Bumuntong-hininga si Hillary pagkatapos niyang ikuwento kay Seven ang dahilan kung bakit tinanggihan niya ito noong una.
Naroon sila ni Seven sa upper deck at pinanonood ang kagandahan ngpapalubog na araw. Nakakapit siya sa railing habang si Seven ay nasa likuran niya at nakayakap sa kanya.
"Na-realize ko na kung gusto kong lumigaya, I should not live in the past. I should not dwell on the
mistakes of yesterday. That sometimes you have to
take chances... Mas mabuti raw kasi iyong sumugal at
lumaban kaysa magsisisi at manghinayang sa mga oras na hindi na maibabalik pa. Kapag kasi hindi ka sumugal, ibig sabihin talo ka agad. Kapag sumugal ka, may chance ka pang manalo."Humigpit ang yakap ni Seven. Ipinatong nito ang
ulo sa kanyang balikat. "Hindi mauulit 'yon, sweetheart. Dahil tulad ng naranasan ko, gusto ko ring lumaki sa isang masaya at may pagmamahal na tahanan ang mga magiging anak ko. Hindi ka mabubuhay sa takot, hindi ka mangangamba. Sa piling ko, matutulog kang payapa at gigising na kontento."" Oh, Hillary, if you only knew how much I love you."
Humarap siya rito. Sinapo ni Seven ang mukha niya sa mga palad nito.
"A-alam ko na ngayon. Alam ko na ang lahat. Mula sa engkuwentro natin sa bookstore, hanggang sa pekeng pangangailangan mo ng asawa. Napagtagni-tagni ko na ang lahat, Seven. Kahit na ang pakikipag-ugnayan mo kay Nanay, alam ko na rin, nanginginig ang böses na sabi niya."
Napakasuwerte niya sa lalaking ito. Pinagpala siya dahil binigyan siyang Diyos ng lalaking gagamot sa lahat ng sugat niya.
"Sa Singapore, I don't know why I couldn't speak. Hindi ko alam kung bakit hindi kita malapitan. Hanggang sa naging mabilis na ang mga pangyayari."
"Oh. Kaya pala tinanong mo ako noon kung meron
ba akong kakambal.""Yeah. Magkaibang personalidad kasi ang nakita ko
sa bookstore at sa Singapore. But I still knew it in my
heart na ikaw talaga 'yon. Alam ko dahil dito..." Itinuro ni Seven ang tapat ng dibdib kung saan tumitibok ang puso nito. Namula ang mga mata nito."You know what I mean? My heart told me it was really you. Habang natutulog ka, pinagmamasdan kita. I realized then that you're the woman I want to spend the rest of my life with. Balak kong kausapin ka pero parang bula na bigla kang nawala. Hindi na ako lalo matahimik. Kaya nang makita kita sa kasalan... I've been so desperate na hindi ka na makawala pa sa akin to the point na mayabang at bossy na ang dating ko sa 'yo."
"Well, sinasabi naman talaga nila na bossy at mayabang ako." Natawa ito sa huling sinabi.
"Okay, I guess it's my turn. Oras na para sa pinakamalaking rebelasyon ko." Tumikhim siya.
"D-dahil sa nasaksihan kong buhay ni Inay sa piling ni Tatay, wala na akong planong mag-asawa. Ang gusto ko na lang... magkaanak. Anak na pagbubuhusan ko ng atensiyon at pagmamahal. So, noong gabing iyon sa Singapore... uhm... you know."
Kumunot ang noo ni Seven. Ramdam niya nang
matensiyon ito. "You were a virgin at sabi mo, nakainom ka ng date rape drug." He gasped."You did that on purpose, did you? I mean, yeah, noong sinabi mo na nakainom ka lang ng gamot, naisip ko na agad na sinadya mo iyon para iwala ang virginity mo."
"Wait. So, ibig sabihin ang misyon mo talaga nang gabing yon ay para mabuntis?"
Napangiwi siya. "Er- yes. Ganoon nga. Ginawa ko
ang lahat ng iyon para mabuntis.""What the hell?!" Kumalas ito sa kanya. Nagpunta
sa kabilang railing at mahigpit na humawak doon."Galit ka ba?"
BINABASA MO ANG
The Remarkable Night
RomanceWala nang ibang nais si Hillary kundi ay ang tumanda nang hindi nag-iisa. At ang nakikita niyang sagot doon ay ang pagkakaroon ng anak. Pero may problema, wala siyang asawa o boyfriend man lang. Kaya nang minsang mapunta sa isang bar, pinatulan na...