"Oh, God. Kahit iyan na lang ang mabingwit ko, sabi ni Janice, isa rin sa mga kaklase nila noon at pinsan ni Johanna.
"Puwedeng-puwede na sa akin si Seb."
"Sebastian." agad na pagtatama ni Wendy. Naroon ang pag-angkin. Paano ay noon pa man, ito lang ang tumatawag ng "Seb" kay Sebastian.
Seb-love pa nga yata ang endearment nito sa lalaki. Hindi siya sigurado. Sinulyapan ni Hillary ang katabing si Sienna.
Si Sienna ang mayaman sa kanilang grupo. Dati pa ay napagkakamalan na itong snob dahil sa pagiging
mayaman. Pero hindi ganoon si Sienna.Bukod sa pagiging galante, napakabait nito at maalalahanin. Naaalala ni Hillary, kapag nag-iisa siya noon ay nilalapitan siya nito. Wala itong sasabihin, tatapikin at pipisilin lang ang balikat niya sa parang nagsasabi na naroon lang ito kung sakaling kailangan niya ng kausap.
Ngayon, kahit okupado rin ang isipan, napansin niya
na kahit ngumingiti at nakikipag-usap si Sienna ay malungkot ang mga mata nito. Hindi 'yon ang mga
mata ng Sienna na kilala niya. Para bang may nagpabago sa mga mata ng babae. Sa ilalim ng mesa ay inabot niya ang kamay nito at marahang pinisil, katulad ng ginagawa nito sa kanya noon.Sumulyap si Sienna sa kanya at ngumiti. Tumikhim si Sienna. "Mabuti at naisipan ni Johanna na kuhanin ang banda nila," pasimpleng sabi nito kay Wendy.
Obvious na pati ito ay nakakahalata sa tensiyong
nararamdaman ng kanilang kaibigan, "O ikaw ang nag-suggest sa mag-asawa?""No. And trust me, wala din akong idea kung paano
niya nakontak ang mga iyan. That's not part of the program, actually. Last minute ko na lang nalaman ang tungkol sa pagbabago na iyan, sabi ni Wendy.Kung kailan nahu-hook na si Hillary sa usapan at nawala na sa isip ang tungkol sa lalaki, saka naman para itong nananadya na dumaan sa mesa nila, muling kinukuha ang kanyang atensiyon. Nakangisi pa ang mga hudyo.
Oh, hell...
"Hello there," sabi ng baritonong boses na gumulat kay Hillary. Kalalabas lang niya ng comfort room kung saan nagpalipas siya ng ilang minuto para payapain ang sarili.
Nagmula sa may pader ang boses kaya hindi niya
napansin paglabas kung may tao ba roon o wala. Dahil sa gulat ay nabitawan niya ang hawak na
purse."Oops. Sorry," anito bago yumuko para pulutin ang kanyang purse.
"Bibigyan mo ako ng heart attack!" singhal niya habang sapo ang dibdib. "Sino ka b---" Hindi na niya
naituloy ang tanong dahil mula sa pagpulot ng purse ay tumuwid na ng tayo ang lalaki."Sino ako?" nakangising sabi nito. "Ah, yeah. Hindi
nga pala natin naibigay ang mga pangalan natin sa isa't-isa. O mas tamang sabihin na hindi ibinigay sa isa't isa.""Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo," angil niya bago inagaw sa kamay nito ang purse. Akmang tatalikod na si Hillary at iiwan na ang lalaki pero hinawakan nito ang braso niya at sa isang kisap-mata ay naisandal siya sa pader.
Hindi lang ito, itinuon nito ang mahahaba at malalakas na bisig sa ibabaw ng magkabilang balikat niya, imprisoning her.
"Siyempre, alam mo kung ano ang sinasabi ko. Hindi nagsisinungaling ang mga mata mo, sweetheart. Hindi ka magaling magtago ng reaksiyon. Nakikilala mo ako. Malinaw mong naaalala kung ano ang nangyari sa atin."
Parang naliliyo si Hillary, nalulunod sa presensiya ng lalaki. Pumupuno sa ilong niya ang lalaking-lalaking amoy nito, banayad iyon pero mapang-akit. At walang dudang nakakagayuma na para bang hindi ka magsasawang langhapin ang amoy na iyon.
"Ano bang--pakawalan mo nga ako. Why are you
harassing me? Hindi ko sabi alam kung ano ang
pinagsasabi mo," kumakabog ang dibdib na sabi niya. Ikinuyom niya ang mga kamay at itinuon yon sa dibdib ng lalaki para mapigilan ang unti-unti at sinasadyang paglapit ng katawan nito sa katawan niya.Oh, God, hiyaw niya sa isipan nang maramdaman sa kamay ang tibok ng puso nito, parang nagba-vibrate
'yon. Lalo siyang kinabahan, natuliro. This man's virility was making her knees wobble."Pakawalan mo ako! Sino ka man, idedemanda kita." Bakit ba walang tao na napslalagi sa lugar na iyon para mahingan niya ng tulong?
Umiling ito, nakangisi. Sensuwal na klase ng ngisi na nakaguhit sa sensuwal ding hugis ng mga labi.
"Ano'ng pangalan mo?"
"Bakit ko ibibigay ang---"
Muli ay hindi niya naituloy ang protesta dahil inilalapit ng lalaki ang mukha nito sa mukha niya. Pakiramdam niya ay tatalon na mula sa kinalalagyan ang kanyang puso.
'"S-sisigaw talaga ako!"
"Your name. Tell me your name," utos nito, ni walang bakas ng takot sa banta niya.
At bumuka ang mga labi ni Hillary para tumili. Pero ang tili ay hindi nagkaroon ng boses, hindi nakawala. May humarang sa bibig niya, at sa panggigilalas niya ay ang mga labi ng lalaki.
Mainit.
Malambot.
Matamis.
Iyon ang mga labing nanakop sa mga labi niya. Banayad iyong gumalaw, inuutusan siya na tumugon at tanggapin ang halik nito. Eksperto ang mga labing 'yon pero hindi niya ipagkakaila na... na masarap ang halik. Iyon ang kaparehong labi na nagpala at sumamba sa bawat parte ng katawan niya noong gabing iyon. Noong gabing iyon sa isang bar nang magpasya siya na ito ang maging sperm donor ng anak na gusto niya.Lahat ng sulok, lahat ng parte ng kanyang katawan ay pinagpala ng mga labing iyon. Muntikan nang magtagumpay ang lalaki, muntikan na niyang tanggapin ang halik nito at sagutin 'yon kung
hindi lang siya natauhan.Kinagat niya ang labi nito, "Aw!" hiyaw ng lalaki bago sinapo ang nasaktang labi. Sa wakas ay nakawala si Hillary. Umigkas ang kamay niya at pinadapo sa pisngi ng lalaki.
"You deserve that, pervert! Humanda ka dahil hindi ko palalampasin ang sandaling ito," banta niya bago tumalikod.
"Akala mo ba matatakasan mo ako? Hindi," sabi
ng lalaki na nagpatigil sa paghakbang niya."Kaibigan ka ng bride? Kaibigan naman ako ng groom, ni Devon. Madali na kitang matutunton kahit saang sulok ka pa magtago. Huwag ka nang mag-aksaya ng pagod na umiwas sa akin dahil hindi kita lulubayan. You hear me?"
"Hindi kita lulubayan."
Nagsitayuan ang mga balahibo ni Hillary sa braso. Malinaw ang mensahe. Hindi siya patatahimikin ng lalaki. Napapikit siya nang maramdaman ang presensiya nito sa kanyang likuran. Mahirap at hindi maramdaman iyon. It was vibrating all around him.
Eh, ang kabog kaya ng dibdib niya, nararamdaman nito? Sana naman ay hindi. Umaasa siya na magiging matatag siya sa kanyang paninindigan.
BINABASA MO ANG
The Remarkable Night
RomanceWala nang ibang nais si Hillary kundi ay ang tumanda nang hindi nag-iisa. At ang nakikita niyang sagot doon ay ang pagkakaroon ng anak. Pero may problema, wala siyang asawa o boyfriend man lang. Kaya nang minsang mapunta sa isang bar, pinatulan na...