Chapter 27

111 5 0
                                    

Bakit hindi ka pa mamatay?! Bakit hindi ka atakihin
sa puso at bawian ng buhay ngayon din mismo?!

Iyon ang tumatakbo sa isipan ng katorse anyos na si Hilalry habang naniningkit ang luhaang mga mata at nagngangalit ang mga ngipin sa tindi ng galit na nararamdaman para sa ama.

Kadarating lang niya galing ng eskuwelahan at
malayo pa, naririnig na niya ang naghuhuramentadong boses ng ama. At ang kaaway nito ay walang iba kundi ang walang kalaban-laban niyang ina.

Lasing na naman ang kanyang ama. Wala na naman sa katinuan at ang nangingibabaw na naman ay ang demonyong espiritu ng alak.

"Tama na yan, 'Tay!" hindi nakatiis na bulyaw niya
nang madatnang sinasaktan na naman nito ang kanyang ina.

Binalingan siya nito. Dinuro.

"Umalis-alis ka sa harap ko kung ayaw mong masaktan! Buwisit! Wala kayong kuwenta lahat!"

"Hillary," saway sa kanya ng ina, may pakiusap sa
mga mata. Pero lalo lang siyang nagalit nang unti-unti nang maging obvious ang tama ng kamao ng ama sa balat ng kanyang ina.

"Doon ka na lang muna kina Lita."

Umiling siya. "Hindi, 'Nay." Binalingan niya ang
ama.

"Kami pa ang walang kuwenta?" Sarkastikong tanong
niya.

"Sino ba ang iresponsable rito at wala nang ibang ginawa kundi maglasing? Sino ang walang kahihiyan at hindi binibigyan ng kahihiyan ang pamilya? Sino ang matapang na ang kaya lang labanan ay ang pamilya niya?"

Galit na galit si Hillary sa punto na wala na siyang
nararamdaman ni katiting na respeto at paggalang para sa ama. Kinamumuhian niya ito. At hindi na mabilang ang mga pagkakataong hinihiling niya na bawian na sana ito ng buhay.

"Kung wala na kayong kahihiyan sa katawan ninyo, kami, bigyan n'yo kami!"

"Abat---Tarantado ka!" Sa isang malaking hakbang
ay nakalapit ito sa kanya.

Umigkas ang mabigat na kamay at dumapo iyon sa kanyang pisngi. Sa sobrang lakas ay napabaling pa ang mukha niya kasabay ng pagtilamsik ng dugo mula sa mga labing nahiwa.

"Walang modo!"

"Lando!" nahihindik na sigaw ng kanyang ina.

Dinaluhan siya nito. Parang sinisilaban sa tindi ng init ang mg nasaktang pisngi ni Hillary. Tuloy-tuloy na umagos ang kanyang mga luha pero hindi siya umiyak.

Matalim ang tingin na ipinukol niya sa ama. Kumuyom ang kanyang mga kamay.
Timiim ang mga bagang. Masakit, napakasakit ng sampal.

Pero katiting lang iyon sa sakit ng kalooban na idinudulot ng kanyang ama. Hindi siya nagsisisi sa mga sinabi. Hindi siya nagsisisi sa ginawang pagsagot. Dapat lang iyon. At kung makakapamili lang siya ng ama ay matagal na niyang ginawa.

"Ano, ha? Gusto mo pa?" singhal nito. Dinuro-duro siya.

"T-tama na, Lando. Tama na. Maawa ka sa kanya.
Ako na lang ang saktan mo," umiiyak na pakiusap ng
kanyang ina. Humarang na ito sa kanya.

"Hillary, anak, tama na. Tama na."

"Hinding-hindi ako tutulad sa inyo, Inay. Hindi
ako magpapakatanga sa isang walang kuwentang lalaki!" hindi napigilang bulalas ni Hillary pagkaalis ng ama pagkatapos humingi ng pera sa kanyang ina.

Marahas na pinahid niya ang mga luha gamit ang likod ng palad. Pero ayaw paawat ng mga luha niya, nag-uunahan iyon sa pagtulo at tila sumisikip ang dibdib niya sa sobrang galit.

"I-iyon ba ang tingin mo sa akin? Tanga?" umiyak
na tanong ny kanyang inay habang ibinabalik sa dati ang iilang gamit na nawala sa ayos dahil ipinagtatapon at ginulo ng magaling niyang ama.

"Oho. Dahil nagpapakatanga talaga kayo sa kanya. Bakit kasi ayaw niyo siyang iwan? Inay maawa
naman kayo sa sarili niyo! Walang masisirang pamilya na dapat panghinayangan dahil hindi naman talaga tayo buo, " halos pasigaw na sagot niya.

She was crying so hard.

"Inay, hindi sapat na may ama at ina ang isang bahay
para tawaging pamilya," sumisigok na dagdag pa niya.

"G-gumising naman ho kayo."

"M-mahal ko siya, Hillary, mahal na mahal ko ang ama mo." nakayukong sabi nito.

"Lintik na pagmamahal yan!"

"H-Hillary..."

Pero ayaw niyang magpaawat, patuloy lang na
naglabas ng mga sama ng loob at hinanakit.

"Kung ganyan ang tinatawag n'yong pagmamahal, ayoko nang magmahal pa. Wala na hong pagbabago si Tatay. Mamamatay na siyang ganyan, Inay. Bakit hinahayaan n'yong saktan niya kayo? Tratuhin na para bang alila niya kayo? Gawing punching bag? Inay maawa naman kayo sa sarili n'yo." Her
lips quivered.

Patuloy siyang humahagulhol. Bakit parang hindi naintindihan ng kanyang ina ang gusto niyang
ipaintindi? Bulag ba ito? Bingi? Manhid?

"N-nakakapagod na, Inay. Ikaw, hindi ka ba napapagod? Hanggang kailan kayo magpapaka-martir? Dahil ako, matagal na akong
pagod sa sitwasyong ito. Matagal na akong sumuko sa pag-asam na sana magbago si Tatay... Matagal na akong bumitiw sa kanya!"

"Hindi, anak, huwag mong sabihin iyan. Magbabago
ang tatay mo. Huwag mo siyang sukuan."

Umiling siya, itinuro ang dibdib. "A-alam 'yo bang
nasisira, nagkakawatak-watak ako sa loob? Dahil kay Tatay, may sugat dito sa puso ko. Sugat na sumisira sa maraming magagandang bagay. Sugat na hindi basta-basta magagamot."

Muli ay marahas na pinahid ni Hillary ang mga luha, pati na ang uhog na tumutulo na rin. Mayamaya ay determinadong nag-angat siya ng mukha.

"Ipinapangako ko na hindi ko dadanasin ang dinanas
niyo. Hindi ako magpapakatanga sa isang lalaki. Hindi ako tutulad sa inyo, Inay. Walang lalaki na hahayaan kong saktan ako! Hindi ganito ang magiging buhay ko sa hinaharap. Magiging matapang ako at matatag. Hinding-hindi ko itatali ang buhay ko sa isang lalaki," punong-puno ng pangako na sabi niya.

Hillary blinked her tears away. Parang bula na
naglaho sa puso niya ang nararamdamang saya at
napalitan ng pait at galit dahil sa mga eksena mula sa
nakaraan.

Nasa kalsada pa sila. Sa gilid ng kanyang mga mata, nakita niya si Seven na pasulyap-sulyap sa kanya at parang hindi malaman kung paano babasagin ang
katahimikang humaharang sa pagitan nilang dalawa.

"Can we make it last forever, Hillary?" pag
alingawngaw sa isip niya ng sinabi ni Seven.

No. There was no such thing as forever.

Gawa-gawa lang iyon ng mga taong mahilig tumakas sa realidad ng buhay. Iyong mga taong humahanap ng rason para mabawasan ang kamiserablehan nila.

The Remarkable NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon