Chapter 12

140 6 0
                                    

Damn it! mura ni Seven sa sarili.

"I... I'm sorry, Hindi ko alam..." nagsisising sabi niya habang panay ang marahang haplos sa likod nito.

"Sshh. I'm sorry..."

Patuloy ang paghikbi ni Mikaella kaya naman para din siyang tinatadyakan ng kabayo sa dibdib. Nang huminahon na ito at mawala ang paghikbi ay kumawala na ito sa mga bisig niya.

"Sana naman maging sensitive kana kahit papaano," anito bago tumalikod at humakbang paalis.

"Hillary," pagtawag niya. Lumingon naman ito, "My name is Seven. Seven Fuentes."

Ni walang ano mang reaksiyon mula sa dalaga. Binawi lang nito ang paningin at itinuloy na ang paglalakad.

Nahaplos ni Seven ang kanyang panga. Hindi pa nawawala sa paningin niya si Hillary nang matigilan siya. Kumunot ang kanyang noo.

He realized something, or at least, base sa naaalala niya ay hindi consistent ang sinabi nito sa nangyari nang gabing 'yon. Hillary was so firty then.

Ipagpalagay na nga na dulot iyon ng DRD, pero parang gusto naman ng dalaga ang ginawa nito. Hindi ito umakto na para bang nasa ilalim lang ng impluwensiya ng droga.

Ang isa pang hindi consistent ay ang pagtanggi nito noong maghanap siya ng proteksiyon. Sabi ni Hillary ay nagpapaturok diumano ito ng contraceptives, pero natuklasan niya na virgin pa ito.

It was really confusing...

Hindi kaya dahilan lang ni Hillary ang date rape drug? tanong niya sa sarili.

But her tears were sincere! Muli niyang sinulyapan ang papalayong pigura ni Hillary. Ah, one thing was for sure. Hindi doon maghihiwalay ang landas nila.

"Kailangan mo na ba talagang umuwi ngayon?" tanong kay Hillary ni Johanna nang hilahin niya ito sa isang tabi para magpaalam. Kasalukuyan nang nagsasayawan ang mga bisita.

"Oo, eh. Maaga pa rin kasi ang balik ko sa Maynila bukas,'' aniya. Mabilis na rin siyang nakapagpaalam sa mga kaibigan.

"Eh, di dito kana lang manggaling," pangungumbinsi pa ni Johanna.

"Dito kana mag-overnight, tapos bukas deretso ka na sa Maynila. At---"

Sinundan niya ng tingin ang tumawag sa atensiyon nito. Si Sebastian. Mukhang may hinahanap.

"Hey, Sebastian, si Wendy ba ang hinahanap mo?"
Lumapit sa kanila si Sebastian.

"Ah, ye-es, No. Bakit ko naman siya hahanapin?" defensive na sabi nito pero agad din namang kumambiyo at nagbago ng tono.

"I mean, hindi siya ang hinahanap ko kundi ang bandmates ko."

Nagpalitan sila ng tingin ni Johanna. "Oh, okay."

"Uuwi ka na, Hillary?" tanong ni Sebastian sa kanya, Palinga-linga ito, Mukhang hindi mapalagay. He was clearly in denial. Hindi lang niya alam kung bakit hindi nito maamin na si Wendy ang hinahanap.

"Yes. Kailangan ko ding umuwi ngayon."

"You take care, ha. Pa'no, I'll go check my bandmates. Baka nagpapakalasing na ang mga 'yon." Tumango ito.

Hinagkan ni Sebastian ang pingi niya bago ito umalis.

"Anyway, thank you, ha? Ang galing mo pa rint alagang kumata. Salamat sa inyo ng band mo." ani Johanna.

"It's nothing, ikaw pa ba? Thank you also, Hanna." Tawag nito kay Johanna.

Nakatalikod na itong kumaway sa kanilang dalawa.

"Alam mo, bagay talaga sila ni Wendy." Si Johanna.

"Pareho tayo ng iniisip," pagsang-ayon niya.

"Johanna, kailangan ko na rin talagang umalis, " muling pamamaalam niya.

"Hmm. Mukhang hindi ka na talaga matitigilan. O, siya, sige-teka, at magpapabalot ako ng pagkain para sa nanay mo."

"Hindi na. Siguradong tulog na si Inay. Isa pa, may handaan din sa mga pinsan ko dahil sa birthday ng isa kong pamangkin. Thank you, ha. And congratulations uli."

"Thank you. Ay, muntikan ko nang makalimutan. Naging mapanukso ang ngiti ni Johanna.

"Si Seven Fuentes, kaibigan siya ng asawa ko. Mukhang interesado siya sa 'yo. Marami siyang tinanong tungkol sa 'yo. Nagkakilala na ba kayo?"

Oh, no! Oh, no!

"Ah, oo, dati nagkakilala na kami. O, paano, I've got to go."

"Ah... O-oo. Yeah, n-nagkakilala." Hindi na nakapagprotesta pa ang bride dahil may sumundo na rito. Nagbeso-beso silang dalawa.

Nang makaalis si Johanna ay tumawag naman siya ng isang staff ng resort. "I'm wondering kung kasama sa package ang vehicle service para sa mga guest na hindi mag-o-overnight? No. Kahit ako na ang bahala sa bayad. Magpapahatid sana ako sa terminal."

"Ipapaalam ko po sa management, Ma'am, so we can make proper arrangements," sagot nito.

"Thank---"

Hindi na naituloy ni Hillary ang sinasabi dahil napansin na niya si Seven, nakatayo at nakasandal sa isang poste na malapit sa kanila.

Nakatingin sa kanya ang hudyo. Ano ba ito, stalker? Shit! Hindi ba talaga ako titigilan ng lalaking ito? Akala ko pa naman pagkatapos kong magdrama sa harap niya, titigilan na niya ako.

"Ako na ang bahala kay Miss Esquivel. Sa akin na siya sasabay," sabi ni Seven, sa kanya nakatingin.

Naiinis na umiling si Hillary. "Hindi," mariin niyang tanggi bago binalingan ang staff.

"Sige na. Pakiayos na lang ng service ninyo. Sa akin na siya sasabay," sabi uli ni Seven sa staff habang lumalapit. May hindi maipagkakailang awtoridad sa boses nito.

"Rest assured na ligtas sa akin si Miss Esquivel. Kung may mangyaring masama sa kanya ngayong gabi, ako ang ituro mo sa mga pulis. Seven Fuentes ang pangalan ko, kaibigan ako ng groom. Puwede mong kumpirmahin sa guest list.”

"Okay, Sir. Sige po, Ma'am."

"Ha? Teka." Pero hindi na lumingon ang staff.

Binalingan ni Hillary si Seven, pinanlakihan ng mga
mata. "Ano sa palagay mo ang ginagawa mo?"

"I'm offering you a ride," kaswal na sagot nito.

Umiling siya. "Hindi ka nag-aalok, nangha-harass ka!" nanggigigil na pambabara niya sa lalaki.

"Hindi na. Salamat na lang. I can manage." Tinalikuran niya ito at naglakad palayo.

"Oh, come on," palatak ni Seven habang umaagapay sa lakad niya. Nang hawakan nito ang braso niya ay malakas na ipiniksi niya iyon. Kahit naiinis siya rito,
hindi naman niya maikakaila na may kakaibang init na nanunulay sa balat niya mula rito tuwing nagdidikit ang mga balat nila. What the hell was that?

"Hindi ka makakasakay sa alin mang sasakyan palabas ng resort na ito, maliban sa sasakyan ko. Iyon ang sisiguruhin ko."

"What?" napapantastikuhang bulalas niya.
Pinamaywangan niya ito.

"Sino ka ba sa palagay mo?" mataray niyang tanong. "Bakit ba hindi mo na lang ako hayaan?"

A wicked smile appeared on his lips. God! Bakit parang lumalakas ang appeal ng lalaking ito sa ganoong klase ng ngiti?

"I will not leave you alone."

Kinilabutan siya sa determinasyong kaakibat niyon. Ang akala pa naman niya ay titigilan na siya ng lalaki
pagkatapos niyang palabasin na biktima siya.

The Remarkable NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon