"Why, thank you!" pilit pinasisigla ang boses na sabi niya.
"It is just unfortunate that Prince Levin is not here
to meet you. Prince Levin and your husband are great friends. I'm sure he will be thrilled to meet you."Tipid na ngiti lang ang isinagot ni Hillary.
"Oh, I remember, what does Khliwane Anl Ire means"
"It means I love you, Madam."
Oh! I love you pala ang ibig sabihin ng mga salitang
iyon. Mga salitang laging sinasabi sa kanya ni Seven sa simula pa lang. Nanubig ang mga mata niya hanggang sa tuluyang makalaya ang mga butil ng luha roon. Inalis niya iyon gamit ang likod ng palad at binigyan ng pilit na ngiti si Tili.Khliwane Anl Ire.
Parang nanunukso ang hangin at paulit-ulit na pinaaalingawngaw ang mga salitang iyon sa kanyang tainga.
Pagkaraan ng ilang saglit ay narinig na nila ang pagdating ng sasakyang maghahatid sa kanya sa airport. Inilabas na ni Tili ang maleta niya.
Nang tumayo na ay hindi niya maiwasang pasadahan ng sulyap ang bawat sulok ng silid na iyon. Silid na naging saksi sa masasaya at maiinit na sandali sa pagitan nila ni Seven.
Paaalisin talaga niya ako nang hindi siya nakikipagkita sa akin. Damn it, Seven! You're a coward!
Bakit pakiramdam ko, ibinitin mo ako? Iniwang hindi alam ang gagawin?
Nanikip ang dibdib niya. She tried to blink away the tears. Ilang ulit na bumuga ng hangin.Good-bye, Seven.
"Handa ka nang umalis?" sabi ng boses na halos
magpalundag sa puso ni Hillary.Seven! hiyaw ng puso niya. Dahan-dahan siyang lumingon. At nakita nga niya ang binata sa pintuan. Napakaguwapo pero blangko mula sa ano mang ekspresyon ang mukha.
"Kung handa ka na, ihahatid na kita sa airport."
Nakakabinging katahimikan. Iyon ang namamagitan kina Seven at Hillary. Nakatutok si Seven sa pagmamaneho habang siya ay nakatanaw sa labas ng bintana kahit pa nga ba wala naman talaga sa magagandang tanawin a dinaraanan nila ang kanyang atensiyon.
Hanggang sa huminto ang sasakyan. Nagtatakang sinulyapan niya si Seven. Naumid ang dila ni Hillary nang makita ang hitsura nito. Kung kanina ay blangko ang mukha nito mula sa ano mang
ekspresyon, ngayon ay may mababasa na roon.Tiim ang bagang ng binata at halos mamuti ang mga kamay na nakakapit sa manibela. Pagkatapos ay walang sabi-sabi na lumabas ito ng sasakyan.
Nagtataka, lumabas din ng sasakyan si Hillary. Para lang mapasinghap nang ma-realize na naroon sila sa
pinakamataas na lugar sa Dushiana, sa lugar kung saan matatanaw ang kabuuan ng bansa. Sa lugar kung saan nag- propose si Seven ng kasal, isang bagay na gumising sa kanya mula sa isang magandang panaginip.Nakatalikod sa kanya si Seven, nakatanaw sa tanawin sa ibaba. Tulad niya, ang buhok nito at ang
damit ay inililipad din ng malakas na hip ng hangin."B-bakit mo ako dinala dito?" tanong ni Hillary.
Hindi malaman kung lalapitan ang binata o hindi.
Malakas at malalim ang hininga na pinakawalan nito."Huwag kang mag-alala, hindi ka mahuhuli sa flight mo," sabi nito, namulsa.
"Alam mo, wala daw coincidence sa mundo. Lahat ng nagaganap ay nakatakdang maganap. Lahat ng nagtatagpo ay nakatakdang magtagpo. It was only a matter of right time. Kapag hindi pa oras, hindi puwedeng ipilit ang isang bagay. Parang prutas na kapag hindi pa magulang o hinog ay hindi mo puwedeng pitasin dahil magiging matabang lang iyon. Kulang sa tamis. Minsan nga umaasim pa."
BINABASA MO ANG
The Remarkable Night
RomanceWala nang ibang nais si Hillary kundi ay ang tumanda nang hindi nag-iisa. At ang nakikita niyang sagot doon ay ang pagkakaroon ng anak. Pero may problema, wala siyang asawa o boyfriend man lang. Kaya nang minsang mapunta sa isang bar, pinatulan na...