"Salamat at sinagot mo ang tawag ko," agad na sabi
ni Seven nang tanggapin niya ang tawag nito.Halos mag-uumaga na nang makatulog si Hillary. Dahil doon ay hindi na niya namalayan ang pag-alis ng bahay ni Seven para pumasok sa trabaho. Ni hindi siya sigurado kung pumasok ba ito ng silid para maligo at magbihis.
Ang sabi ni Tili ay hindi raw nag-almusal si Seven at nagbilin na huwag na siyang gisingin.
It was nine in the morning when she woke up. Hindi
niya magawang kumain, ni kumilos. Napakatamlay ng katawan niya at mabigat ang pakiramdam. Dahil marahil sa mga nangyari. Sa totoo lang, hindi talaga niya alam kung ano ang susunod na gagawin.Lampas alas-dose na. Inaalok na siyang kumain ni Tili pero wala pa rin siyang gana. Iniisip niya kung...
kung uuwi kaya si Seven para sabayan siyang kumain?Dahil kung hindi ay iyon ang unang pagkakataon na
hindi sila magsasabay sa pananghalian. At magiging napakalungkot niyon."T-tumawag ako kay Tili. Sabi niya, hindi ka raw
nag agahan. At ngayon, ayaw mo pa ring kumain. Medyo maraming ginagawa dito. Hindi kita masasabayan."Hillary swallowed a big lump in her throat. Pilit niyang sinisikil ang damdamin pero hindi siya
nagtagumpay. Agad nabuo ang mga luha at naglandas sa mga pisngi niya. Pinilit niyang huwag gumawa ng tunog.Kahit napakakaswal ng dating ng boses nito, parang napakaraming emosyon na pinipigilan ang binata, tulad niya.
Tumikhim siya. "H-huwag mo akong alalahanin.
Kakain ako kapag nakaramdam ako ng gutom. Hindi
ako gutom kaya hindi ako kumakain,'' pilit pinakakaswal ang boses na sagot niya.Ilang sandaling dumaan ang katahimikan.
Katahimikan na sa sobrang lakas ay halos ikabingi niya.
"I'm sorry for what happened last night," anito.
"I was frustrated and drunk and... oh... h-hinayaan kong mangibabaw ang kabiguan ko. Patawarin mo ako sa nagawa ko," puno ng pagsisisi na sabi nito.
Kinagat ni Hillary ang dila dahil parang ano mang
sandali ay bubulalas siya ng hagulhol."N-nangyari na," sagot niya.
"Sinagi at pinagnaknak mo ang hindi gumagaling na sugat sa puso ko kaya heto, ramdam na ramdam ko na naman ang sakit, ang hapdi..."
"I know. Nangyari na. The damage had been done at... at nakatatak na iyon sa puso't isip ko. God! Kung
sana, kaya kong ibalik ang oras.""P-pero hindi mo kaya. There are some things that
when done, they can never be undone...""They can never be undone, Seven. They can never be undone..."
Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Seven. "K-kaya nga bago mo pa ako tuluyang kamuhian, sa palagay ko, dapat na kitang pakawalan."
Binalot ng lamig si Hillary. Para bang... para
bang nakarinig siya ng bagay na ayaw niyang marinig."W-what?" halos walang boses na tanong niya.
"A-ano' ng... a-ano'ng ibig mong sabihin?"
Bumuntong-hininga uli si Seven. Hindi ma-imagine ni Hillary ang hitsura nito.
"Pinag-isipan ko itong mabuti. S-sa palagay ko, mas makabubuti kung pauuwiin na kita sa Pilipinas, tutal isang linggo na lang ang natitira sa kontrata ko dito."
Natutop ni Hillary ang bibig. Pakakawalan na siya
nito? Titigilan na? Iyon ang gusto mo, 'di ba, Hillary?
Puwes, hayan na. Inihahain na niya sa'yo.
BINABASA MO ANG
The Remarkable Night
RomanceWala nang ibang nais si Hillary kundi ay ang tumanda nang hindi nag-iisa. At ang nakikita niyang sagot doon ay ang pagkakaroon ng anak. Pero may problema, wala siyang asawa o boyfriend man lang. Kaya nang minsang mapunta sa isang bar, pinatulan na...