Chapter 15

128 6 0
                                    

Three weeks later

"Bye," paalam ni Hillary sa kaibigan. Uwian na noon.

"Bye. Ingat. Huwag mong kalimutang ipaalam sa akin kapag nagparamdam na uli siya, ha? Cheer up! Baka nagpapa-miss lang 'yon," ani Chloe.

Nasa harap na sila ng kanyang sasakyan. Natigil siya sa aktong pagbubukas ng pinto sa driver's side.

"Hey, ano uli?"natatawang reaksiyon niya. Muli niya itong nilingon. Itinuro ang sarili. "Ako? Magtsi-cheer up? At bakit kailangan kong mag-cheer up?"

Namaywang si Chloe. "Come on, my dearest. Nakakalimutan mo na ba ang motto natin na; Hypocrisy is not my cup of tea? Na magiging totoo tayo sa sarili natin, 'di ba? Alam natin kung ano ang mga ayaw natin at alam natin kung ano ang mga gusto natin."

"Kaya sabihin mo, disappointed kana hindi siya nagpapakita, tama?"

Napapailing, binuksan ni Hillary ang pinto ng sasakyan. "Kaibigan nga kita," sabi niya bago sumakay doon. Ang sinabing 'yon ang pag-amin niya na tama ito.

"I know, right!" pahabol na sagot ni Chloe bago niya
tuluyang maisara ang pinto. Kumaway at nagbato pa ito sa kanya ng flying kiss bago umalis sa unahan sa harap ng kotse.

Iiling-iling na minaniobra na ni Hillary ang sasakyan at nagmaneho pauwi sa apartment. Alas-sais na ng gabi. Ganoong oras na sila nakalabas ni Chloe dahil may mga papeles at accounts na kailangang i-overtime.

Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Hillary. Ganoon ba ka-observant si Chloe para mapansin nito ang pagkadismaya na sinikap niyang itago?

O baka akala lang niya ay naitago nga niya? Dahil, Oo, nakakadama nga siya ng pagkadismaya na lumipas ang tatlong linggo na hindi nagpakita sa kanya si Seven. Ni magparamdam. Dahil sa umpisa pa lang ay tumatak na sa isip niya ang mga linya nitong;  I'll see you in Manila, Hindi kita titigilan, Madali kiang matutunton, I'll never leave you alone, at kung ano-ano pa.

Bakit hindi 'yon tatatak sa isip niya gayong binitiwan nito ang mga salitang iyon na punong-puno ng pangako. Para bang isa itong hari na nagdelakra ng baras at kailangan iyong iukit sa bato para hindi mabura.

Ang mas malala pa, walang pinipiling oras na pumapasok sa isip niya ang lalaki. Gusto nga niyang ipasuri ang ulo kung may videotape ba roon, videotape ng pagmumukha ni Seven na may automatic reply feature pa yata.

Tulad na lang nang sandaling iyon na lumilitaw sa isip niya ang eksena ng pagkakakorner sa kanya ni Seven sa may pader ng comfort room. Ang pagkakalapit ng katawan nila, ang parang tagos sa buto na tingin, ang sensuwal na mga labi, at ang halik.

Damn it! Maayos na nakadokumento sa isip niya ang bawat sandali ng engkuwentro nila. Eksena sa eksena.

Mayamaya lang ay pumaparada na ang sasakyan
ni Hillary sa harap ng kanyang bahay. Bumaba siya ng sasakyan, sinamsam ang kanyang bag at ilang folder bago tinungo ang front door para buksan iyon.

Naisuksok na niya sa keyhole ang susi, pipihitin na ang seradura nang maagaw ang kanyang pansin ng busina ng sasakyan. Lumingon siya. And there, nakita niya ang pagparada ng isang itim na kotse sa likod ng kanyang sasakyan.

Tumahip ang dibdib ni Hillary dahil parang pamilyar iyon sa kanya. Bigla siyang nataranta.

Dali-daling binuksan niya ang pinto, at nang makapasok ay isinara muli iyon. Sumandal si Hillary sa dahon ng pinto. Ang mga kamay niya ay sumapo sa nagririgodong dibdib.

Parang mababasag ang rib cage niya sa sobrang lakas ng kabog niyon. Tinungo niya ang sofa, ipanatong doon ang mga gamit bago nagpalakad-lakad. Hindi siya maaaring magkamali, si Seven ang sakay niyon.

Ang aroganteng lalaki na nangakong hindi siya titigilan pero hindi naman tumupad. Nakagat niya ang ibabang labi nang ma-realize kung ano ang inakto niya.

Oh, crap! Bakit naman ganoon ang naging reaksiyon niya? Muntikan pa siyang mapatili nang umalingawngaw ang tunog ng doorbell.

Lumapit siya sa pinto at sumilip sa peephole. Siya nga! Alam na ni Seven kung saan siya nakatira at malay ba niya kung ano pa ang mga nalalaman nitong impormasyon tungkol sa kanya.

"Ayan na siya, Hillary. Hindi ba disappointed ka na hindi siya nagpapakita? Hayan na siya. Ano pa ang hinihintay mo? Buksan mo na ang pinto at i-welcome siya ng balik," anang likod ng isipan niya na ikinapanlaki ng kanyang mga mata.

Muli at muling umalingawngaw ang doorbell. Nagmartsa na siya papunta sa pinto at binuksan iyon, handa itong salubungin ng halik-este, giyera.

Saglit na hindi makahuma si Hillary. Noong makita niya ang lalaki sa Singapore at sa kasalan ay naka-three-piece suit ito. Ngayon, habang kinikilatis ang anyo ni Seven ay halos mapugto ang hininga niya sa paghanga sa kakaibang kaguwapuhan at kakisigan na ipinapamalas nito.

Nakasuot ito ng pantalong maong na humahapit
sa mga hita. Oh, hell, napaka-sexy nito at mas malakas ang sex appeal kapag ganoong nakamaong. Ang pang-itaas nito ay isang kaswal na T-shirt lang.

He looked so fresh, so dashing, and so hot. Seven Fuentes was as gorgeous as sin!

Kahit sigurado si Hillary na ito pa rin ang Seven na na-encounter niya sa kasalang pareho nilang dinaluhan, parang may mali sa lalaking ito, parang may nag-iba. Hindi na ito ang brusko at aroganteng lalaki na tumatak sa kanyang isipan.

"Ano'ng kailangan mo?"

Hinuli nito ang mga mata niya. "Ang tulong mo.

Automatic ang pagtaas ng kilay niya. "Ano uli?T-tulong ko? Kailangan mo ng tulong ko? Tama ba ang narinig ko?"

"Yes. Kailangan ko ng tulong mo. Kung papapasukin
mo lang ako, maipapaliwanag ko sa ang sitwasyon ko sa'yo nang maayos." Tumingin ito nang deretso sa mga mata niya. Ang klase ng tingin na hindi niya kayang salubungin dahil parang pinapasok niyon ang utak niya at inaalam ang pinakatatago niyang sekreto.

"Can I come in?" parang maamong tupa na tanong nito.

Again, Hillary was slightly taken aback. Namamangha sa ugaling ipinamamalas nito.

"Puwede ba akong pumasok?" Tiningnan ni Seven ang paligid.

"Well, kung komportable ka na dito tayo sa labas mag-usap, puwede rin naman. Pero sana pakinggan mo ako. Kailangan ko talaga ng tulong mo. Siya nga pala..."

Mula sa likuran ay inilabas nito ang isang pumpon ng mga puting rosas. "For you. I hope you like it."

Hindi naawat ni Hillary ang pagsinghap. Napatitig siya sa binata. Marami-rami na rin naman ang nagtangka na bigyan siya ng mga bulaklak pero wala sino man sa mga iyon ang nagpasinghap sa kanya at nagpakabog ng kanyang dibdib.

Kung dahil sa pagkasorpresa ay hindi niya alam. Ninenerbiyos marahil na hindi niya 'yon tanggapin, nagkamot ng batok si Seven.

"Maliban sa miyembro ng pamilya ko, ikaw pa lang ang binigyan ko ng bulaklak kaya sana tanggapin mo. Wala kang allergy sa mga pollen and you love white roses-long-stemmed kaya wala naman sigurong dahilan para hindi mo ito tanggapin."

Hindi na niya itatanong kung bakit alam ni Seven ang mga impormasyong iyon. "Ano 'to, suhol para sa tulong na hihingin mo?" aniya habang kinukuha ang bungkos n bulaklak, iniwasang salubungin ang mga mata nito.

"No. Binibigyan kita niyan dahil umaasa ako na sana kahit papaano, mapasaya ka nila."

"Thank you. Uhm..." Inialis ni Hillary ang nakaharang na katawan sa doorway. Nagpapakatao naman si Seven kaya bakit hindi niya pakiharapan din nang maayos?

"Fine, pasok ka."

Pumasok naman ito.

"Maupo ka. Coffee, juice, or water?" hindi tumitingin nang deretso sa binata na alok niya.

The Remarkable NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon