Two months ago
Pumasok si Hillary sa isang American bookstore. Her hair was tied in a bun. Nakawala na sa pagkakatipon at tuluyan nang lumaylay na sa gilid ng kanyang mukha pero hinayaan na niya.
Papunta na siya sa Literature section nang tumunog ang cell phone sa kanyang bag. Yumuko siya para buksan ang bag at kunin ang cell phone habang malalaki pa rin ang hakbang. Dahil nakayuko, hindi sinasadyang bumangga siya sa tagiliran ng isang bulto ng katawan.
"Sorry," aniyang hindi tinitingnan ang nabangga bago umiwas at nagpunta sa isang sulok para sagutin ang tawag.
Si Chloe, ang kanyang kaibigan ang tumatawag. Mabilis din naman na natapos ang tawag ng kaibigan. Ibinalik ni Hillary sa bag ang cell phone at tinungo na ang pakay na libro. Nakuha naman agad niya ang gusto. Pagkatapos niyon ay naengganyo pa siyang magbasa-basa ng mga teaser ng mga librong nasa bestseller list.
Ang mga nagugustuhan ay kinukuha na rin niya para bilhin. Babaunin niya ang mga librong iyon sa Singapore para sa tatlong araw na business conference kung saan kasama sila ni Chloe sa mga representative ng kanilang kumpanya. Sa susunod na linggo na ang flight nila kaya naman nag-uumpisa na siyang bilhin ang ilang kailangan niya.
"Hillary?!" sabi ng isang babae.
Ako kaya ang tinatawag? tanong ni Hillary sa sarili. Nag-angat siya ng ulo para tingnan ang pinagmulan ng boses. Nakakita siya ng babaeng malawak ang ngiti habang lumalapit sa kinaroroonan niya. Morena ito at kakaiba ang dating ng ganda. Parang lumalabas ito mula sa mga pahina ng mga Vogue magazine.
Parang kilala ko siya, naisip niya. Saglit niyang hinagilap sa isipan kung kilala ba niya ang babae habang nakatingin siya dito.
"Hillary Esquivel? Ikaw nga! Uy, hindi mo ako makilala, ano?'' tumatawang sabi ng babae ng mahalata nito ang pagtitig niya dito.
"Ako si Johanna. Kaklase mo no'ng high school, ano ka ba? Hindi mo na ba talaga ako nakikilala?"
Bumuka ang mga labi ni Hillary sa gulat. "Johanna?" Ito na ba si Johanna ? Ang kaklase niya noong high school na nagtataglay ng exotic beauty?
Oh, well, pinagandang tawag lang iyon ng mga pilyo niyang kaklase. But look at her now. Lumitaw ang ganda nito. Hindi lang basta lumitaw kundi pansin na pansin. Sa totoo lang, nahahawig si Johanna sa mga black beauty na contestant sa mga nagdaang Miss Universe pageant.
Kahit aloof noon si Hillary at may sarili ring mundo, isa rin naman si Johanna sa mga nakakasalamuha niya. Lima sila noon sa grupo; siya, si Johanna, si Gina, si Wendy, at si Sienna. Sa totoo lang ay wala na siyang balita sa mga ito. Pagkatapos kasi ng kanilang graduation ay nagkanya-kanya na sila ng mga landas.
At dahil aloof naman siya at mapag-isa, hindi rin naman siya nagkaroon ng malalim na attachment sa mga kaibigan kaya marahil hindi rin siya nangulila sa mga ito. Pagkatapos ay nakilala ni Hillary si Chloe sa kanyang pinagtatrabahuhan, ito na ang naging best friend niya.
"Sorry, hindi kita nakilala agad," aniya.
Parehong nagpipigil ng tili na yumakap sila sa isat isa. Agad din siyang humiwalay at pinagmasdan ang kabuuan nito.
"Wow! Wala akong masabi. You look so beautiful and stunning, no doubt!"
"Gandang 'di ko rin inakala," sagot ni Johanna, humahagikgik.
Hindi rin napigilang mapahagikgik ni Hillary. Sino nga ba naman ang mag-aakala na huhubugin ng panahon ang ganda ng kaibigan? Maikukumpara ito sa pamosong kuwento ng isang ugly duckling na naging napakagandang swan.
"Ay!" tili ni Johanna nang may maalala bigla sigurong mahalagang bagay.
"Hulaan mo kung sino ang malapit nang ikasal."
Bahagyang tumaas ang kilay ni Hillary. Kumikinang
ang mga mata ni Johanna at hindi maipagkakaila ang
kasiyahan. It was definitely radiating all over her aura.Hinanap niya ang ring finger nito. Mukhang wala
namang balak si Johanna na itago ang palasingsingan kaya nakita niya agad ang singing na kumikinang doon. The diamond in it was glittery and sparkling, like her eyes."OMG! Magpapakasal ka na?"
"Yes! At imbitado ka!"
Present day
"Para akong hihimatayin sa kaba, Chloe," ani Hillary sa kaibigan.
Kausap niya ito sa cell phone. Pinadaanan niya ng dila ang ibabaw ng mga labi para bawasan ang panunuyo niyon. Pagkatapos ay itinutok ang paningin sa ibabaw ng kitchen counter kung saan nakahilera ang tatlong pregnancy test kit na sinadya niya kanina sa isang drugstore.
"Nai-imagine ko nga. Take it easy, Hillary. Kalma
lang. Pero isang buwan ka pa lang namang delay, ah.
Hindi ba maaga pa para malaman kung preggy ka?""Isang buwan pa nga lang akong delay pero never pa akong na-delay," kumakabog ang dibdib na sabi niya.
"S-sa p-palagay ko b-buntis ako, Chloe." Binasa uli
niya ang mga labi. Para siyang hihimatayin na hindi
maintindihan."Gusto mong puntahan na lamang kita diyan?"
Umiling si Hillary kahit hindi nakikita ng
kaibigan. "H-hindi na. I can manage, I think. I h-hope.
Babalitaan na lang kita.''"Okay. Basta, I'm a phone call away lang, ha? Good luck!"
Tipid na ngiti ang pinakawalan ni Hillary bago
pinutol ang tawag. Ilang sandali pa niyang pinagmasdan ang mga pregnancy test kit na nakabalot pa bago sinamsam ang mga iyon at dali-dali siyang nagpunta sa kanyang silid.Oras na para malaman kung nagdadalang-tao ba siya o hindi. Inilapag niya ang cell phone sa ibabaw ng kama bago nagpunta sa banyo dala ang tatlong pregnancy test kit na binili niya.
Pagkaraan lang ng ilang minuto ay lumabas siya ng banyo bitbit ang mga pregnancy test kit, ipinatong niya iyon sa bedside table para hintayin ang resulta.
Pinayuhan siya ni Chloe na tatlong kit na magkakaiba ng brand ang bilhin niya para daw mapagkakatiwalaan ang makukuha niyang resulta.
Nagpalakad-lakad si Hillary habang kagat-kagat ang dulo ng kuko ng kanyang hintuturo.Parang sasabog ang kanyang dibdib sa paghihintay. Nagbunga nga kaya ang isang gabing pagsiping niya sa isang estranghero? Dahil, oo, nakipag-one-night stand
siya sa isang estranghero. Sa estrangherong iyon niya
ibinigay ang kanyang virginity. Isang gabi ng kapusukan sa piling ng lalaking noon din lang niya nakita. At hindi na muling makikita pa--sana.Sinulyapan ni Hillary ang suot na wristwatch. Lumipas na ang ilang minuto. Oras na para tingnan
kung ano ang resulta. Ilang beses na lumunok siya.Calm down, Hillary. Calm down.
Nakapikit na tinungo niya ang bedside table. Ipinatong niya sa gilid ng mesa ang mga kamay na para bang kumukuha roon ng suporta. Yumuko siya para pagdilat ay ang pregnancy tests na ang unang bubulaga sa kanya. Sumagap siya ng hangin at pinuno ang kanyang mga baga.
Okay, one... two... three..
BINABASA MO ANG
The Remarkable Night
RomanceWala nang ibang nais si Hillary kundi ay ang tumanda nang hindi nag-iisa. At ang nakikita niyang sagot doon ay ang pagkakaroon ng anak. Pero may problema, wala siyang asawa o boyfriend man lang. Kaya nang minsang mapunta sa isang bar, pinatulan na...