"So, tayo na?"
Pinatigas ni Hillary ang kanyang mukha. Ang lalaking ito ay halimbawa ng chauvinist. Isa ito sa mga nag-iisip na mas superior ang mga lalaki sa mga babae. Na dapat ay ang lalaki ang nagdidikta ng batas at walang ibang gagawin ang babe kundi sumunod.
Puwes,mabibigo ito sa kanya.
"Sa palagay mo ba makakaya mo akong pasunurin?" Umirap siya. "Mas pipiliin ko pang maglakad na lang pauwi. No. Tatawag na lang ako sa isang kaibigan para magpasundo."
Pero sino nga ba ang puwede niyang istorbohin sa oras na 'yon para magpasundo? Sa layo ng lugar na iyon sa mga kakilala niya, mukhang malabo na makapagpasundo siya. Ang mga kaklase naman niya ay balak yatang mag-overnight. Delikado naman kung makikisabay siya sa hindi niya kilala.
Ang hudyo ay ngumisi lang sa panggagalaiti niya. Parang hindi ito apektado sa katigasan niya. "Sinabi ko na, 'di ba? I will not leave you alone. Gusto mo
bang magpakilala ako sa nanay mo? Sa palagay ko nakakatuwang gawin 'yon..."Parang nanlaki ang ulo ni Hillary sa narinig.
"Kaya kong lumitaw sa inyo at ipakilala ang sarili ko."
"At paano mo ipapakilala ang sarili mo? Ang lalaking nakapiling ko sa isang gabi?!" naha-high blood na sabi niya.
"Malalaman mo na lang kapag nando'n na ako. Baka masorpresa ka... Hmm." Inilagay pa ni Seven ang isang daliri sa mga labi nito, parang nag-iisip.
"Ano kaya ang magiging reaksiyon sa inyo kapag lumitaw ako do'n?"
"Hindi mo gagawin 'yan!" Pero alam niyang
gagawin iyon ni Seven. Gagawin 'yon ng lalaki dahil kaya nito.Ngiting puno ng tagumpay ang gumuhit sa mga labi nito. Parang nadagdagan ang mga armas na magagamit nito laban sa kanya.
"So, shall we? Sasabay ka na sa akin?"
Panay ang sipol ni Seven habang nagmamaneho. Si Hillary naman ay walang-imik at halos magsumiksik sa pinto sa gawi niya.
It was so wrong. Pero may pagpipilian pa ba siya? Ginagamitan siya ng lalaki ng blackmail na natatakot naman siyang kontrahin. Hindi niya kilala ang pagkatao nito. Papaano pala kung may kakayahan nga si Seven na gawin ang mga banta nito? Hindi nga ba at ipinagdiinan nito kanina na he walks the talk?
Na ibig sabihin ay ginagawa talaga nito kung ano ang sinabi. But damn it, nakukuha ni Seven ang kontrol sa sitwasyon. Isang bagay na hindi dapat niya pinayagan.
"Say something," anito.
Sa gilid ng mga mata ni Hillary ay nakita niyang nakatingin ito sa kanya. Nilingon niya ito at inirapan.
"Wala akong dapat sabihin."
"Hindi mo ba itatanong kung bakit natatagalan ang paglabas natin sa main highway?"
“Ha?”
"Parang... naliligaw tayo," nakangiwing sabi nito bago hinaplos ang batok.
"Ano?!" mas malakas niyang tanong. Tumuwid ang likod niya, sabay tingin sa dinaraanan nila.
Humalakhak si Seven. "Biro lang. Namutla ka
naman agad diyan. Relax, will you? Para namang hindi tayo naging... close."Damn it! Pinagkakatuwaan pa ako ng lalaking
ito! nanggagalaiting sabi ni Hillary sa isip. Hindi
makapaniwalang umabante siya papalapit kay Seven, saka ito pinagpapalo sa braso."Aw. Stop that." Ang kaliwang kamay na lang
ang ipinangkokontrol nito sa manibela, ang kanan ay ipinansasalag sa kanya.Pero hindi siya tumigil at panay pa rin ang atake.
Hanggang sa ipulupot ni Seven ang kanang kamay
nito sa batok niya at hapitin siya papalapit dito. Halos magbungguan ang mga mukha nila.Sa napakaliit na distansiya ng mga mukha nila, nakita niya nang titigan siya ni Seven. Napalunok si Hillary. Parang biglang tumahimik ang paligid at mas naging aware siya sa lalaking kasama sa sasakyan.
Hahalikan kaya siya nito? Ah. Naaamoy niya ang mabangong hininga ng lalaki na nababahiran ng amoy ng alak. Para siyang malalasing.
Bahagyang bumuka ang mga labi ni Hillary sa paghihintay. Hindi niya itatanggi ang urge na nabuhay sa kanyang pagkatao. Para siyang biglang nauhaw. Kapag hinalikan siya nito ay tatanggapin niya iyon at ibabalik.
Isang mahinang ungol ang kumawala sa lalamunan ni Seven.
"Sige na. Alam ko na gusto mo akong halikan. Gawin mo na,'' sabi nito sa paos na boses.
Nang rumehistro iyon sa pandinig ni Hillary ay mabilis siyang kumawala at umayos ng upo. Noon lang niya na-realize na nakatigil na pala ang sasakyan.
"Bakit hindi mo sinamantala ang pagkakataon na mahalikan ako?" Nanunukso ito, walang duda.
"Dahil ayaw ko! Dahil hindi ako interesado sa halik mo."
"Yeah?" Nakataas ang sulok ng mga labi ng lalaki sa pinipigilang ngiti, halatang hinahamon siya. "Kung
gano'n, bakit namumula ang mga pisngi mo?"Hindi iyon matutulan ni Hillary dahil ramdam niya ang pag-init ng mga pisngi. Marin niyang ipinikit ang mga mata, kinakalma ang nagririgodong dibdib.
Nang dumilat siya ay hindi na niya napigilang mapangiti. "Sino ang hindi mamumula sa galit kapag hina-harass siya ng isang aroganteng lalaki?" depensa niya.
"Ikaw, bakit hindi mo ako hinalikan? Am I not desirable enough for you?" Kung hindi niya ito mapapatino sa pagtataray, eh, di sabayan na lang niya ang trip nito.
Laruin ang laro nito. Sa atakeng yon ay baka may tsansa pa siya na manalo.
Nawala ang mapanuksong ngiti ni Seven. Biglang nabahiran ng pagnanasa ang mga mata. Tumigas ang
panga nito sa pinipigilang damdamin."Kapag hinalikan kita, baka hindi ko magawang tumigil. I swear I can take you right here, right now," mababa, paos, at puno ng intensidad na sabi nito habang deretsong nakatingin sa mga mata niya.
Nagulat si Hillary sa naging rekasiyon niya. Kinilabutan siya. Pero kilabot na hindi dulot ng takot. Kilabot na dulot ng matinding excitement.
"Katulad sa Singapore... you know... picking up a woman from a bar is not my thing. It was never my thing. Pero nang matikman ko ang mga labi mo, hindi ko na nakontrol ang sarili ko. I started making love to you. Gusto mo bang mangyari iyon ulit, Gillary?"
Kinilabutan si Hillary sa pagnanasang nabubuhay sa katawan niya. She was turned on. Pumasok sa isip
niya ang maiinit na eksena. Na-imagine ang sarili na inaangkin ni Seven sa loob ng sasakyang iyon.Nanuyo ang lalamunan niya. Parang bigla siyang hiningal. At ano uli ang ginamit nitong salita? Making love?
Lumitaw ang paghahamon sa mga mata ni Seven. Hinahamon siya na i-provoke ito, na hamunin itong gawin ang sinabi nito. At natukso siya. Mabuti na lang at nangibabaw ang malinaw na daloy ng kanyang isipan. Alam niya na kapag isinubo niya ang sarili rito ay lalo lang niyong gagawing kumplikado ang sitwasyon. Baka lalo lang siyang hindi makalabas sa sitwasyong iyon.
"P-paandarin mo na ang sasakyan."
"Hell," usal ni Seven bago bumalik ang mata sa manibela.
BINABASA MO ANG
The Remarkable Night
RomanceWala nang ibang nais si Hillary kundi ay ang tumanda nang hindi nag-iisa. At ang nakikita niyang sagot doon ay ang pagkakaroon ng anak. Pero may problema, wala siyang asawa o boyfriend man lang. Kaya nang minsang mapunta sa isang bar, pinatulan na...