Tumunog ang alarm ng cell phone ni Hillary.
Sinuri niya ang kanyang cell phone.
Call nanay, ang dalawang salitang nagbi-blink sa LCD.
Tatawagan nga pala niya ang ina sa ganoong oras. Inilagay niya iyon sa reminder dahil lately ay para siyang wala sa sarili.
No.
Ang totoo, nang huling dalawang lingo, walang ibang
laman ang kanyang isip kundi si Seven na nalilimutan na niya ang iba pang bagay. Kinalma niya ang sarili at nilunok ang malaking bikig na bumabara doon.Idinayal niya ang numero ng kanyang ina. Agad namang kumonekta iyon.
"N-Nay..."
"Tita Hillaly,'' sabi ng batang boses na sumagot.
"Angela po ito."
"O, Angela." Bakit nasa pamangkin niya ang cell
phone?"Si Inay?"
"Eh, ako po muna ang pinatao niya dito sa bahay. Naiwan po niya itong cell phone at nakita kong ikaw
ang tumatawag kaya sinagot ko na po.""Ah, gano'n ba? Eh, nasaan ba siya?"
"Nasa ospital po."
''Ospital?!" agad niyang reaksiyon, nakakadama ng
takot. Dama niya nang batuhin siya ni Seveb ng nag-aalalang tingin."Ate Hillary, kumalma ka. Hindi ho si Tiyang ang
naospital kundi si Ate Josephine."Nakahinga nang maluwag si Hillary. Ang pinsan
pala niya na si Josephine ang nasa ospital."Nag-away po kasi sila ni Kuya Japhet kanina. Naitulak yata si Ate Josephine, Ayun, dinugo si Ate. Buntis yata. Eh, di sinugod ni Tiyang sa ospital."
Saglit na hindi makahuma si Hillary. Naitulak o
itinulak? gusto sana niyang itanong. Pero alam naman na niya ang sagot.Hindi lasenggo o sugarol si Japhet pero seloso. At kapag nagselos ay hindi nangingiming manakit. Na para bang ipinapakita na mas superior ito na dapat katakutan.
Mapait na napangiti si Hillary. "O siya, sige. Pakisabi kay Inay pag-uwi niya na tawagan ako, ha? Bye."
"Puwede ba tayong mag-usap?" tanong ni Seven kay
Hillary.Nakuwi na sila at nakapaligo na. Walang may
gustong maghapunan kaya maagang nakaalis ng bahay si Tili. Naging napakatahimik ng biyahe nila pauwi. Halos hindi na nga niya napansin na nakauwi na pala sila.Parang robot na kumilos siya. "Tungkol saan?" hindi tumitingin na tanong ni Hillary. Nakaharap siya sa nakabukas na TV pero ang totoo ay wala doon ang kanyang atensiyon.
"Sa nangyari." Naupo si Seven sa single settee. "Sa
proposal ko.""Gusto mo akong pakasalan? Gusto mong maging
iyo ako habang-buhay. Why? Because even if I'm
inexperience, I'm still great in bed?""Hillary!" nahihindik na protesta ni Seven.
"Paano mo 'yan nasasabi? Iyon ba ang tingin mong
nangyayari? Iyon ba ang tingin mong habol ko sa'yo?
That's ridiculous! Gusto kitang maging asawa dahil
mahal kita!"Anyong natigilan si Seven, parang may nasabi na nagpagulat dito.
"God! How fool I've been for not saying the words. For not giving it a voice before. I mean, palagi kong sinasabi na mahal kita, sa isip nga lang. I love you and I want to marry you because I want to spend the rest of my life loving you."
Parang tinamaan ng kidlat si Hillary sa partikular
na mga salita na narinig.Mahal siya ni Seven?
BINABASA MO ANG
The Remarkable Night
RomanceWala nang ibang nais si Hillary kundi ay ang tumanda nang hindi nag-iisa. At ang nakikita niyang sagot doon ay ang pagkakaroon ng anak. Pero may problema, wala siyang asawa o boyfriend man lang. Kaya nang minsang mapunta sa isang bar, pinatulan na...