Chapter 23

122 5 0
                                    

"Ano?"

Tumawa si Seven. "Wala. At tungkol sa pagkainip
mo, well, kaya nga ako nandito, babawi ako sa yo. I took the rest of the day off. Wala namang pasok bukas. So, ikaw, ano'ng gusto mong gawin? Swimming? Mamasyal? Mag-picnic? Mag-shopping? Mag-food trip?" excited na tanong nito.

Nahawa siya sa kasiglahan nito. "Kung gawin natin
ang lahat ng iyon? Wait, sasamahan mo naman ako, 'di ba?"

"Kung magmamakaawa ka,'' sagot ni Seven. Pero
ang mga mata na mismo nito ang nakikiusap na hayaan niya ito na makasama niya.

"Sa palagay mo gagawin ko 'yon?" ani Hillary, sinisikil ang ngiti kahit alam niyang nakangiti na ang
kanyang mga mata.

"Siyempre," mayabang na sabi nito. "Sino ba ang ayaw makasama ako?"

"Ako. Remember?"

"Oo nga pala," nakangiwing sabi nito.

Hindi na napigilan ni Hillary ang kanyang ngiti.
Nakita 'yon ni Seven at parang mas nagningning ang
mga mata nito dahil doon. Saglit pa nga itong natulala na para bang namagneto sa ngiti niya.

"If that's the case, then idadaan na lang uli kita sa blackmail para isama mo ako." Ngumisi ito.

Kunwari ay naningkit ang mga mata niya. "At ano
ang ipamba-blackmail mo sa akin this time?"

Umakto ito na parang nag-iisip. "Hmm..." Pumitas ito ng isang bulaklak at iniipit iyon sa isang tainga niya.

Hillary was pleased. Hindi 'yon ang unang beses na ginawa iyon sa kanya ni Seven at sa tuwina ay nakakadama siya ng saya.

Sabi ni Luni, doon daw sa Dushiana, kapag iniipitan ng bulaklak ng lalaki ang tainga ng asawa nito, ibig sabihin daw ay nirerespeto nito ang babae. Na hindi magiging mababa ang babe sa paningin ng lalaki. Parang pagsamba na rin. Kaya parang korona daw na isinusuot ng babae ang bulaklak.

"Wala, ano? Wala ka nang maipamba-blackmail
sa akin?" Tuluyan nang napahagikhik si Hillary. She
feels so light and free. Para bang buhay na buhay siya.

"Huwag kang mag- alala dahil isasama talaga kita bilang chaperone ko. Tagabitbit ng mga gamit ko at ng mga pinamili ko."

"Iyon lang ang papel ko?" parang nagtatampo na
tanong ni Seven. And then he bore his gaze at her. tickling her spine. "Okay lang kahit ano'ng papel ko.
Basta..." Tumaas ang kamay nito at marahang humaplos sa kanyang pisngi.

Tumahip na naman ang dibdib ni Hillary. Para na naman siyang ninenerbiyos na hindi maintindihan.

"...basta nakikita kitang nakangiti. Sabi mo, maghintay ako hanggang ngumiti ka nang totoo, iyong natural at bukal sa puso. I think it's worth the
wait. When you smile, hindi lang ang mga labi mo ang nakangiti, hindi lang ang mga mata mo, kundi ang kabuuan mo mismo."

"Hindi lang nakakasilaw ang ngiti mo, Hillary, nakaka engkanto rin. Though I have to tell you na ngayong nakita na kitang nakangiti, parang mas gusto ko na hindi ka ngumingiti."

Kinunutan niya ito ng noo. Ayaw na nito na
nakangiti siya? "Mas gusto mo na kung hindi ako
seryoso, eh, nakasimangot ako?"

Umiling ito. "No. I want you smiling and laughing and having the time of your life. Pero sa akin lang dapat, sa akin ka lang ngingiti, sa akin ka lang tatawa."

Sinabi ni Seven ang huling pangungusap sa paraang
seryoso, possessive, at selfish. It left her breathless.
Aaminin ni Hillary na nakakadama siya ng tuwa sa
inakto nito. Nasisiyahan siya. Masarap sa pandinig at sa pakiramdam na may ganitong klase ng lalaki na parang ayaw siyang ibahagi sa mundo.

"Hillary."

Mula sa concentrated na pagsubok na gumawa ng pottery, tumingin si Hillary sa tumawag sa kanya
na walang iba kundi si Seven. Pagtingin niya rito
ay eksaktong nag-click ang camera na hawak nito.

"Hey!" natatawang protesta niya. At dahil nawala na sa ginagawang pottery ang kanyang atensiyon, tumabingi na iyon. "Ayan! Nasira' na,"reklamo niya.

Tawa nang tawa si Seven. "Sorry."" Ipinatong nito
ang camera sa isang mesa, pagkatapos ay pumosisyon sa kanyang likuran, naupo roon.

"Let me help you with this," bulong nito sa tainga niya bago dumampi ang mga kamay sa kamay niyang umaalalay sa putik na sinusubukan niyang gawing vase.

Iginiya ng kamay nito ang kamay niya. Thank God dahil kung hindi, tuluyan na sigurong bumagsak at nasira ang clay. Kapagdaka'y napunta na kay Seven
ang lahat ng atensiyon niya.

Aware na aware siya sa pagdidikit ng mga katawan nila, sa init na sumisingaw mula sa katawan nito na parang nanunulay sa himaymay ng katawan niya at ginigising ang lahat sa kanya.

Oh,dear. Gusto niyang sumandal sa dibdib ng binata. Gusto niyang tuluyang ipulupot ni Seven ang mga braso nito at ikulong siya sa katawan nito.

"Seven..." mahinang usal niya.

"Hmm?"

"Parang lalo mo lang sinisira ang vase ko. Hindi ka rin naman marunong, eh." Kinagat niya ang labi. Salamat na lang at hindi nito nakikita ang pinipigilan
niyang ngiti.

Katulad kahapon, parang magiging perpekto rin ang
araw na iyon. Namasyal sila, namili, sinubukan ang mga pagkain sa mga restaurant, nakipag-usap sa mga locals, at kung ano-ano pa. Napakasaya ni Hillary.

She had enjoyed everything. Kasama na roon ang presensiya ni Seven. Or if truth be told, parang si Seven nga mismo ang dahilan kung bakit naging perpekto ang mga lakad nila. Pinapangiti siya nito, pinatatawa, kinukulit. Duda siya kung magiging ganito rin kasaya ang lakad na iyon kung iba ang kasama niya.

''Runong-runungan ka lang din, eh."

"Ah, gano' n? Lalo ko lang sinisira, ha?" anang binata.

"Ito ang sa ' yo..." Bumitaw ito sa kanya at ipinunas
ang purik na nakadikit sa daliri nito sa kanyang pisngi.

"Aba’t—-"    Hindi siya nagpatalo. Nilingon niya si Seven at sinapo ng dalawang kamay ang mukha nito
para malagyan ng mas maraming putik ang mukha nito. Pagkatapos ay mabilis siyang nakalayo.

"Ikaw ang nagsimula," malakas ang tawa na sabi niya. Ang matandang babae na may-ari ng shop ay halatang natutuwa sa pagkukulitan nila.

Naniningkit ang mga mata ni Seven. Pagkatapos ay umakto ito na para bang handa nang hulihin ang kalaban. "Humanda ka dahil paliliguan kita ng putik!"

At lumapit nga ito sa kanya sa nananakot na paraan.
Napapatili naman si Hillary. Takbo siya nang takbo. "Stop it, Seven. Baka mabasag natin ang mga pottery, magbabayad ka nang malaki."

"I don't care kahit mabasag natin lahat 'yan, makaganti lang ako sa 'yo," patuloy na nananakot na
sabi nito.

Kung siya ay panay ang hagikgik, si Seven naman ay masigla ang mga halakhak.

"Ay!" Muli siyang umiwas. "Tama na, tama na!"

'''Ayan na ako, Hillary...

"Ay! Ay!" tumitiling pag-iwas niya. Hanggang sa
tuluyang madulas si Hillary at mawalan ng balanse.

"Hillary!" nag-aalalang sigaw ni Seven. Dahil malapit sa kanya, mabilis na nakalapit ito. For a moment
she was lost in his protective arms. Napakasarap doon, napakakomportable. Para bang walang ano mang alalahanin sa kanyang dibdib at nawawala ang lahat ng pangamba.

"Are you all right? May masakit ba sa 'yo? Ang paa mo, na-sprain? Saan ang masakit?" natatarantang tanong nito sa kanya.

"Ang OA naman nito," kunwari ay balewalang reaksiyon niya bago humiwalay rito at inayos ang sarili.

"Walang masakit sa akin. Ikaw kasi, eh, sabi kong tama n---,"

Hinapit uli siya ni Seven at ipinaloob sa mga bisig nito. Saglit na hindi nakahuma si Hillary. Ramdam
niya ang pag-aalala nito. At gusto niyang payapain
ang lalaki, gustong siguruhin dito na okay lang siya at wala itong dapat ipag-alala.

Hindi na nagpigil sa sarili si Hillary, iniyakap din niya ang mga braso niya sa katawan nito. "I'm okay. N-nothing to worry about."

"Khliwane An Ire,"bulong nito.

The Remarkable NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon