng gamot sa katawan. Alam niya na lasing na siya pero kakaiba ang init na nararamdaman niya ngayon, para siyang sinisilaban ng matinding pagnanasa na hindi maintindihan.

Sinulyapan ni Hillary ang lalaki. Naroon pa rin ito... At nakatingin din ba ito sa kanya?

Pilya siyang napangiti, nakakaramdam ng sobrang tiwala at tapang. Epekto rin marahil ng gamot at alak. Tumayo siya, pagkatapos ay umiimbay ang balakang na tinungo ang bar counter.

Habang papunta roon ay sa lalaki siya nakatingin. Nakasuot siya ng miniskirt at tank top. Ang nakataas na buhok niya ay naglalantad kung gaano kakinis at kaganda ang mga balikat niya at leeg. Walang hindi nakakapansin sa nag-uumapaw niyang kaseksihan.

Pumuwesto si Hillary sa tabi ng lalaki. Alam niya
na nasa kanya ang atensiyon nito. Um-order siya ng hard drinks, tequila. At tinungga yon nang deretso.

Agad gumapang ang init niyon sa kanyang lalamunan, papunta sa kanyang tiyan. Hindi niya naiwasang ngumiwi pero agad ding nakabawi. Muli siyang um- order at nang maiserve ay  agad din iyong dinala sa bibig.

"Hey easy. Hindi ka mag-e-enjoy sa ginagawa mong 'yan. Para kang mauubusan ng alak, ah. "

Oh! Filipino pala siya... reaksiyon niya sa
lenguwaheng ginamit ng lalaki. Akala pa naman niya ay Brazilian ito. Hinarap niya ang lalaki.

The Remarkable NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon