"So, Sweetheart, saan kita ihahatid?" tanong ni Seven nang makalabas na sila ng main highway.
Pagkatapos makabawi sa tensyong namagitan sa kanila, heto at handa na naman yatang makipagkulitan ang lalaki.
"Don't call me that!" angil ni Hillary.
"Don't call you what, sweetheart?" anito, ngingiti-ngiti. Pilyong ngiti ang ibinabato sa kanya.
Kung siya ay nangungunsumi, si Seven naman ay halatang nag-e-enjoy, at her expense.
"Siyanga pala, baka interesado kang malaman ang status ko, single ako. Walang girlfriend, lalong walang asawa. Though, maraming naghahabol."
"'Urgh!" Iniikot ni Hillary ang kanyang mga mata.
"Hindi ako interesadong malaman ang mga 'yan, okay? Gamitin mo na lang sa ibang babae." Pinaningkitan niya ito ng mga mata."And please, huwag kang magpa-cute dahil hindi ka cute."
Tumawa lang si Seven bilang sagot. "Alam ko naman na hindi ako cute. I'm way, way better than that," aroganteng sabi nito. Nakataas ang isang kilay na parang naghahamon na tutulan niya ang katotohanang iyon.
"Whew! Ang hangin. Sobra. May bagyo ba? O super typhoon?"
Dahil doon ay mataginting ang halakhak na kumawala sa binata. At bigla, palihim na nagtapon si Hillary ng mga sulyap sa direksiyon nito.
Tama naman. He was way, way better than being cute. At hindi lang basta guwapo, lalaking-lalaki ang kabuuan nito kahit na hindi naman mamasel ang katawan. Dahil marahil sa aura. Dahil oo, ang lalaking ito ay naghuhumiyaw ang sex appeal.
Aalon-alon ang buhok ni Seven. Matangos ang ilong at masarap iguhit ang prominenteng linya ng panga. His lips were sinfully sexy. Ang mga mata ay makapangyarihan dahil kayang-kaya niyong maging arogante, maging pilyo, maging mapag-alala, at maging masaya. Aminado si Hillary na ito ang tipo ng lalaki na kayang gumising sa natutulog na sensuwalidad ng sino mang babae.
Tulad mo? tudyo ng kanyang isip. At hindi niya iyon
matutulan dahil noong unang beses na nakita niya si Seven ay hindi lang ang natutulog niyang sensuwalidad ang gumising kundi maging ang kanyang imahinasyon. Imahinasyon na nadiskubre niyang mahirap palang supilin. Hindi mapipigilan."Diyan na lang ako sa terminal," sabi niya nang
mamataan na ang terminal.Mula roon ay aarkila na lang siya ng sasakyan na maghahatid sa kanya sa kanilang barangay. Kahit tagain siya sa presyo ay okay lang. Ang mahalaga ay makakawala na siya kay Seven. Makakahinga na rin siya sa wakas.
"No. Ihahatid kita sa inyo. Sisiguruhin ko na safe kang makakauwi. Now, ibibigay mo ba sa akin ang complete address mo o kailangan ko pang tawagan si Johanna para hingin 'yon? Kaya kong gawin 'yon without sweat."
"Hindi kana nakakatuwa," sabi niya sa mahinang boses, nagtitimpi na sumambulat ang galit.
"Sa lahat ng ayoko, iyong kinokontrol ako. Iyong sinasabi kung ano ang mga dapat at hindi ko dapat gawin. Iyong parang hari kung makapag-utos. Iyong umaakto na parang pag-aari niya ang buhay ko kahit na wala siya ni katiting nakarapatan!"
Napatitig sa kanya si Seven, nasorpresa sa intensidad ng kanyang emosyon. At dahil punong-puno na siya, sinalubong niya ang mga mata nito.
"Itabi mo na ang sasakyan at bababa na ako."
"Hillary..."
"Itabi mo na sabi ang sasakyan!" sigaw niya, gusto nang magmura nang malutong.
Nag-isang linya naman ang mga kilay ng binata.
Itinabi nito ang sasakyan sa gild ng kalsada. At ini-unlock ang pinto.
BINABASA MO ANG
The Remarkable Night
RomanceWala nang ibang nais si Hillary kundi ay ang tumanda nang hindi nag-iisa. At ang nakikita niyang sagot doon ay ang pagkakaroon ng anak. Pero may problema, wala siyang asawa o boyfriend man lang. Kaya nang minsang mapunta sa isang bar, pinatulan na...