Two months later
Tinititigan ni Hillary ang halagang nakasulat sa tseke. Nakakalula ang pigurang naroon. Kayamanan nang maituturing. Kung magtatrabaho siya ay aabutin ng maraming taon bago siya makaipon ng ganoon
kalaking halaga.Si Attorney Guillermo---ang abogado ni Seven---ang naghatid sa kanya ng tseke.
Dalawang buwan na ang nakalilipas mula nang makauwi siya at tumupad si Seven sa kanilang kasunduan. Hindi na ito nagpapakita sa kanya. Ni wala siyang balita kung nakabalik na ba ito sa Pilipinas, o kung ano na ang ginagawa nito.
And she was terribly missing him.
"Mahigpit na bilin ni Mr. Fuentes na iparating ko sa 'yo na kapag kailanganin mo ng ano mang tulong, puwede mo akong kontakin at---"
"Attorney," pag-awat ni Hillary sa sinasabi ng abogado. Inilapag niya ang tseke sa ibabaw ng mesa. Bago itinulak iyon papunta a harap nito. Itinago niya
ang mga kamay sa ilalim ng mesa para maitago ang
panginginig.Huminga siya nang malalim.
"Pakisabi ho sa kliyente niyo na wala ako ni isang kusing na tatanggapin mula sa kanya. Na alam ho niya kung ano talaga ang gusto kong makuha. Peace of mind. Iyon lang ho ang kailangan ko.
Peace of mind? Bakit, Hillary, hindi ka naman na
ginugulo ni Seven, di ba? Ni hindi siya nagpapakita sa 'yo. Pero nasaan ang peace of mind na sinasabi mo? Wala ka n'on, Hillary, pagkontra ng isang bahagi ng kanyang isip.Alam mo kung ano ang meron ka? Pagmamahal.
Pagmamahal para sa lalaking tinanggihan mo. You miss him! You're looking, and longing for him! Admit it, nangungulila ka sa kanya. Gusto mo siyang makita!Stop it, sagot niya sa ayaw paawat na boses sa likod
ng kanyang isip. Bakit ba para iyong sirang-plaka na
paulit-ulit na sinasabi ang mga bagay na alam naman na niya?Oo, mahal niya si Seven. Nangungulila siya rito at gusto niya itong makita! At oo, wala siyang kapayapaan.
Paano ba siya magkakaroon niyon kung ang isip niya ay walang ibang laman kundi ang binata at mga sandali sa piling nito?
"A-at hindi naman ho niya ako g-ginugulo kaya... k-kaya p-pakisabi bayad na siya."
Tinitigan siya ng abogado na para bang hindi makapaniwala na pakakawalan niya ang ganoon kalaking pera. Tumango rin naman ito.
"Makakarating. Dinampot nito ang tseke at ibinalik sa folder. Pagkatapos ay isang dokumento ang inilabas nito at iniabot sa kanya.
"Iyan ang mga dokumento na kailangan mong pirmahan para masimulan na ang proseso ng divorce."
Parang nilukob ng kung anong lamig si Hillary. Kasabay ng pagtusok ng sakit sa puso niya.
She knew it would come. Inaasahan na niya iyon. Pero bakit ganoon? Bakit hindi pa rin niya napaghandaan ang sakit na parang pumipilas sa pagkatao niya? Her eyes watered.
Gustong-gustong kumawala ng mga luha niya nang
mga sandaling iyon. Kung nasasaktan ka man, Hillary, kasalanan mo na 'yon. Mahal ka ni Seven at inaalok ka niya ng kasal pero tumanggi ka. Mas pinangibabaw mo ang takot mo kaysa sa nararamdaman mo sa kanya. Ngayon, magdusa ka, sabi uli ng isip niya."Kung gusto mo, hija, puwede mo 'yang iuwi para
mabasa ang mga nilalaman."Kinagat ni Hillary ang dila. Matinding pagpipigil
ang ginagawa niya para hindi magpakita ng ano mang emosyon.But damn it. Gusto niyang maglupasay at humagulhol nang malakas. Gusto niyang maiyak sa
sakit at pangungulila na nagsisiksikan sa kanyang puso."H-hindi na ho kailangan. Pipirma na ho agad ako para masimulan na ang proseso g divorce."
BINABASA MO ANG
The Remarkable Night
RomanceWala nang ibang nais si Hillary kundi ay ang tumanda nang hindi nag-iisa. At ang nakikita niyang sagot doon ay ang pagkakaroon ng anak. Pero may problema, wala siyang asawa o boyfriend man lang. Kaya nang minsang mapunta sa isang bar, pinatulan na...