"Hey, what are you doing here?" sabi ni Chloe na kumuha sa atensiyon ni Hillary.
Pagkatapos nilang mag-usap ay nakatulog ang kanyang ina. Ipinasya niyang lumabas ng silid para
magmuni-muni at timbangin an mga bagay-bagay.Nakatayo siya sa salaming dinging sa dulo ng hallway. Kahit nakatanaw sa labas, wala roon ang kanyang atensiyon dahil okupadong-okupado ang kanyang isip.
Nilingon niya ang kaibigan. May bitbit itong basket
na puno ng prutas at mga bulaklak.Hinalikan siya ni Chloe sa pisngi. "Kumusta si
Nanay?""She's fine. Natutulog. Gusto na gang lumabas. Pinangakuan ko na lang na bukas na bukas din, ilalabas ko na siya. Pero sa ngayon 'kako, kailangan niyang magpahinga."
Lumapit sila sa upuan at naupo sila roon ni Chloe.
"Alam mong kailangan mo ring magpahinga," anito, ipinapaalala sa kanya ang kalagayan niya.
"Iwasan mong ma-stress. Iwasan mong mag-isip nang mag-isip."
"H-hindi ko mapigilang mag-isip." Napasigok na
naman si Hillary. Nagging emosyonal na naman siya."P-parang mga kulog na dumadagundong sa isip ko
ang lahat." Saglit na isinubsob niya ang mukha sa mga kamay, saka umayos din ng upo."Bumalik na ba siya?" tanong ni Chloe at hindi na
kailangang itanong ni Hillary kung sino ang tinutukoy nito. Si Seven.Umiling siya. "A-alam mo ba kung ano ang
ikinuwento ni Inay tungkol kay Seven?"Inulit niya ang ikinuwento ng ina. Nang matapos siya sa pagkukuwento ay namangha rin si Chloe.
"C-can you believe it? Ni wala akong kaide-ideya na may ugnayan sila. Na sa sariling paraan ni Seven ay napalapit siya kay Nanay. H-hindi ako makapaniwalang nagawa niya ang mga iyon," basag
ang boses na sabi niya.Nagbuga siya ng hangin para payapain ang damdamin. "Kaya pala nandoon din si Seven kanina. At tungkol sa ikinuwento mo? Well, kailangan mo itong makita. It'll back up your mother's story."
Mula sa bag ay inilabas ni Chloe ang isang nakatuping diyaryo. Chloe handed it to her.
"Aksidenteng nakita ko 'yan, nakabalot sa bulaklak na binili ni Manang sa palengke."
Tinanggap 'yon ni Hillary at nagtatakang tiningnan. Lumang diyaryo na pala 'yon.
Una niyang napagtuunan ng atensiyon ang picture na pinaluma at pinalabo na rin ng panahon.
Dalawang lalaki ang naroon, magkatabi at parang nanonood ng isang malaking sports event. They were both young and--Kumunot ang noo ni Hillary.
Tumutok ang paningin niya sa isa sa dalawang lalaki. Parang younger version ito ni Seven. Binasa niya ang caption.
Prince Levin of Dushiana and his close friend, Seven Fuentes---the heir to de Fuente's Corporation---graced
the opening season of this year's Australias Open Cup.Prince Levin of Dushiana?
Walang ideya si Hillary na ganoon pala kaguwapo ang prinsipeng hindi niya nakadaupang-palad noong nasa Dushiana pa siya.
"So?" nagtataka pa rin na tanong niya.
"Ano'ng meron dito?"
"Matagal na silang magkaibigan,'' sabi nito, parang
may gustong ipakahulugan."Ngayon?" Inikutan siya ng mga mata ni Chloe.
"My God, Hillary, bakit ang hina mong pumick-up?" naiinis na sabi nito.
"Side effect ba 'yan ng pagbu----"
"Sshh!" saway niya bago pa nito masabi ang salitang
pagbubuntis."Eh, ano nga ba kasi ang meron?"
"Naku, ikaw, makukurot kita, eh. Matagal nang magkaibigan sina Prince Levin at Seven. Matalik na
magkaibigan. Therefore, parang pangalawang bansa na ni Seven ang Dushiana. Puwede siyang maglabas-masok doon nang walang problema."Kumabog ang dibdib ni Hillary. Napatitig siya sa kaibigan. "A-are you trying to say na..."
"I'm trying to say na kahit walang asawa si Seven,
makakapasok siya sa Dushiana. Na welcome siya roon. So, tell me, bakit kaya ipinaggitan niya na kailangan niya ng asawa? And why did he particularly chose you?""Na halos i-blackmail ka niya para lang maisama roon? Because he wanted to be with you. Dahil mahal ka niya! Minahal ka na niya sa Singapore pa lang."
Bumuka ang mga labi ni Hillary sa pagkamangha.
Kaya pala parang kilala ng lahat ng locals si Seven.Kaya pala pamilyar na pamilyar ito sa kaharian at parang alam na alam nito ang bawat kalye roon. Kaya pala marami itong alam na Dushianan words.
My God! Kung pakaiisipin niyang mabuti, marami gang palatandaan na nagsasabing labas-masok si Seven sa bansang iyon.
At napakaganda ng pakikitungo ng royal family kay
Seven.God! The signs were all there pero hindi man lang siya nagkaroon ng pagdududa. Pinaniwalaan at tinanggap niya ang sinabi ni Seven na nag-research lang daw ito nang maigi ng tungkol sa mga nalalaman nito sa bansang iyon.
"At ang business dealings na idinahilan niya? Well,
hear it out, my dear. Kalahating taon na ang nakakaraan nang maisara nila ang kontrata, kahit noong time na pumunta kayo roon, eh, noon pa lang talaga sisimulan ang project.""Oh!"
"Kung bakit kasi hindi natin naisipang mag-research
nang husto. So you see? Planado ang lahat! Isinama ka niya sa Dushiana dahil umaasa siya na matutunan mo siyang mahalin doon. Hillary mahal ka ni Seven!
Mahal ka niya kaya doon pa lang sa kasal ng kaibigan n'yo ay hindi ka na niya tinantanan. Pero dahil mailap ka, humanap siya ng ibang paraan para makasama ka.""Tapos, nagkataon na may controversy nga sa Dushiana, so there, iyon ang ginamit niyang dahilan. Quite a desperate move, if I may say so. No, not desperate. It was... romantic."
Napaiyak si Mikaella. "Alam kong siya ang kasama
mo sa... Ano gang bansa iyon? Dus... Dushiana? Ipinagpaalam ka niya. Na wala daw akong dapat ipag-alala dahil siya ang bahala sa 'yo roon. Na aalagaan ka niya... Mamahalin..." pag-alingawngaw sa tainga niya ng sinabi ng kanyang ina."Oh, my God."
All the pieces were falling into the right places.
Totoong mahal siya ni Seven. Totoo ang mga ipinakita at sinabi nito sa kanyang nanay.At siya, mahal din niya ito. Sa kabila ng takot niya ay mahal pa rin niya ang binata. Nangingibabaw iyon. Naghuhumiyaw. At alam ni Hillary na hindi niya iyon matatakasan. Hindi mababalewala. At sa ngayon ay alam niya kung ano ang dapat gawin...
Kailangan niya ng closure.
Closure sa kanyang ama, Magpapatawad siya at palalayain ang lahat ng pait sa kanyang puso. Lilinisin na niya ang galit na matagal na ring namamahay sa kalooban niya. And then she
would have a new life with Seven. Isang pamilya ang
bubuuin nila. Isang masaya at puno ng pagmamahalang pamilya.Susugal siya.
Mas mabuting sumugal kaysa habang-buhay na magsisi.
BINABASA MO ANG
The Remarkable Night
RomanceWala nang ibang nais si Hillary kundi ay ang tumanda nang hindi nag-iisa. At ang nakikita niyang sagot doon ay ang pagkakaroon ng anak. Pero may problema, wala siyang asawa o boyfriend man lang. Kaya nang minsang mapunta sa isang bar, pinatulan na...