Chapter 19

122 5 0
                                    

Palakad-lakad si Hillary sa sala ng condo unit ni Chloe. Usapan na talaga nila iyon na doon siya tutuloy pagkatapos g pakikipag-meeting niya kay Seven Fuentes para mapag-usapan agad ang sunod nilang hakbang.

"Kumalma ka nga. Nahihilo na ako sa kapaparoo't parito mo," saway ni Chloe.

"Come here. Maybe this drink would calm your nerves."

Nang sulyapan ni Hillary ang kaibigan, nakita niyang nasa likod na ito ng bar at nagsasalin ng alak sa dalawang kopita. Lumapit siya roon at inokupa ang
isang high stool. Tinanggap niya ang alak.

"That man is terrible, I swear! He's crazy!"

"Handsome, yeah, but terrible and crazy!" Muling usal ni Hillary.

Natawa si Chloe. "Sabihin mo nga, gusto mo pa rin bang magkaanak?"

"Yes! Of course, gusto ko talagang magkaanak. Hundred percent! Anak lang. Walang asawa."

"Eh, di kunin mo na ang chance na ito. Kapag magkasama na kayo sa malayong lugar na iyon, I'm sure as hell na may mangyayari sa pagitan ninyo and... boom! Alam mo na 'yon."

Nakadama ng pag-iinit ng mga pisngi si Hillary.

Ngumisi si Chloe. "Admit it, my dear, physically attracted ka pa rin sa kanya. Hindi magiging labag sa loob mo kapag... you know, may mangyari sa inyo. Like the first time. Tutal naman 'kamo, eh, nangako
siya na hindi ka na niya guguluhin kahit kailan at balak na niyang mag-migrate sa ibang ibansa."

"Sa palagay ko nga, pabor pa sa 'yo ang sitwasyong ito." Dugtong ni Chloe.

Napaisip si Hillary. In all fairness, may punto ang kaibigan niya. Parang biglang kumalma ang nagwawala niyang puso. "So, dapat akong pumayag? At sa loob ng isang buwan na iyon ay kukunin ko ang mga pagkakataon na may maganap sa pagitan namin?"

Ang alaala ng gabing iyon ay muli na namang lumitaw sa kanyang isipan. Bigla ay nakaramdam siya ng panunuyo ng lalamunan habang naiisip kung gaano kakisig at kaguwapo si Seven Fuentes.

Shit! Nagtatrabaho na naman ang imahinasyon ko. Galit na sita niya sa sarili.

"Hillary..."

Napalunok siya. "A-ano nga uli iyon?"

Isang makahulugang ngiti ang ibinato sa kanya ng kaibigan. "Sabi ko, pumayag ka. Mag-file ka ng indefinite leave sa trabaho, pagkatapos sumama ka sa kanya. Ituring mo na lang na isa iyong misyon."

"Misyon para magkaanak ka. Dapat na win-win situation ang kalabasan nito. Magiging matagumpay ang project ni Seven para hindi ka na niya guluhin pa. At ikaw, dapat na mabuntis ka."

"P-paano kung... p-paano kung ma-in love siya sa akin?" tanong ni Hillary, hindi isinasantabi ang posibilidad na iyon.

"Kapag nangyari iyon, baka hindi niya tuparin ang sinabi niya na maghihiwalay na kami ng landas."

"What if it's the other way around? Paano kung ikaw ang ma-in love? Paano kung ikaw ang ayaw bumitiw in the end?" mabilis na tanong ni Chloe. Sa kislap ng mga mata, halata na kanina pa nito iyon naiisip.

"Iyon lang naman ang nakikita ko na puwedeng maging problema sa panig mo."

"Hindi mangyayari iyon," siguradong sagot niya.

"Kung papayag man ako, dahil lang iyon sa kagustuhan kong magkaanak."

"Hillary..." sabi ng baritonong boses ni Seven sa
kabilang linya nang sagutin nito ang tawag niya.

"Hindi ko inaasahan na tatawag ka rin agad."

Nilingon ni Hillary ang kaibigang si Chloe. Binigyan siya nito ng nang-eengganyong tango.

The Remarkable NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon