"Hindi kita mahal."
Paulit-ulit iyong umaalingangaw sa isip ni Seven habang sunod-sunod ang paglagok ng alak.
Nang umalis siya kanina ay wala siyang ibang
ginawa kundi mag-drive nang mag drive. Nang mapagod ay bumili siya ng alak at nagmaneho pauwi.Oh, hell!
Gusto niyang mamanhid. Gusto niyang mawala ang sakit na nararamdaman, ang rejection, ang pagkabigo.
Muling tumungga si Seven. Hindi napigilan ang
pagbabalik-tanaw sa unang pagkakataon na nasilayan ng mga mata niya si Hillary..."Got your book, Mom," sabi ni Seven sa ina habang
kausap sa cell phone.Nang malaman ng kanyang ina na nasa mall siya, inalam nito kung busy ba siya o nagmamadali dahil may ipabibili raw itong libro. May naka-schedule siyang appointment pero dahil hindi niya kayang biguin ang ina, sinabi niyang bibilhin na niya.
“Thanks.”
Pinutol na niya ang tawag para dalhin sa counter ang
libro at bayaran. Nang sa isang pagliko ay may bumangga sa kanyang ragiliran.Isang babaeng nakayuko, mukhang nagmamadali sa pagkuha sa tumutunog na cell phone mula sa bag.
"Sorry," usal nito, sabay iwas.
Ni hindi siya tinapunan nito ng sulyap. Hindi malaman ni Seven ang dahilan kung bakit sinundan niya ng tingin ang babae. Maybe because of the quality of her voice. It was a bit husky and sexy.
Mabilis na nagpunta ang babae sa isang sulok at sinagot ang tawag.
Her hair was tied in a bun. Nakasuot ng reading
glasses. Matangkad ito. Balingkinitan ang katawan. Maganda ang tindig. Nang matapos makipag-usap, tinungo nito ang mga salansan ng libro at nagbasa-basa ng teasers, ang ilan na nagustuhan siguro ay kinikipkip na.Naroong sumandal ito sa estante, o tumayo nang tuwid habang nagbabasa.
Hindi malaman ni Seven kung bakit naeengganyo
siyang pagmasdan ito. Nagpunta siya sa kabila ng estante, sa bakanteng espasyo para makita nang buo ang mukha nito.She is beautiful, he smiled at the thought. Kung
mag-aangat ito ng ulo at titingin sa bakanteng espasyong iyon ng bookshelves, derektang magtatagpo ang mga mata nila.But she was so engrossed in her books.
Ni hindi ngato aware na kinukuhanan niya ng pictures sa kanyang cell phone. At hindi niya alam kung bakit niya iyon ginagawa.
Maybe because he found her a good subject for his hobby---photography?
Seven smiled playfully. Umalis na siya sa likod ng estante at tinabihan na ang dalaga, kunwari ay nagbabasa rin. Sa gilid ng mga mata ay tinitingnan niya kung tatapunan ba siya nito ng sulyap.
But she didn't move a bit.
Akala ko ba para kang magnet na humihigop ng atensiyon, Seven Fuentes? tudyo ng kanyang isip.
At aaminin niya na lalong nasaling ang kuryosidad niya. Ni hindi ka man lang nga siya tinatapunan ng tingin nito.Asan na ang undeniable presence mo kamo, Seven?
"Hillary?!" sabi ng isang babae.
Nang ma-realize niya na ang babaeng kanina pa tinitingnan ang tinawag, bahagyang lumayo si Seven.
Siya namang paglapit ng isang babae. Ang bagong dating na babae ay nakatalikod sa kanya kaya hindi niya makita ang hitsura. Hindi naman siya interesado sa bagong dating na babae. Ang gusto lang niyang tingnan ay ang babae na Hillary pala ang pangalan.
BINABASA MO ANG
The Remarkable Night
RomanceWala nang ibang nais si Hillary kundi ay ang tumanda nang hindi nag-iisa. At ang nakikita niyang sagot doon ay ang pagkakaroon ng anak. Pero may problema, wala siyang asawa o boyfriend man lang. Kaya nang minsang mapunta sa isang bar, pinatulan na...