Chapter 6

160 6 0
                                    

"Hey, man!" Tawag-pansin kay Seven ng kaibigang si Calvin.

"Hindi ka nakikinig."

"True. Masyado kang tutok na tutok diyan sa cell phone mo. Ano bang meron diyan?" tanong ng isa pa
niyang kaibigan na si Dominic.

"Is that a picture?"sabi nito na nahagip yata ng mga mata ang nasa screen ng cell phone niya bago iyon naisara.

"Nah." Umiling si Seven bago mabilis na ibinulsa ang cell phone. "Sorry. Are you saying...?"

Na sino kaya sa ating tatlo ang mag-aasawa?" ani ni Calvin.

Nagkibit-balikat si Seven. "Wala akong girlfriend. Ganoon din si Dominic. Ibig sabihin, ikaw na ang susunod," aniya, sinusubukang aliwin ang sarili dahil sa totoo lang bagot na bagot na siya. Kung hindi nga lang niya kaibigan ang groom ay baka kanina pa siya nakauwi.

Si Devon Thompson, ang groom, ay nakilala nila at naging kaibigan noong mag-aral sila ng masteral sa Harvard. Sila ang rason kung bakit naengganyo si Devon na pumunta sa Pilipinas. O iyon ang akala nila.

Ang totoo pala ay may nakilala itong Filipina sa pamamagitan ng online dating. At ang Pilipinang 'yon ang pinakasalan nito ngayon.

Pero heto siya, naiinip. Mas gugustuhin pa niyang magbabad sa swimming pool o kaya asikasuhin ang mas importanteng bagay. Kaya heto, inaabala na lang niya ang sarili sa pagtingin sa mga litratong iniingatan niya sa cell phone.

"Iyon din ang sinabi ko," ani Dominic. "But of course unless, hindi siya seryoso kay Fergie."

"Oh, come on, guys. Seryoso naman ako kay Fergie pero wala pa sa plan ko ang magpatali. Hey! Hindi pa ako tapos sa buhay-binata ko," ani Calvin.

"Sasabihin ko 'yan kay Fergie, nakangising sabi ni Seven bago inabot ang kopita at sumimsim ng champagne.

Nanlaki ang mga mata ni Calvin. "Hindi mo gagawin 'yon, Seven."

"Try me, man." hamon naman niya na may mga ngiti sa labi.

Siya si Seven Fuentes. Tatlumpu at dalawang taong gulang. Ang pamilya niya ay nagmamay-ari ng isa sa pinakakilalang brand ng computers sa Pilipinas. At siya ang nag-iisang tagapagmana nh napakalaking korporasyon na iyon.

Hindi lang sa Pilipinas sila nagdi-distribute ng mga computer, maging ang mga karatig-bansa ay kliyente rin nila. Pati pag-develop ng mga computer programs at software ay pinasok na rin nila kailan lang.

Kilala si Seven ng mga kaibigan at mga empleyado sa pagiging arogante at bossy nito. What could he do when it came naturally?

Maliit pa lang siya ay nakukuha na niya ang lahat ng magustuhan. Hindi rin siya pasensiyosong tao dahil kapag may gusto siyang makamit ay kinukuha niya sa kahit na ano pang paraan.

Pero hindi naman siya masama, Alam lang niya kung ano ang mga gusto niya. And now, he was kind of frustrated because he wanted something, or rather someone, and he didn't know where to find her.

"Patay ka, Calvin,'' susog ni Dominic.

Malakas na humalakhak si Seven. "May dapat nga
pala akong tawagan. Excuse me," aniya pagkaraan ng
ilang sandali.

Tumayo siya mula sa mesa nila. Habang papalabas n pavilion ay hindi sinasadyang napako ang kanyang tingin sa unahan ng daang tinutumbok niya.

Bumagal ang paghakbang ni Seven. Parang bula na biglang naglaho sa kawalan ang pagkainip. Nabuhay bigla ang dugo niya. Bahagyang naningkit ang mga mata niya habang nakatingin sa isang babae na may maitim at mahabang buhok.

She had little but pointed nose. Mapula at kaakit-akit ang mga labi, full lips. Taglay nito ang mga matang nahahawig sa mga Indian, malalaki at mabibilog, at ginawang perpekto ng mahahaba at maiitim na pilik.
Maganda rin ang kurba ng maiitim nitong kilay. Kahit
nakangiti ang babe, hindi naman iyon umaabot sa mga mata. Na para bang tulad niya ay naiinip na rin ito.

Parang mabibingi si Seven sa lakas ng kung anong dumadagundong sa likod ng tainga niya. Hindi siya
natigilan at hindi natawag ang kanyang atensiyon dahil lang sa maganda ang babae. O dahil may malakas itong presensiya. Napukaw ang kanyang atensiyon dahil sa unang sulyap pa lang niya rito ay malinaw na bumalik sa kanyang isip ang isang partikular na pangyayari kulang dalawang buwan na ang nakararaan.

Sigurado ako, siya ang babaeng iyon. Ang babaeng nakapiling ko sa loob ng isang gabi, sa isang mainit at mapusok na magdamag.

The intimate scene came crashing back into his mind again. At hindi niya napigilan ang reaksiyon ng sariling katawan. He suddenly felt hot and hard. Lumabas ang munting ungol sa kanyang lalamunan dahil sa epektong iyon.

For sure, hindi coincidence ang pangyayaring ito. Nakatadhana ito...

Panay ang palihim na sulyap ni Hillary sa kanyang relo. Gusto na niyang umuwi. Kung hindi nga ba kararating lang niya ay baka kanina pa siya tumalilis paalis ng lugar na iyon.

Naiinip na siya at hindi in maka-relate sa pinag-uusapan ng mga kaibigan niya. Wala siya sa focus.

Ngumingiti lang siya at tahimik-ugaling nakasanayan na ng mga ito noong high school pa sila. Sigurado siya na may mga side comment din ang mga ito sa ugali niyang iyon. Hanggang sa kilabutan si Hillary.

Pakiramdam niya ay may nakatitig sa kanya. Iyong titig na parang tumatagos sa kanyang kaluluwa. Bakit nakakaramdam siya ng ganoon? Kung sakaling may nakatitig ngasa kanya, eh, ano naman? Hindi ba at sanay naman siyang binabato ng ikalawang sulyap?

Sanay siya sa hindi mabilang na atensiyon na nakukuha dahil sa taglay niyang ganda, gandang patuloy na hinuhubog ng panahon.

Inabot ni Hillary ang kopita ng tubig na hiningi niya kanina sa waiter. Buffet style ang reception pero may mga waiter na nagdadala ng mga tubig at alak sa mga mesa.

Uminom siya. Hindi pa rin nawawala ang kilabot na nararamdaman. Nang maibaba muli ang kopita ay ipinasya niyang igala ang paningin sa kagustuhang malaman kung sino ang nagbibigay sa kanya ng ganoong pakiramdam. Pero hindi na pala niya kailangang igala ang paningin. Dahil pag-angat pa lang ng kanyang ulo ay agad nagtama ang tingin
nila ng matangkad na lalaking mabagal na naglalakad sa aisle habang nakatitig sa kanya.

Nabalot ng lamig si Hillary. Gusto niyang matunaw noon din mismo. Gusto niyang bumuka ang lupa at lamunin siya. Humiling na sana may kapangyarihan siya, na kaya niyang maging invisible. Siguradong gagamitin niya 'yon ngayon nang walang pag-aalinlangan, kahit na ba mabuking pa ang powers niya.

Pero wala siya niyon. At hindi siya natutunaw. Hindi bumubuka ang lupa. Wala siyang magawa para
makawala sa mapanuring tingin ng papalapit na lalaki.

Don't react that way, Hillary! Mag-react ka na para bang hindi mo pa siya nakikita sa buong buhay mo! paalala niya sa sarili. Pero alam niyang huli na. Alam
niyang dumaan ang rekognisyon sa kanyang mga mata.

Bukod sa natigilan, ramdam din niya ang panlalamig kaya paniguradong namumutla rin siya. Para bang taon ang katumbas ng bawat segundo. Milenyo ang magiging katumbas bago makalampas sa kanila ang lalaki.

It seemed that this man had cast a spell on her, dahil kahit ano ang gawin niya, hindi niya mapagtagumpayan na mabawi ang kanyang paningin at putulin ang koneksiyon ng kanilang mga mata.

Pagkaraan ng makapugto-hiningang paghihintay ay
nakalampas din sa mesa nila ang lalaki. Pero hindi iyon doon nagtapos dahil bago pa ito makalampas ay nagbigay ito ng mensahe para sa kanya.

We meet again, lady. At sa pagkakataong ito, hindi ka na makakawala pa. I'll keep an eye on you from now on.

Iyon ang nabasa niyang mensahe. Hindi niya alam kung paano niya iyon nabasa. Pero nagdulot iyon sa
kanya ng nakakabinging kaba. Ng takot.

God! Akala ko, hindi na magsasalubong pa ang mga
landas namin...

The Remarkable NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon