Nasugbu, Batangas
"Thank you," sabi ni Hillary sa resort staff na naghatid sa kanya sa reception ng kasal. Bitbit niya sa kanang kamay ang katamtamang laking paper bag na pinaglalagyan ng regalo, sa kaliwang kamay naman ang kanyang purse.
Sinadya niyang magpahuli para hindi saksihan ang seremonya ng pagpapalitan ng wedding vows dahil... Well, kailangan pa ba niyang sabihin ang dahilan?
Magiging isang negative energy lang siya kung sakali na panay ang lihim na pagkokomento. Magkakasala lang siya. Napilitan lang talaga siyang pumunta sa reception dahil bukod sa nakaoo na ay mapilit din ang kanyang ina. Hindi ito papayag na hindi siya um-attend.
Isa pa, noong isang araw ay tinawagan pa siya ni Johanna ng tatlong beses para lamang kumpirmahin ang pag-attend niya.
Beach wedding ang kasal ni Johanna. Lumaki si Hillary sa Batangas kaya alam niya na mamahalin ang resort na iyon.
Nakikisama din ang panahon, makulimlim at hindi maalinsangan. At ang setup sa dalampasigan ay napakaganda. Nasa dalampasigan ang man-made altar, nasa unahan ng wooden gazebo na napapalibutan ng manipis na lace curtains at ibat ibang klase ng bulaklak na puti at lilac ang kulay.
Sa daanan ay nakasabog ang mga bulaklak na may ganoon ding kulay. White and lilac, 'yon ang motif ng kasal. Sa magkabilang gilid ay magulo na ang mga hanay ng upuan, palatandaan na tapos nang gamitin.
Hindi lang ang kulay na isinasabog ng papalubog na araw at ang kalmadong dagat ang kaakit-akit sa background, pati na rin ang mga isla sa kabilang dako pa roon. Hindi kalayuan ay ang reception
area sa sang open pavilion.Lumapit si Hillary sa open pavilion na ang pathway ay nasasabugan ng mga petals ng white roses, at orchids na mukhang imported pa sa ganda ng klase.
Nang nasa entrada na ng pavilion, agad natawag ang atensiyon niya ng mga lumalaylay na ibat ibang klase ng ferns at orchids sa kisame, kasama ang ilang mamahaling chandelier at ilaw. Ang mga silya at mesa ay nababalutan ng kulay-puti at purple na tela.
Hindi siya sigurado kung fairy tale ang theme ng kasal pero may kakaibang magic ang lugar. O siguro 'yon ang magic na ibinibigay ng tinatawag na pag-ibig. Mukhang mayaman talaga ang napangasawa ni Johanna.
Balita ni Hillary, ay si Wendy, kaibigan nila, ang wedding coordinator sa kasal. Hindi na siya nagulat.
Why? Wendy was a hopeless romantic. Noon pa man
ay mahilig na ito sa mga kuwentong pag-ibig at sa mga happy ending.Sa mabilis na paggala ng kanyang paningin ay nakita niyang abala sa pakikipagkuwentuhan ang mga bisita. Agad din niyang namataan ang mga bagong kasal na abala sa pakikipag-usap sa mga bisita.
Johanna looked so lovely in her wedding dress.
"Hillary!" masayang bati sa kanya ng bride nang tumingin sa direksiyon niya. Lumapit ito sa kanya, hila-hila ang asawa nito.
"Akala ko hindi kana sisipot."
"Sorry, ha. May prior commitment din kasi ako na hindi puwedeng hindi ko siputin," nakangiting pagdadahilan niya, saka nakipagbeso.
"My God! You're a goddess!"
"Thanks. Oh, Hillary, meet my Prince Charming, Devon Thompson..." nagniningning ang mga matang
pakilala ni Hillary sa asawa."Sweetheart, this beauty here is named Johanna. She's one of my high school friends, close friends!"
Nagbatian sila ni Devon. In all fairness, kung ano ang nakikita niyang ningning sa mga mata ni Johanna ay ganoon din ang nakikita niyang ningning sa mga mata ni Devon.
Pagkatapos ng ilang minuto ay may tumawag sa atensiyon ng lalaki. Maayos itong nagpaalam sa kanila ni Johanna.
"Congratulations!" muling pagbati niya sa kaibigan. Kahit ang gusto talaga niyang sabihin ay Good luck.
Good luck sa pagpapa-sakal, sa pagkuha ng pasakit.
"Here." Iniabot niya rito ang bitbit na regalo.
"Thank you." Tinanggap iyon ni Johanna at ipinasa sa babaeng nasa likuran nito, pagkatapos ay hinawakan ang braso niya.
"Come in, come in. Narito na rin sina Sienna at Wendy. Sayang at nasa bang bansa si Gina, hindi makakauwi. Conflict daw sa schedule. Naalala mo pa sila, 'di ba?"
"Siyempre naman, naaalala ko pa sila." Base sa naaalala niya, si Gina ang pinakamayaman at galante, si Wendy ang fashionista, trendsetter, at medyo flirt. Si Sienna naman ay okay rin, maganda at
matalino at mas malapit kay Wendy. Johanna was the ugly-duckling. At siya ang aloof at laging gustong mapag-isa.Muli niya itong sinulyapan. "You really looks radiant," papuri niya. Sa pagkakataong iyon ay galing iyon sa kanyang puso. May kung anong kislap sa mga mata ni Johanna na nagre-reflect sa buong aura nito.
Para bang ang saya-saya ng babae. Isang klase ng saya na hindi siya sigurado kung nadama na ba niya. Parang hindi pa. Wala siyang natatandaan na pagkakataon na naging napakasaya niya.
"Mabihag ko ba naman ang pinakaguwapong lalaki sa balat ng lupa, sino ang hindi liligaya?" natatawang
sagot nito habang naglalakad sila."Anyway, how about you? Wala pa ba?"
Oh-oh... Hanggang dito ba naman?
"I don't know, walang magkagusto sa akin, eh."
Tiningnan siya ni Johanna na para bang galing siya sa ibang planeta. "Nagbibiro ka ba, Hillary? Kahit nga noong high school pa tayo, pansinin ka na rin ng mga boys. Nagpapalipad-hangin pa nga noon sa'yo ang captain ball noon na si Alex, 'di ba? Kahit na nga ba may-pagka-aloof ka. Pero huwag kang mag-alala..."
Hininaan nito ang boses. "Sa 'yo ko patatamain ang bouquet. So you'll get married next. 'Di ba sabi nila, kung sino ang makakasalo ng wedding bouquet, siya ang sunod na ikakasal?"
Naumid siya at hindi makuhang sumagot. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maiinis sa sinabi ng kaibigan.
Nakarating na sila sa isang mesa. "Guys..." ,nakangiting tawag-pansin ni Johanna sa mga nasa mesa.
"Look who's here..."
"Hillary!" parang iisang boses na sabi ng mga kaklase niya na sina Wendy at Sienna. Nakita pa niya ang pagkagulat sa mga mata nito na agad din naman siyang sinalubong.
"Hi." aniya bago nakipagbeso-beso sa dalawa.
Nagtuloy-tuloy na ang kumustahan hanggang sa iwan na sila ni Johanna para asikasuhin naman nito ang iba pang mga bisita.
BINABASA MO ANG
The Remarkable Night
RomanceWala nang ibang nais si Hillary kundi ay ang tumanda nang hindi nag-iisa. At ang nakikita niyang sagot doon ay ang pagkakaroon ng anak. Pero may problema, wala siyang asawa o boyfriend man lang. Kaya nang minsang mapunta sa isang bar, pinatulan na...