Chapter 20

121 6 0
                                    

"Handisa, Mr. Funtes," magalang na pagbati ng isang native man na lumapit sa kanila ni Seven.

Nakasuot ang lalaki ng brown na pantalong khaki at puting polo shirt. Hindi gaanong mapagtuunan ng pansin ni Hillary ang paligid ng maliit na airport dahil sa mainit na klima. Mas malala pa yata iyon sa summer ng Pilipinas.

Pakiramdam niya ay inihaw siya sa sobrang init at bigla siyang na-dehydrate, kahit binalaan na siya ni Seven tungkol doon. Maliban naman daw doon ay
napakaganda ng buong bansa at siguradong masisiyahan siya roon.

"Handisa, Tili," sagot ni Seven. "Nice to see you again."

Binalingan siya ni Seven. "Sweetheart, this is Tili. He's one of the palace's chauffeur. He was assigned to drive me everyday. Oh, Handisa means long live. That's 'Mabuhay' to us Filipinos."

Binati ni Hillary ang driver. Nabanggit na sa kanya ni Seven na kahit may native language ang mga Dushianan, English ang second language ng mga ito at marami na rin ang marurunong.

Pagkatapos makuha ang mga kagamitan nila ay agad na rin nilang tinahak ang daan na maghahatid sa tutuluyan nila.

Maraming palm trees at tropical trees sa daan. Marami ring mga bulaklak. Bulubundukin ang uri ng lupa roon. Maraming mga pagkakataon na umaakyat sa parang burol ang sasakyan, pagkatapos ay bababa rin.

Mayroon ding mga bangin at gilid ng bundok na nadaraanan. What fascinated her most were the hanging bridges. Hindi ilan ang nadaanan nila na
hanging bridge. Mayroong mga sasakyan silang nalalampasan pero kapansin-pansin na walang sasakyan na hangangahas na mag-overtake sa kanila. Marahil ay dahil sa bandila na nakakabit sa unahan at hulihan ng sasakyan, palatandaan na sasakyan 'yon ng palasyo.

Mayroon din silang nadadaanan na mga tao. Napansin ni Hillary na hawig sa mga Asyano ang pisikal na hitsura ng mga Dushianan. Matatangkad nga lang ang mga ito at mas darker ang balat na marahil ay dahil sa klima roon.

"Nagugustuhan mo ba ang mga nakikita mo?" tanong ni Seven. Sa gilid ng mga mata ay nakita niyang nakatitig ito sa kanya.

"O-oo,"pag-amin ni Hillary.

"Nananalangin talaga ako na masiyahan ka rito, Hillary. Na hindi ka mainip at malungkot."

"Hindi ko alam na maalalahanin ka pala," sarcastic na sabi niya pero nakangiti. Sa kabila niyon ay sinisiguro niyang hindi siya nakasimangot o hindi nakakunot ang noo.

For the driver's benefit, of course. Mag-asawa sila at hindi lang iyon, kakakasal lang nila. Kaya nang akbayan siya ni Seven at hapitin pasandal sa katawan nito, pinigilan niya ang sarili na tumugon nang bayolente. Hinayaan niya na lamang ang lalaki.

"Marami kang hindi alam tungkol sa akin, sweetheart," halos bulong ni Seven sa tainga niya.

Nang maramdaman ang mainit na mga labi nito
L sa kanyang tainga, natensiyon si Hillary. Nabitin ang kanyang hininga at napakapit pa sa braso nito.
Magkahalo ang nararamdaman niya. Una ay gusto niyang sigawan si Seven sa pagkaasiwang hatid sa kanya ng ginagawa nito.

Pangalawa ay gusto niyang luminga sa lalaki at... at salubungin ang pangahas na mga labing iyon. She wanted those hot lips on her lips, sucking and nibbling. She wanted his hand on her body, touching
and caressing. Damn it!

Nang bumaba sa leeg niya ang mga labi ni Seven, bumaba rin sa hita nito ang kamay niyang nakakapit
sa braso nito.

Natigilan si Seven. Hindi 'yon sinasadya ni Hillary, pero nang maramdaman niya ang epekto sa binata ng kamay niya sa hita nito, nakakita siya ng sandata na puwedeng gamitin.

Humarap na siya kay Seven at nginitian ito, kasabay niyon ay humahaplos ang palad niya sa hita nito. Kahit na nag-ingat din na hindi masagi iyon.

"L-look, sweetheart. Ito ang pinaka-bayan ng Dushiana," ani Seven na itinuro ang dinaraanan nila.
Halatang ginawa iyon ng binata para ibaling sa iba ang atensiyon niya.

Natawa si Hillary dahil doon, nakadama ng kasiyahan. "Hey, sweetheart," matamis niyang sabi bago muling hinaplos ang hita nito. Nginisihan niya ito.

Umungol ang binata, kahit na mahina lang. "Tumigil
ka, sweetheart. Please," paos ang boses na pakiusap nito.

Tawa nang tawa si Hillary. At kahit na nga ba pinayagan siya ni Seven na makaagwat sa katawan nito, hinuli naman nito ang kamay niya at hindi pinakawalan. Hindi niya magawang magprotesta.

Okay, ang totoo ay nadiskubre niyang gusto niya ang pakiramdam na magkasalikop ang mga kamay nila. Para bang nagdudulot 'yon sa kanya ng munting kiliti.

"Inaasahan mo na 'to, 'di ba?" maingat na tanong ni Seven kay Hillary nang mapagsolo na sila sa kanilang silid. Inihatid sila ng driver sa isa sa mga rest house na tinutuluyan ng mga bisita.

Sabi ni Seven ay sa palasyo raw talaga ang alok ng hari, maayos lang nito iyong tinanggihan. At ang rest house na kinaroroonan nila ngayon ay may iisang bedroom lang.

"Ang pagsasama natin sa iisang kuwarto?" Tumango si Hillary.

Ang rest house ay yari sa mga native products. Makintab ang sahig at napakapresko sa paningin ng pagkakaayos ng mga gamit. Napansin din niya na ang malalaking kagamitan tulad ng mga upuan at estate ay yari sa kahoy.

Napakalawak ng bedroom. May parte na may sofa set, may dressers, may mini-kitchen minus cooking utensils and stove, malaki rin ang comfort room, natatabingan ang kama ng partisyong parang yari sa mga kapis at seashells. Malawak ang kuwarto pero para pa ring napakasikip sa presensiya ni Seven. At ang kama... God! Para iyong nang-iimbita.

"Okay lang sa 'yo? Puwede naman ako sa couch.
Sa 'yo na ang kama. Pero kung hindi ka komportable
na magkasama tayo sa iisang kuwarto, puwede naman akong matulog sa labas. Tutal naman wala naman dito si Luni kapag gabi." Ang itinalagang caretaker nila ang tinutukoy ni Seven. Ang babae nga sana ang mag-aayos ng mga gamit nila tulad ng paglalagay ng mga damit sa mga cabinet pero sinabi ni Hillary na kayang-kaya na niya iyong gawin.

"Sigurado ka?" Gusto niyang mangiti nang bumakas ang pagkadismaya sa guwapong mukha ni Seven.

Hindi niya nakakalimutan ang main goal niya kung
bakit pumayag sa sitwasyong iyon. She should bear a child. Dapat na may mangyari sa kanila ni Seven. Pero hindi niya 'yon gagawin nang lantaran. Dapat niyang laruing mabuti ang mga baraha niya. At alam niya kung ano ang gagawin.

Aakitin niya si Seven sa paraang banayad at halos hindi halata. At ang unang hakbang ay ang pagpapakipot. Magpapakipot siya para lalo itong manabik sa kanya.

The Remarkable NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon