Chapter 33

103 5 1
                                    

Ang haplos sa nakayukong ulo ni Hillary sa kinahihigaang hospital bed ng kanyang ina ang gumising sa kanya.

"N-Nay," agad na sabi niya.

"Kumusta ho ang pakiramdam n'yo?" nag-aalalang tanong niya.

Salamat sa Diyos at naisugod agad nila ito sa ospital, naagapan ang sana ay atake sa puso. Well, dapat ding pasalamatan si Seven dahil naroon ito at hindi nataranta.

Dumating sila sa ospital sa tamang oras dahil sa binata. Sila kasi ni Chloe ay parehong natataranta at hindi alam ang gagawin.

"Sshh... she'll make it," pag-alo sa kanya ni Seven habang ang kanyang ina ay inaasikaso na ng mga doktor.

Hillary was trembling and crying so hard. Hindi niya
mapapatawad ang sarili kapag may masamang nangyari sa nanay niya.

Hindi tumutol si Hillary nang yakapin siya ni Seven. Marahang hinaplos nito ang kanyang likod. Haplos na kumakalma sa kanyang kalooban. Muli siyang nakadama ng seguridad sa mga bisig na iyon. Para bang may karamay na, may mapagpalang kamay na nagpapagaan sa kanyang kaloobam, may nagbibigay ng asurance na bindi siya iiwan sa ano mang unos o pagsubok.

"K-kasalanan ko, kasalanan ko..." pag-iyak niya sa balikat ng binata.

"Don't be too hard on yourself. Calm down. Magiging maayos din ang lahat. Makikita mo... Stop crying... Sshh,.."

Dinampian ni Seven ng halik ang ulo niya habang patuloy sa pagkonsola sa kanya. Hindi niya alam kung paanong naroon si Seven nang mg sandaling iyon. Pero nagpapasalamat talaga siya na naroon nga ito.

At mas laking pasasalamat niya na naroon pa rin ito at inaalalayan siya, dinadamayan. Because if truth be told, wala siyang ibang gusto na iyakan sa sandaling iyon kundi ang binata lang.

Nang ideklarang ligtas na ang kanyang ina ay bigla na lang nawala si Seven. Umalis ito nang hindi nagpapaalam kay Hillary. And somehow she felt
lost. She felt empty inside. Para siyang nawalan ng
makakapitan, g mapagkukunan ng lakas. Nang nasa
tabi niya ito at inaalo siya, pakiramdam niya ay buo siya.

Sa pag-alis ni Seven, parang may nawawala na namang bahagi ng pagkatao niya. Of course, alam niya kung ano iyon---ang puso niya. Ang puso niya na hawak ni Seven.

"P-patawad..." usal ng kanyang ina kasabay ng pagtulong mga luha.

Umiling si Hillary. ''N-Nay, h-huwag na ho muna kayong magsalita. Huwag na ho ninyong isipin iyon.
Baka makasama pa sa inyo." Pilit niyang sinisikil ang
muling pag-apaw ng emosyon.

"A-ang... mga narinig ninyo---" Tumaas ang payat na kamay ng kanyang ina at hinaplos ang kanyang pisngi.

"N-naging makasarili ako. H-hindi ko siya maiwan sa dahilang mahal ko siya. Tinis ko ang lahat. Nagpakamartir ako."

Tumulo na rin ang mga luha ni Hillary. Hinawakan niya ang kamay ng ina at ikinulong sa mga kamay niya. Her lips and hands were trembling.

"H-hindi ko alam na ganoon kalalim ang sugat sa
puso mo 'N-Nay."

"Mas lalo kong nauunawaan ngayon kung bakit minsan ka lang umuwi sa atin... Dahil ako mismo...
ang mga peklat na ito sa katawan ko, kapag nakikita
mo ang mga ito, n-naaalala mo ang lahat. Bumabalik
sa isip mo kaya hindi maghilom ang sugat d-dahil may tagapagpaalala. A-anak ko, patawad!" humahagulhol na sabi ng kanyang ina.

Hindi magawang magsalita ni Hillary. Patuloy lang na bumubuhos ang kanyang mga luha. Mga luhang matagal niyang ikinulong at kinimkim sa kalooban.

"H-Hillary, anak, iyon ang buhay na kinahinatnan
ko dahil iyon ang pinili ko. Pinili kong manatili sa piling iyon mauulit sa ng ama mo. Ang kapalaran ko ay kapalaran ko. Hindi, dahil hindi mo iyon papayagan. Huwag mong sukuan ang pag-ibig. Sumubok ka,"

The Remarkable NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon