Chapter 37

128 4 0
                                    

"Ano 'yan?" nakakunot-noong tanong ni Hillary
kay Seven na ayaw pa ring pakawalan ang kamay niya.

Pagkagaling sa exhibit ay sa isang pantalan siva
dinala ng binata. Tahimik lang sila sa biyahe. Hinayaan lang nila na ang mga mata nila ang mag-usap. They shared knowing glances and heartfelt smiles. At hindi lang iilang beses na itinabi at inihinto ni Seven ang sasakyan para makapagsalo sila sa isang mainit na halik.

"Hindi mo ba alam na yate ang tawag diyan?" nakataas ang kilay pero nagbibiro na sagot ng binata.

Alam naman nito na ang pangalan ng yate ang tinutukoy niya. Pangalan niya ang malinaw na nakasulat doon.

Gamit ang libreng kamay, pinisil niya ang ilong ni Seven.

"Aw," kunwari ay reklamo nito.

"Ilang oras pa lang tayong magkasama pero lamog na lamog na ako sa'yo. Kanina mo pa ako pinipisil at kinukurot."

"Na-miss kita, eh," sagot niya, saka sinimangutan ito.

"You are so unfair. Nakasubaybay ka pala sa akin, tapos ako hindi kita nakikita."

"At least, sa mga araw na hindi mo ako nakikita, mas natimbang mo ang feelings mo sa akin. Na-realize
mo na malungkot ka at walang kulay ang mundo mo
kung wala ako sa tabi mo. Absence makes the heart
grow fonder, eh?"

"Ah, wait. Tungkol sa exhibit... magkakuntsaba
talaga kayo ni Chloe? Sinabi niya sa 'yo na mahal kita
kaya pinlano ninyo ang lahat ng iyon? I remember,
sinabi mo na hobby mo ang photography. Hindi mo
naman nabanggit na naghe-held ka talaga ng exhibit."

"Pinlano ko talaga ang lahat ng iyon---ang exhibit.
Para sorpresahin ka. Na-realize ko kasi na hindi mo
naman talaga alam ang buong kuwento natin, na hindi sa Singapore nagsimula ang kuwento natin. Then I called Chloe at pinakiusapan ko siya na dalhin ka doon sa gallery. And, for the record, those pictures aren't for sale. They are my treasures."

"M-may... may sinabi ba si Chloe?" Sa pagkakakilala
niya sa kaibigan, malabo siguro na sabihin nito kay
Seven ang tungkol sa pagbubuntis niya. It was her story to tell, after all.

"Pinagbantaan lang naman ako na ipapa-salvage
daw niya ako kapag sinaktan kita. Ni hindi nga niya
sinabi na mahal mo rin ako. Sabi lang niya, susubukan niyang dalhin ka roon."

"Oh, okay. Mabuti naman pala kung gano'n." Nginitian niya nang buong tamis si Seven.

Ano kaya ang magiging reaksiyon nito sa munting sekreto niya? Oh, well, baka magsisigaw ito sa tuwa. Baka sabihin nito sa kanya na wala na talaga siyang kawala rito. At hindi naman niya gustong kumawala pa.

Lumawak ang ngiti ni Seven. His eyes shone like
the brightest star in the night sky.

"Don't smile at me like that, Hillary. Lalo akong nahuhulog sa' yo..." anito bago inipit sa likod ng kanyang tainga ang ilang hibla ng buhok na inililipad ng hanging-dagat.

"Lalo kitang minamahal."

"Oh, Christ!" Kinagat ni Hillary ang ibabang labi, pinipigilan ang paghagikgik. But damn it, parang
kinikiliti ang buong katawan niya sa banat na iyon ni
Seven.

Tumikhim siya. "Huwag mo rin akong batuhin
ng ganyang linya.

"Dahil lalo ka ring nai-in love sa akin?" nagpipigil
ng ngiti na tanong nito.

"I knew it."

"Dahil corny," buska niya bago mataginting na tumawa.

"Ah, gano'n?" Napatili na lang si Hillary nang
kargahin siya ni Seven at dalhin sa loob ng yate.

He kissed her there, hard and hot. Maalab ang pag-angkin nito sa mga labi niya. Ramdam niya ang magic ng halik nito. At ang magic ng hawak at haplos. Dinala siya niyon sa mundo ng kaligayahan.

Every nerve within her sparked to life for the kiss was hot and seductive that beckoned them to mate their mouths until they ran out of breath.

"May dapat akong ikumpisal," habol ang paghingang
sabi ni Seven nang maghiwalay ang mga labi nila.

Noon lang na-realize ni Hillary na nakalapat na ang likod niya sa ibabaw ng kama at nakakubabaw na sa kanya si Seven. Nasa cabin na siguro sila.

"Actually, marami akong dapat ikumpisal."

Ang mga kamay niya ay nasa loob na pala ng damit
ni Seven. Hindi lang basta nasa loob ng damit kundi
nakakapit pa at dumadama sa init ng balat nito. Ang
kanang kamay naman ni Seven ay nasa ibabaw na ng
kanyang dibdib at marahang nagmamasahe.

And dear, hindi niya napigilan ang pagtakas ng ungol sa kanyang lalamunan. Naramdaman niya ang pamumula ng mga pisngi niya. Ganoon na sila ka-intimate nang hindi nila namamalayan.

Ah, what the heck! Gusto niya iyon.

Gusto niya si Seven. Kailangan niya ito. Alam niyang
ganoon din ang nararamdaman ni Seven dahil nang
salubungin niya ang paningin nito ay ganoon din ang
nakita niya.

"U-unahin mo ang pinakaimportante."

"At siguruhin mong importatante talga ‘yan”

Seven smiled.

Ang mainit na titig ay puno ng pagnanasa. Gumalaw, nagmasahe ang kamay nito na nasa ibabaw ng kanyang dibdib. Sa kabila ng suot niya, lumikha pa rin iyon ng sanlaksang sensasyon sa'kanyang
katawan dahilan para mapaarko siya.

"Ikukumpisal ko sa' yo na kasal ka pa rin sa akin. Hindi ko pa pinasisimulan ang proseso ng divorce."

"Ah... Ohhh. Oohhh!" Nakagat ni Hillary ang ibabang labi dahil patuloy sa panunukso ang mainit
na kamay ni Seven.

"Ahhhh. Tinutukso mo ako habang nangungumpisal ka para hindi ako magalit?" Ikinawit niya ang mga kamay sa leg nito.

Hindi ito tumawa sa sinabi niya. His expression was
hot and intense. Hindi matatawaran ang pag-angkin at ang kasiguruhan dito.

"Gusto ko lang puntuhin na hindi ka makakawala sa akin, Hillary. You're mine. Only mine," paos na sabi nito bago inangkin ang kanyang mga labi.

Sabik at hindi makapaghintay na hinubaran nila
ang isa't isa at tuloy-tuloy na naglunoy sa dagat ng
kaligayahan.

The Remarkable NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon