Suminghap ng hangin si Hillary. Noon lang niya na-realize na nakabitin pala ang kanyang hininga. At nasa gilid na ng silya ang kanyang puwitan.Wala na ang lalaki pero hindi pa kumakalma ang mga balahibo niya sa batok. Wala na nga ba ito? O nakatingin pa rin ito sa kanya?
"Hill, are you okay?" tanong ni Wendy. Maging
si Sienna na tulad niyang nananahimik din ay napatingin sa kanya."Y-yeah. Huwag n'yo akong alalahanin." Pagkatapos ay inabot niya ang kopita ng wine at balewalang inubos ang laman niyon.
Sa gilid ng mga mata, nakita niyang nagpalitan ng sulyap ang mga kasama niya sa mesa. Sinikap niyang ibalik ang composure. Pero hindi na mapipigilan ang pagpe-play sa utak niya ng alaala nang
gabing iyon...Flashback...
"I have an idea. Crazy idea," sabi kay Hillary ng
kaibigan at katrabaho niya na si Chloe.Nasa Singapore sila dahil sa conference na dinaluhan. Iyon na ang huling gabi nila sa Singapore at napagkasunduan na mag-happy-happy. Pumunta sila sa isang bar. Uminom at sumayaw. Sa totoo lang, nagsasaya si Hillary nang gabing iyon.
"Anong idea naman? Sabihin mo," aniya bago dinala ang bote ng beer sa bibig. Bahagyang yumuyugyog ang katawan niya, sumasabay sa magaslaw na tugrugin kahit na nakaupo lang sila sa kanilang mesa. Aware siya na lasing na siya.
"Well, gusto mong maging ina, 'di ba? Paano kung…makipag-one-night stand kana lang? Pumili ka sa isa sa mga lalaki rito, pagkatapos sipingan mo."
Natawa si Hillary sa sinabi ng kaibigan.
"Huwag kang tumawa. Actually magandang idea nga ito, Hillary. 'Yong pera na dapat gagamitin mo sa pagbili ng sperm, gamitin mo na lang sa pagpapalaki sa magiging anak mo." Tinitigan niya ito.
"Seryoso ka ba diyan?" aniya pero hindi na nagulat. Chloe was a liberated person. Makabago ang mga pananaw nito sa buhay.
"Duh! Of course I'm serious!"
Inilinga ni Hillary ang paningin sa kabuuan ng club. In all fairness, puro guwapo ang lahat ng mga lalaking nakikita niya. O baka naman lasing lang siya kaya dinadaya na ng sariling mga mata? Hanggang sa mapako ang paningin niya sa isang partikular na lalaki.
Matangkad ito at... Oh, boy, napakaguwapo. Nakatitig din sa kanya.
"Paano naman ako makakasiguro na malinis sila at malusog?"
"Hill, nalimutan mo na ba 'yong sinabi kanina ng isa nating colleaque? She said this club is the playground of the rich and the famous. Tingnan mo nga ang mga
guwapong iyan, mukha ba silang may sakit? God! Walang itulak-kabigin sa kaguwapuhan. Gusto ko rin ng ganyang genes para sa magiging anak ko. Wala pa nga lang sa plano ko na magkaanak. Hay..."Humalakhak siya. "You're a devil. Ibinubuyo mo
ako sa kasalanan," sabi niya bago muling sinulyapan ang kinaroroonan ng lalaki sa may bar counter.Hindi na ito nakatingin sa kanya. Hawak na ang cell phone habang sa isang kamay ay shot glass. Muli niyang dinala sa bibig ang bote ng alak. Nakakaindak ang tugtugin kaya naman panay rin ang paggalaw ng kanyang katawan.
"I am a devil," nakangising sang-ayon naman ni Chloe. "Besides, uuwi na tayo ng Pilipinas bukas. Hindi na magsasalubong ang landas ninyo ng lalaking sisipingan mo." Panunudyo nito sa kaibigan.
"Ewan ko. Parang hindi ko kayang gawin." Pero
natutukso siya. Kaya lang, kahit lasing na ay wala siyang sapat na lakas ng loob para mangharot ng lalaki at makipag-sex. Ano ba ang alam niya sa ganoon, eh, virgin
pa siya?"Pero sabihin mo, gusto mong gawin?"
Hindi umimik si Hillary. Pilyang ngiti lang ang ibinigay niya sa kaibigan.
"Oh, come on, tell me! Ano, gusto mong gawin?"
"Well... Ikinokonsidera ko ang idea, " pag-amin niya. "Pero kilala mo ako. That's not my thing."
Muli siyang sumulyap sa lalaki. Nakatalikod na ito sa kanya, umo-order uli siguro ng alak sa bar counter. Sa pagtingin sa malapad na likod nito at sa lalaking-lalaking tindig, gumana ang imahinasyon ni Hillary.
In-imagine niya na hinahalikan siya nito, hindi lang sa mga labi kundi sa bawat parte ng kanyang katawan.
Naglaro sa isip niya na sinasamba siya nito, inaangkin. She imagined him dominating her.
Lumunok si Hillary. Ang lahat ng mga sexy at bed
scenes na napanood niya sa pelikula at nabasa sa mga libro ay nagkakaroon ng buhay sa kanyang imahinasyon. Sa pagkakataong iyon, siya ang babae at ang lalaki ay walang iba kundi ang lalaking gumising sa pilya niyang imahinasyon.Para bang nagwewelga ang mga sexual hormone niya nang sandaling iyon at humihingi ng kalayaan. Sa unang pagkakataon ay nakakadama ng pagnanasa si Hillary.
Matinding pagnanasa.
Kinalabit siya ni Chloe. "Perfect siyang candidate, sweetie. Guwapo, matikas, exceptional ang genes. I bet he can drive you wild," sabi nito na nakita siguro kung sino ang tinititigan niya.
"Gusto mo ng pampalakas ng loob."
"Pampalakas ng loob?" pag-ulit niya.
Ipinakita ni Chloe ang isang maliit na tableta.
"Hindi naman ito delikado," nakangising sabi nito."Mababang dosage lang naman ang inumin mo. Palalakasin lang nito ang loob mo at itatapon ang lahat ng hiya mo sa katawan. Parang alak lang na may matinding sipa." Tumawa ito sa huling sinabi.
"Ano, gusto mo ba? Sinasabi ko sa yo, Hill, this thing is my friend. Gusto mo?"
Natagpuan niya ang sarili na tumatango. "Sige. Para sa baby ko."
"That's my girl!" natutuwang sabi nito.
"Paano, kanya-kanya na tayo tonight? Magkita na lang tayo bukas sa hotel? I'm so gonna enjoy this night, too!"
End of flashback
"Ladies and gentlemen, let's have Mr. and Mrs. Devon Thompson on the floor for their very first dance as husband and wife."
Ang boses na yon ng emcee at ang masigabong palakpakan ang nagpabalik sa naglalakbay na isip ni Hillary. Ang masigabong palakpakan ay agad nasundan ng pagpapatunog ng mga kutsara sa mga baso.
Hindi siya uma-attend ng mga kasalan pero napanood na niya ang ganoong tagpo sa mga pelikula. Ginagawa iyon para humiling sa mga bagong-kasal ng halik. Nagpaunlak naman ang mag-asawa.
"To sing the couple's favorite song, here are our very own Sebastian Villaraza and his band, Masquerade. Para po sa mga hindi nakakaalam, Sebastian was a student of Saint Adelaine Academy for a year at naging classmate po siya ng ating bride."
Agad rumehistro sa pandinig ni Hillary ang pangalang binanggit ng emcee. Sebastian Villaraza? Why, it sure did ring a bell.
Hanggang sa maalala niya kung bakit pamilyar sa kanya ang pangalang binanggit. Kaswal na sinulyapan niya si Wendy. Huling-huli niya nang mabitin sa ere ang hawak nitong kutsara.
May nakaraan nga pala sina Wendy at Sebastian. Kahit pa hindi niya alam ang kumpletong detalye kung papaanong nagtapos ang kuwento ng dalawa.
Paano pa ba niya pagtutuunan ng pansin ang buhay ng iba kung ang isip niya ay okupado na ng mga problema sa kanilang bahay?
Pumailanlang ang kantang "Can't Help Falling In Love."
BINABASA MO ANG
The Remarkable Night
RomanceWala nang ibang nais si Hillary kundi ay ang tumanda nang hindi nag-iisa. At ang nakikita niyang sagot doon ay ang pagkakaroon ng anak. Pero may problema, wala siyang asawa o boyfriend man lang. Kaya nang minsang mapunta sa isang bar, pinatulan na...