"Tinitingnan ba nila ako o paranoid lang ako?" sabi ni Hillary kay Chloe patungkol sa mga taong nakakasalubong nila na tumitingin sa kanya.
Tinawagan siya ni Chloe kagabi at nagsabing samahan niya ito sa lakad nito. Dahil mukhang hindi tatanggap ng pagtanggi, walang nagawa si Hillary kundi ay ang pumayag. Sinundo siya ni Chloe bandang alas-diyes ng umaga.
Because her mind was preoccupied, ang natandaan lang niya ay pumunta sila sa isang five-star hotel. Ngayon ay naglalakad sila sa isang hallway na hindi niya alam kung saan papunta.
Tatlong araw na ang nakalipas. Nakalabas na ng
ospital ang ina ni Hillary. Higit sa lahat, nakadalaw
na rin siya sa puntod ng ama at nakapaglabas ng lahat ng sama ng loob. Ibinigay niya rito ang kapatawaran. Nakakamangha kung paanong pagkatapos niyon ay napakagaan ng kanyang pakiramdam. Wala nang pait, walang galit. Parang sa isang kisap-mata ay naghilom at tuluyang gumaling ang sugat ng kanyang pagkatao.
Kung mayroon mang natitira sa puso niya, 'yon ay ang lungkot.
Lungkot dahil hindi pa rin nagpapakita sa kanya si Seven. At lalo niya itong nami-miss. Lalo siyang nangungulila rito. Hindi tuloy niya alam kung paano
sasabihin sa binata na handa na siyang tanggapin ang pag-ibig nito. Hindi niya alam kung paanong sasabihin dito na magkakaanak na sila.
Na mahal niya ito.
Come on, Hillary, kapag gusto, maraming paraan.
Ano'ng silbi ng cell phone mo? Tawagan mo siya. Or better yet, puntahan mo siya. Pagkatapos ng mga natuklasan mo, sa palagay ko deserve niya na sa pagkakataong ito, eh, ikaw naman ang dapat na gumawa ng unang hakbang sabi ng isip niya.
Hindi ang isip niya ang nagsalita kundi ang puso
niya. At sumang-ayon siya sa mga 'yon.
Nakapagdesisyon na siya, pupuntahan na niya si Seven. Bibigyan niya ng pagkakataon ang mga damdamin nila. Bibigyan niya ng pagkakataon ang magpakailanman nila.
"Of course, titingnan ka nila. Why? Because you're lovely. Minus your sad eyes, you're perfectly noticeable. Hard not to look at," sabi ni Chloe.
Nakasuot siya ng asul na bestida na above the knee
ang haba. Isang flat na sandals ang ipinares niya roon dahil mula nang madiskubre niyang buntis siya, doble-dobleng ingat na ang ginagawa niya.
Isang simpleng relo ang tanging alahas niya sa katawan. Habang hinayaan niyang nakalugay ang kanyang buhok.
"Hindi. Sa mga mata hila, eh, para bang kilala nila ako?"
"Kung ano ano ang nai- imagine mo."
Nang makarating sila sa isang malaking pintong kahoy, tumigil si Chloe sa paglalakad. "Mauna ka na sa loob, may tatawagan lang ako."
Tumaas ang kilay ni Hillary. "Ano ba kasi ang gagawin natin doon?"
"You'll see. Sige na."
Hindi na siya nakapagprotesta pa nang dali-dali na itong umalis.
Napailing-iling na lang si Hillary.
Ano ba kasi ang drama ng kaibigan niya? Might as well figure it out. Marahang itinulak niya ang malaking dahon ng pinto. Habang pumapasok, una niyang napagtuunan ng pansin ang nakalatag na red carpet sa kanyang paanan, pagkatapos ay pumasok sa pandinig niya ang mahihinang kuwentuhan.
Nag-angat siya ng mukha.
At hindi niya napigilan ang pagsinghap sa nakita. Dahil ilang beses na rin namang nakapunta sa mga exhibit, alam niya na isang exhibit ang kinaroroonan niya.
This, apparently, was a photo exhibit.
Pero bakit kinakabahan yata siya sa kung anong dahilan?
Dahan-dahang humakbang palapit si Hillary. Muntikan na siyang matapilok kahit na flat sandals ang suot niya nang pakiramdam ay natuon sa kanya ang paningin ng lahat ng tao roon. Nang makalapit siya sa isang larawan at tuluyang makita yon, nilukob ng kung anong lamig ang katawan niya.
BINABASA MO ANG
The Remarkable Night
RomanceWala nang ibang nais si Hillary kundi ay ang tumanda nang hindi nag-iisa. At ang nakikita niyang sagot doon ay ang pagkakaroon ng anak. Pero may problema, wala siyang asawa o boyfriend man lang. Kaya nang minsang mapunta sa isang bar, pinatulan na...
