Chapter 17

119 6 0
                                    

"So," untag ni Hillary nang iabot niya kay Seven ang isang tasa ng kape.

Naupo na rin siya sa tapat nito. Iniwan niya ang mga bulakak sa kusina. Mamaya na niya iyon aayusin at ilalagay sa vase. Siguro naman ay aalis din agad si Seven kapag nasabi na nito ang sadya sa kanya. At naiintriga talaga siya sa tulong na kailangan nito.

"Hindi ko alam kung ano ang maitutulong ko sa
'yo, Mr. Fuent---"

"Tawagin mo akong Seven."

"S-Seven, pagsunod naman niya.

Nasisiyahang ngumiti ito. "That's better. So much better." Kinuha nito ang tasa ng kape at sumimsim
"Hmm. Masarap kang magtimpla ng kape."

Don't you dare blush, Hillary! Eh, ano naman kung
nagustuhan niya ang timpla mo? banta niya sa sarili.

"Sabihin mo na kasi ang sadya mo at nang makaalis ka na."

"Kanina mo pa ako ipinagtatabuyan, ah," nangingiting komento nito.

"Meaning, hindi ka welcome dito."

"Totoo ba yan?" tanong nito, may bahid ng
panunudyo. Hindi nga ito brusko at hindi rin arogante ngayon, pero kanina pa naman ito nanunukso. Parang nakikipagbiruan na ewan. At hindi niya gusto ang pilyong ngiti nito dahil pinakakabog niyon ang dibdib niya.

Paanong nagagawa ni Seven na mag-switch ng ganoon kadali mula sa pagiging arogante papunta sa
pagiging mapanukso?

"Of course it's true. Anong tulong ba kasi ang sinasabi mong tulong na kailangan mo kamo?"

Umayos ng upo ang binata. Nananantiya ang pagkakatingin sa kanya. Bigla na naman tuloy siyang
kinabahan. Kailangan diumano nito ng tulong. Ibig
sabihin, naroon ito ngayon sa harap niya dahil sa palagay nito ay siya ang makakatulong dito.

Tumikhim si Seven. "I need a wife."

'"Ano?!" Napatayo si Hillary.

Kailangan daw nito ng asawa? Dalawa lang ang tulong na posible nitong hilingin. At 'yon ay ang tulungan ito na humanap at pumili ng mapapangasawa, o siya mismo ang napili nito?

Malakas ang kutob niya na ang huli ang sadya ni Seven. Umiling siya. No fucking way she would end
up as a wife. Hindi nga siya mag-aasawa, 'di ba? Hindi kailanman.

Tumigas ang ekspresyon ng mukha niya. Hindi. Hindi niya hahayaan na may lalaking kumontrol sa kanya. Mariing itinuro niya ang pinto.

"Labas. Get the hell out of here."

Tumayo rin ito. "Hey. Hayaan mo muna akong
magpaliwanag, okay?"

Tinitigan niya ito nang masama. "Hindi ako nakikipaglaro sa 'yo." Umiling siya.

"Kahit na ano pang paliwanag iyan, hindi ang sagot ko. Narinig mo ako? Hindi. Hin. Di. Hindi kita matutulungang humanap ng solusyon diyan sa 'napakalaki' mong problema."

Hinawakan niya ang braso nito para hilahin palabas.
Pero hindi natinag si Seven. Bumalik pa ito sa pagkakaupo.

"Hindi mo ako mapapaalis hanggat hindi mo naririnig ang buong sitwasyon. Ayaw mong nandito ako, 'di ba? Kaya mas makakabuti sa 'yo kung hahayaan mo akong magsalita."

"Tatawag ako ng pulis," banta niya.

Nagkibit-balikat lang ito. Hindi naaalarma sa sinabi niya. "Suit yourself."

Akala ba nito ay nagbibiro lang siya? Malalaki ang hakbang na tinungo niya ang kinalalagyan ng kanyang landline. Pinipindot na niya ang numero ng pinakamalapit na presinto sa kanilang lugar nang
marinig niya ang malakas na boses ni Seven.

"Gusto mo bang marinig mismo sa akin, madiskubre mo na lang na... may asawa ka na? At ako ang asawa mo."

Hindi natapos ang pagda-dial ni Hillary. Nilingon
niya si Seven, prenteng-prente pa rin ang pagkakaupo nito.

"Excuse me?"

"Bago ako pumunta rito, siniguro ko na nakarehistro na ang kasal natin sa NSO. Kasal ka na sa akin, Hillary."

Sarkastiko siyang ngumiti. Ginagawa siyang tanga ng lalaking ito at lalo siyang naiinsulto dahil doon. Ibinaba niya ang telepono at pinamaywangan ito.

"Huwag mo nga akong gawing tanga. Paano ka makakapagparehistro ng kasal kung wala kang marriage certificate? At pano ka magkakaroon ng marriage certificate kung wala namang kasalang naganap?"

"That's the legal procedure you're talking about, sweetheart," nakangising sagot nito.

Saglit na naguluhan si Hillary. Legal procedure
daw? Kung ganoon... illegal ang ginawa nito?

"Yup,''sabi ni Seven na nabasa yata ang iniisip
niya.

Kinunutan niya ito ng noo.

"Ouch. Sinaktan mo na naman ako. Parang hindi ka talaga interesado sa akin dahil hindi mo man lang inalam kung sino ako."

"Well, Hillary, computer manufacturing ang negosyo
ng pamilya Fuentes. Ako naman, nagmamay-ari ng isang software company. Isang kumpanya na ako mismo ang nagtatag. Hindi pa ganoon ka-successful ito pero may mga talentado akong empleyado pagdating sa Internet. They are talented enough to hack a secured government Web site..."

"Ano ba ang pinagsasasabi mo?" naguguluhang tanong niya.

Tumayo si Seven. "Nang dumating ang problema
ko sa pangangailangan ng asawa, alam mo kung ano ang ginawa namin? Hinack namin ang Web site ng NSO at nagparehistro ng kasal. Kasal natin. Kasal ka na sa akin, Hillary."

"Ikaw na ngayon si Hillary Fuentes, asawa ko," anito at nagpamalas ng ngiti ng tagumpay.

Muntikan nang maging mabuwal ang tayo ni Hillary. Nawala na ang palabirong Seven dahil bumalik na uli ang arogante at mapang-utos na Seven. Ang Seven na na-master na yata ang paggamit ng blackmail.

Pilit siyang nagtitimpi ng galit. "You're bluffing."

Lumapit ito sa kanya. "Bluffing is not my thing. Bakit hindi ka mag-check ng records sa NSO? Kung plano mong idemanda ako, go on. Puwedeng-puwede naming burahin ang records at ibalik lang uli iyon doon pagkatapos. Mag-aaksaya ka lang ng panahon at pera."

Controlling, bossy, arrogant. Iyon si Seven Fuentes. Tuluyang sumulak ang galit ni Hillary. Nagdidilim ang paningin niya. Mariing ikinuyom niya ang kamay at bung puwersang sinuntok sa mukha ang binata.

Pero mabilis ang reflex ni Seven, nakaiwas ito sa kamao ni Hillary. Hanggang sa hindi na niya namalayan kung pano nangyari na nagawa ng binata na ikulong uli siya sa pagitan ng dinging at katawan nito. He pinned her hands above her head with just one hand. Pagkatapos ay inangkin ang mga labi niya sa isang mapusok na halik.

Nananakop ang mga labi nito, agresibo. Ang dila nito ay nagpupumilit na pumasok sa kanyang bibig. Sinubukan ni Hillary na kumawala pero malakas si Seven. Isa pa, duda rin siya sa kumbiksiyon ng pagtutol niya dahil nanginginig na ang kanyang mga
tuhod. Natatabunan na ang galit niya ng sensasyong hatid ng halik nito. Halik na inaasahan niyang maganap kanina. She was melting in his arms.

Ang halik ni Seven ay parang napakasarap na pagkain na hindi niya kayang tanggihan. At ang singaw ng init ng katawan nito ay pumuputol sa kontrol na pinanghahawakan niya. Nakakita siya ng pagkakataon na makalayo rito nang mapansin na nasa pagitan na ng mga hita nito ang kanyang tuhod.

In fact, his arousal was now brushing against her thigh. Puwedeng-puwede niya itong tuhurin. Pero sa halip na gawin iyon ay natagpuan niya ang sarili na tinatanggap ang halik ng binata.

"I've missed you... Oh, sweetheart, how I've missed you," usal ni Seven sa pagitan ng mga halik. Halik na
sa pagkakataong iyon ay banayad na at punong-puno
ng pag-iingat. At masarap yon. Matamis.

Pinakawalan na rin nito ang mga kamay niya. Habang hinahalikan pa rin siya, sinapo ni Seven ang kanyang mukha. Pero bigla tong natigilan, pinakawalan ang mga labi niya. Kumuha ito ng sapat na distansiya para pagmasdan siya.

The Remarkable NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon