"Of course. Kung doon ka masaya. Isa pa, ako ang
namilit sa 'yo kaya ka nandito kaya gagawin ko ang lahat para maging kumportable ka.”"Okay then.” Tinungo ni Hilllary ang fridge. Binuksan. Marami siyang nakitang mga prutas, tsokolate, at iba pang uri ng pagkain at inumin. Inilabas niya ang pitsel ng tubig. Nagsalin sa baso at uminom.
Si Seven ay masusing nakatingin sa kanya. "May nagsabi na ba sa 'yo na napakaganda mo?"
Nasamid si Seven. Si Seven naman ay natatarantang nilapitan siya at hinaplos-haplos ang kanyang likod. Na para bang sa pamamagitan niyon ay titigil ang pag-ubo niya.
"Sorry," anito.
Itinaas niya ang kanyang kamay para patigilin ito. Because, good gracious! Inuubo na nga, naaapektuhan pa rin siya sa gesture na iyon, at nagdudulot ng malisya sa kanya.
Muli siyang uminom ng tubig. "Silly question," bulong niya.
"Oo nga naman," komento nito. "Of course, marami ang magsasabi n'on sa 'yo. Baka nga lahat ng nakapaligid sa 'yo, iyon ang bukambibig. Otherwise, they're blind."
Tumaas ang kilay ni Hillary. Papuri ba ang sinabi
nito? At bakit parang kinikiliti ang puso niya? Bakit gusto yata niyang magtatalon sa tuwa?"So, sinasabi mo ba na napakaganda ko sa mga mata mo?" Hindi man niya intensiyon, nabahiran ng panunukso ang kanyang boses. Baka nga pati ang ekspresyon ng mukha niya.
"Oo." siguradong sagot ni Seven.
Nang tumingin si Hillary sa lalaki ay hinuli nito ang kanyang mga mata. Hindi niya nagawang umiwas. Habang magkaugnay ang kanilang mga mata, wala siyang ibang naririnig kundi ang malakas na pagtambol ng kanyang dibdib. Para bang napailalim siya sa isang mahika. Malalim na mahika, casted by Seven.
Kinahapunan ay nasa palasyo sina Seven at Hillary para sa isang welcome dinner kasama ang mga miyembro ng royal family at ang ilang opisyales na namamahala sa proyektong Technology Before Anything.
Handa si Hillary sa mga formal function na ganoon kaya hindi niya nakalimutang magdala ng mga damit na angkop sa ganoong okasyon.
May limampu yata ang tao sa napakalawak na hall na pinangungunahan ng hari at reyna. Some were dressed in traditional clothes. Marami rin namang naka-dress. In all fairness, halos lahat yata ng nakadaupang-palad niya ay napakabait.
"Hey,'' ani Seven sabay ng pagpulupot ng braso nito
sa kanyang baywang. "You're doing great. Hinahangaan nila ang elegance mo," may pagmamalaking sabi nito.The pride in his eyes couldn't be mistaken.
"Ganoon din ang kagandahan mo. Kung alam lang nila na amasona ka naman talaga," biro nito. "Come. Magsayaw tayo."Hindi tumutol si Hillary nang dalhin siya nito sa dance floor. Tutal ay marami rin naman ang pares na
marahang sumasayaw sa isang mahinang kanta na may native na lengguwahe. Ginaya lang nila ang posisyon ng mga pareha na hindi naman nalalayo sa mga slow and sweet dances."What?" tanong ni Seven nang titigan niya.
Nagkibit-balikat siya. "Na-discover ko lang naman na may dual personality ka pala."
Tumaas ang sulok ng mga labi nito. "Yeah? At ano
naman ang mga iyon?""Well, mayabang at bossy ang isa. Ang isa naman... likeable, unless arte mo lang 'yon."
Mula nang dumating sila roon ay hindi pa niya nakakaengkuwentro ang aroganteng Seven. Ang Seven na nakakasama niya, so far, ay mabait, maalalahanin, at maalaga.
"Likeable, huh?" Ngumiti ito.
At isa pa iyon sa mga hindi niya magawang balewalain. Kapag ngumingiti ang lalaki, para bang ang pader na ipinalibot niya sa sarili ay nagkakaroon ng lamat.
BINABASA MO ANG
The Remarkable Night
RomanceWala nang ibang nais si Hillary kundi ay ang tumanda nang hindi nag-iisa. At ang nakikita niyang sagot doon ay ang pagkakaroon ng anak. Pero may problema, wala siyang asawa o boyfriend man lang. Kaya nang minsang mapunta sa isang bar, pinatulan na...