Chapter 24

108 6 0
                                    

Habang pauwi, walang pag-uusap na nagaganap sa pagitan nina Seven at Hillary. Si Seven ay nagmamaneho. Isang sasakyan ang hiniram nito sa
palasyo. Iyong luma at walang bandera ng palasyo na pagkakakilanlan. Himala na hindi sila nagkaligaw-ligaw.

Para bang kabisado ni Seven ang bawat pasikot-sikot doon. Si Hillary naman ay nasa passenger's seat, nakapatong ang kanyang braso sa nakabukas na
bintana at nangangalumbaba.

Ginagawa niya iyon dati pa, ang mamintana para maitago ang kanyang ngiti. Ngiting hindi niya malaman kung bakit ayaw mawala.

May mga locals, lalo na mga bata na kumakaway sa
kanya. Sinasagot naman niya 'yon ng ngiti at kaway.
Sa palihim na pagsulyap kay Seven, nakita niyang
nakangiti rin ito.

Ibinalik ni Hillary ang tingin sa bintana, kinakagat ang ibabang labi para hindi na lumawak pa ang ngiti niya. Hanggang sa marinig niya ang exaggerated na
pagtikhim ni Seven, para bang gustong kunin ang
kanyang atensiyon.

Umayos siya ng upo. Sa gulat niya ay bumitiw sa pagkakahawak sa manibela si Seven at dahan-dahang inilapit ang kanyang kamay sa kaliwang kamay niya.

He was coaxing her to accept his hand, to entertwine their fingers. Tiningnan niya ito. Nananatiling nasa steering wheel ang kaliwang kamay habang ang mga mata ay nakatuon sa dinaraanan nila.

Pero hindi na maipagkakaila ang ngiti at kislap sa mga mata ng binata. Lumawak ang ngiti ni Hillary. Gusto niyang mapahagikgik sa nangyayari.

Tinanggap niya ang kamay nito. Nang maramdaman siguro ni Seven ang pagtanggap niya, hinigpitan nito ang pagkakasalikop ng mga kamay nila. Hindi pa rin ito tumitingin sa kanya. Para lang silang mga tanga na hindi nag usap hindi nagtitinginan. Pero magkahawak naman ang mga kamay at parehong malawak ang ngiti. Para bang may unawaang namamagitan sa kanila.

"Hey..."aniya.

"Hey," Sa pagkakataong iyon ay sinulyapan na siya ni Seven. Nagniningning ang mga mata ng sumagot sa kanya.

Nakauwi na ay ganoon pa rin ang eksena sa pagitan
nina Seven at Hillary. Hindi pa rin sila nag-uusap, pero hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi nila.

Para silang mga sira-ulo na umiiwas sa landas ng bawat isa. Kapag makakasalubong ni Hillary si Seven ay umiiwas siya, iniiwasang magpang-abot sila.

Ganoon din ang ginagawa ni Seven. At tuwing mag-iiwasan sila ay hindi niya naiiwasang mapahagikgik. Si Seven din, naririnig din niya ang mahinang pagtawa.

Hindi na nila nadatnan si Luni sa bahay dahil nagbilin kanina si Seven na sa labas na sila maghahapunan. Bukas na uli ng umaga ang balik ni Luni.

Oras na ng pagtulog. Si Hillary ay hindi dalawin ng antok. Buhay na buhay ang kanyang diwa at patuloy
na naaalala ang mga nangyari. Nakahiga na siya sa
kama, pero pabiling-biling. Hindi mapalagay. Naroong dumapa siya, umupo, tumagilid, bumaba ng kama, naglakad-lakad, bumalik ng kama.

What the hell is happening, Hillary? tanong niya sa
sarili. Ngiti ka nang ngiti diyan. Para kang timang. Pag nakikita mo naman siya, natutuwa ka pero para kang ninenerbiyos at gusto mong magtago.

Humugot siya ng malalim na hininga. Nang tumunog ang cell phone niya dahil may nagtext, nagulat pa si Hillary sa tunog niyon.

Ang mensahe ay galing sa lalaking laman ng kanyang isip.

"Bakit pakiramdam ko, gising ka pa rin gaya ko?" sabi
sa mensahe.

Nag-reply si Hillary. "Tulog na ako."

"Ha-ha-ha. Iniisip mo ako, 'no?"

"Yes," reply niya. Pero binura din at piniling huwag
na lang sumagot.

"Puwede mo bang buksan ang pinto? I just want to say good night," muling text nito.

Buksan ang pinto? Pero hindi na nga siya nagla-lock, para madali na itong makakapasok doon kapag
dumadating na si Luni.

No. Hindi lang pagsasabi ng good night ang gustong mangyari ni Seven. Nararamdaman ni Hillary na may kaakibat na imbitasyon ang sinabi nito. At kapag binuksan niya ang pinto, ibig sabihin ay tinatanggap niya ang ano mang mangyayari.

Pero natagpuan pa rin niya ang sarili na binubuksan ang pinto. Seven was there at the doorway, standing tall and sexy.

"Hi," bati nito na mukhang awkward na teenager.

"H-hi," nauutal na sabi niya.

"I... I had a great day."

"Ako rin. Nag-enjoy ako. Salamat."

"So... uhm... good night."

Tumango siya. "Good night, Seven."

Lumapit si Seven at hinalikan ang kanyang noo.
"Good night," muling sabi nito bago tumalikod. Muli
rin naman itong humarap.

"Actually, gusto ko lang itanong kung takot ka sa kulog at kidlat? May tropical depression kasi at malaki ang posibilidad na kumulog at kumidlat mamaya."

"Hindi naman alo takot sa kulog at kidlat. Why?"

Ngumiti ito. "Ah, hindi ka takot sa kulog at kidlat. Eh, baka may multo sa ilalim ng kama at kailangan mo
ng knight in shining armor?"

Natawa si Hillary. Nakuha na niya. Gusto nitong
makasama siya sa gabing iyon. At tuksong-tukso siya
sa ideyang matutulog siya sa mga bisig nito.

"What do you want?" She led him on, umaasang makukuha nito ang cue niya. Na-realize ni Hillary na hindi niya kayang pakawalan si Seven nang ganoon na lang. Dahil kung hihintayin niya na si Seven ang gumawa ng unang hakbang ay baka mapanis siya sa kahihintay.

Humakbang ang binata palapit sa kanya. Bigla ay
parang tuod sa pagkakatayo si Hillary. Sinapo ni Seven ang kanyang mukha. Napahawak naman siya sa mga braso nito.

His skin felt so hot against hers. Tinitigan siya ni Seven. "Can I make love to you right now, Hillary?" parang piping usal nito.

Namamangha siya kung paanong nabasa niya iyon sa mga mata nito. "S-say it," halos walang boses na utos niya.

Sumunod si Seven. "Can I make love to you, Hillary?"

Hindi tumango si Hillary. Hindi nagbitiw ng salita. Pero tumingkayad siya at uhaw na inapuhap ang
mga labi ni Seven. Sapat na 'yong sagot sa pagpayag niya.

The Remarkable NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon