Chapter 16

121 5 0
                                    

"Kung ituturo mo sa akin kung nasaan ang kusina
mo, ako na ang bahalang magtimpla ng kape ko. I mean, baka gusto mong palitan na ang office uniform mo and change to a more comfortable clothes perhaps?"

Umiling si Hillary. Kapag pinayagan niya ang gustong mangyari ni Seven, baka isipin pa nito na welcome ito sa kanyang bahay. Na puwede itong maging
komportable. Hindi, hindi niya 'yon mapapayagan. Hindi ngayon, hindi kahit kailan.

"Mamaya na lang ako magpapalit kapag nakaalis ka na. At hindi ko ipinapagamit ang kusina ko sa ibang tao," seryoso niyang sabi.

"Buti nga pagkatapos mo akong harass-in, inaalok pa kita ng kape."

Bumakas ang amusement sa mga mata nito. "Harassment talaga ang tingin mo sa nangyari?"

"At ano pa?" gagad niya.

'"Alam mo kung ano ang na-realize ko sa panggugulo mong ito sa akin?"

"Enlighten me." Nagkibit-balikat ito, mukhang
bumabalik na ang kaarogantehan na absent kani-kanina lang.

Nagtaas ng noo si Hillary. "Na-realize ko lang naman na baka kaya hindi mo ako tinitigilan, dahil gusto mong..." Humina ang boses niya, nagdalawang isip kung dapat bang ituloy ang sasabihin. Itinutok niya ang paningin sa hawak na bulaklak. Gusto niyang
dalhin iyon sa ilong para maamoy ang bango. Nagpipigil lang siya.

"Gusto kong...?" ulit nito, mukhang interesadong
malaman ang kasunod niyon.

Lumunok si Hillary bago ito matapang na hinarap.
"Gusto mong maulit ang nangyari."

Dumilim ang mga mata ni Seven. Para bang biglang nasaling ang pagnanasa sa pagkatao nito.

"Ipagpalagay na ganoon nga ang gusto ko, ibibigay mo ba?" tanong nito sa mababang boses, may paghamon.

Shivers ran down her spine. Tinitigan siya ni Seven na para bang kayang-kaya nitong pasukin ang kasulok-sulukan ng kanyang isipan at basahin ang sekretong nakatago roon. At nakadama ng takot si Hillary, takot na baka mabasa nga nito ang iniisip niya.

"No way," matigas na sabi niya. Alangan namang positibo ang isagot niya.

"May tanong ako, sweetheart. Pagkatapos ng gabing
iyon, hindi mo ba ako iniisip? Didn't my performance
bother you? Especially at night when you're in your bed alone? I believe I did well. No. I think I did great..." Nakangisi ito, halatang pino-provoke siya.

Nag-umpisa siyang mambuyo kaya heto at tinatapatan iyon ni Seven. Na marahil kung ano man ang pagkailang, o init na nadama nito ay gustong ipadama rin sa kanya.

At hindi naman napigilan ni Hillary ang pag-init ng mga pisngi. Para gang dumeretso pa sa kaibuturan ng pagkababae niya ang init na iyon.

Yes. He did great.

Sa kabila ng unang subok niya ay naging magandang
karanasan ang gabing 'yon. Inaamin niya na nasiyahan siya, pumunta sa langit kasama nito sa maraming pagkakataon. Dahil siguro bukod sa eksperto si Seven ay generous lover pa ito. Siniguro nito na nasisiyahan din siya.

And yeah, she writhed, moaned, and screamed her orgasms. He made her wanton.

Lumunok siya. "Of course, iisipin ko ang gabing
iyon. Mahirap na hindi dahil para iyong multo. Parang bangungot."

"Yeah? Kung multo at bangungot ang turing mo doon, ako, itinuturing ko iyon na isang napakagandang panaginip." Makahulugan itong ngumiti bago nagkibit-balikat. Pagkatapos ay isinandal ang likod sa backrest ng sofa.

Bahagyang natigilan si Hillary. Magandang panaginip? Ano ba ang gustong ipakahulugan ni Seven sa sinabi nito? Bago pa siya makaisip ng isasagot ay muli itong nagsalita.

"At may bagay na gumugulo sa isip ko, sweetheart. Virgin ka pero noong naghahanap ako ng condom, pinigilan mo ako at sinabi mo na regular kang nagpapaturok ng contraceptives. Hindi ko makuha ang logic. Virgin ka pero nagpapaturok ka ng contraceptives?"

Nanlamig si Hillary. Hindi niya mahagilap ang boses. Inconsistent nga naman ang bagay na iyon.

Tinitigan siya ni Seven, pilit na inaarok. "I remember them, sweetheart. I remember every second I was with you."

Oh, God! Bakit ba nabuksan-buksan pa niya ang
ganoong topic? Dahil inaamin niya, wala siyang panama sa binata. Kayang-kaya nitong ibalik sa kanya ang lahat. Here she was, nanunuyo ang lalamunan, nag-iinit...

Nagpatuloy si Seven, "So dumating ako sa konklusyon na... sinadya mong isuko ang pagkababae mo. Ang kaibigan mo lang ang kasama mo noong gabing iyon. Walang ibang lumapit sa inyo. So naisip ko.
nakainom ka nga siguro ng date rape drug. Pero hindi sapilitan. Ininom mo iyon para lumakas ang loob mo.

Tungkol naman sa contraceptives, naisip ko na, baka
alam mo naman na safe ka nang araw na iyon. Puwede ring dahil sa urgency, hindi kana makapaghintay pang..."

"Tama ba ako, Hillary, my dear?"

Oh, shit! Shit! Nakadama ng panlalamig si Hillary. Paanong napagdugtong-dugtong ni Seven ang totoo? At hindi ba lasing din ito nang gabing ion? O lasing nga ba talaga? Paanong nangyari na naaanalisa nito ang lahat?

"Dapat ba kitang palakpakan?" pagkutya niya rito. Gusto niyang palakpakan ang sarili dahil hindi natitinag ang boses niya, maging ang tapang na ipinapakita.

"Daig mo pa si Detective Conan, ah."

Natawa ito. "Ikaw, eh, ikaw ang nagsimula. So, indulge me, sweetheart. Tama ako?"

Nagtaas siya ng isang kilay. "Tama ka. Tama ang
lahat ng sinabi mo," matapang niyang sabi niya.

"Malas ko lang na ikaw ang natapatan ko."

"My gain," nakangising sabi nito.

"Pero bakit mo naman ginustong ibigay ang pagkababae mo? For the sake of experience?"

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Fuentes! Kung ano man ang rason ko, wala ka na roon, okay?" she exclaimed.

Hinding-hindi niya aaminin na ginawa niya 'yon dahil gusto niyang magkaanak at dahil akala niya ay hindi na magsasalubong pa ang mga landas nila. Ha! Malay ba niya na totoo pala iyong kasabihan na
maliit lang ang mundo.

"Hindi ka lang mayabang, bossy, chauvinist, overbearing, at dictatorial. Nosy karin."

"Ouch, sweetheart," agad na reaksiyon nito.

"Puro negative naman 'yan. Marami namang positive things na puwedeng sabihin patungkol sa akin. Sige na, huwag ka nang mahiyang purihin ako. Like I'm gorgeous... Hindi naman ako magugulat, eh. Why, lagi ko na 'yang naririnig and i'm used to it." nakangising tugon nito.

"My goodness," umiiling-iling na sabi niya.

"Napakayabang mo talaga."

Nang mapansin ni Seven na namumula na siya sa pagkaasar ay nagtaas ito ng mga kamay, anyong sumusuko na.

"Sorry. Mahirap na. Baka lalo kang ma-bad trip sa akin. So, puwede mo ba akong igawa ng kape para ma-discuss ko na sa'yo ang sadya ko?"

"M-maupo ka lang diyan, ha? Huwag kang hahawak o mag-uusisa sa kahit na anong gamit dito." Para itong bata na pinagbilinan niya bago siya nagpunta sa kusina. Sinagot naman iyon ng halakhak ng binata.

The Remarkable NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon