Chapter 11

138 7 0
                                    

Dahil sa inis ay lumabas si Hillary ng pavilion. Lumayo muna sa kasiyahan. Nagpunta siya sa dalampasigan, hinubad ang sandals niya bago naglakad nang naglakad.

Kumakalat na ang dilim sa paligid pero sa tulong ng
mga ilaw sa lang poste ay nananatiling maliwanag ang paligid. Nang humina na sa wakas sa kanyang pandinig ang kasiyahang nagaganap, palatandaan na malayo-layo na siya, ay naupo na siya sa tuyong buhangin.

Gusto sana niyang maglublob ng mga paa at hayaang mabasa ang laylayan ng kanyang damit kaya lang ay wala siyang dalang pamalit. Hindi naman kasi niya planong mag- overnight.

Balak din niyang umuwi pagkatapos ng reception. Ibinaba niya sa buhangin ang ilang piraso ng bulaklak na nakuha sa pakikipag-agawan sa bouquet.

Nakakuha siya ng ilang piraso ng rosas, orchids, at lilacs. Napailing-iling siya.

Really? Silang tatlo na magkakaibigan ang naghati-hati sa bouquet? Kung ganoon, ano ang ibig sabihin niyon? Na silang tatlo ang sunod na ikakasal?

Eh, hindi naman buong bouquet ang nakuha nila, ah. At saka hindi naman siya magpapakasal. Hindi ngayon. Hindi sa nalalapit na hinaharap. Hindi kahit kailan.

At hindi mababago ang pasya niya dahil lang nakakuha siya ng parte ng wedding bouquet. Pinagtabi niya ang mga nakatiklop na binti at niyakap yon habang ang kanyang baba ay nakatuon sa magkadikit na tuhod.

Lumalamig na ang hangin pero nananatiling kalmado ang dagat. Kabaligtaran ng nararamdaman niya.

Sana hindi na lang ako pumunta dito. Hindi sana
kami nagkita ng lalaking 'yon. No. Hindi ko na lang sana pinasok ang punot dulo ng problema ko.

God. Paano ko ba sosolusyunan ito?

"Sabi ko, bring me the flowers, 'di ba?"

Napakislot si Hillary sa buo at siguradong boses na 'yon. Hindi na niya kailangang lumingon para alamin kung sino ang may-ari ng boses. Nasundan siya ng lalaki roon, ibig sabihin ay nakasunod sa kanya ang mga mata nito. Mariin siyang pumikit at piniling huwag itong pansinin.

"Hey, are you okay? Nasaktan ka ba kanina? During the bouquet throwing, I mean. Kung alam ko lang na
ganoon ang mangyayari, hindi na sana kita pinasama"
.
Nasorpresa si Hillary sa pag-aalalang kaakibat niyon. Parang gusto niyang kilabutan. He was so commanding and arrogant. Brusko.

Hindi niya alam na kaya rin nitong maging caring.

Really, Hillary? nakaismid na tanong sa kanya ng isang bahagi ng isip. Hindi ba ipinamalas na niya ang pagiging caring niya noong gabing 'yon na nadiskubre niyang virgin ka pa. Remember?

"Malamig na ang simoy ng hangin," sabi pa nito at naramdaman na lang ni Hillary ang pagpatong sa
likod niya ng isang coat.

Taglay niyon ang amoy ng lalaki. Mabango at may urge sa dibdib niya na punuin ng amoy niyon ang kanyang mga baga. Nilingon niya ang lalaki kahit hindi, na siya nag-abala pa na tanggalin ang coat.

"Ako nga 'yong, ang babaeng naka-one-night stand mo. Masaya ka na?" matapang na sabi niya.

Hindi ngumiti ang lalaki. Lumuhod ito. Before she knew it, iniipit na nito sa likod ng tainga niya ang mga hibla ng buhok na nawala sa pagkaka-pin sa naganap na giyera kanina.

Giyera ng mga dalagang nagnanais na maangkin ang bouquet. Pakiramdam nga niya ay may humila pa sa buhok niya kanina.

Habang ginagawa iyon ng lalaki ay nakatitig ito sa kanya. Hillary gathered together her shaken wits. Tinabig niya ang kamay nito, pagkatapos ay dinampot ang mga bulaklak na nakuha kanina at ipinukol sa dibdib ng lalaki.

"'Yan ang bulaklak mo!" Bago tuluyang malaglag sa buhangin ang mga bulaklak ay nasalo 'yon ng lalaki.

Ibinalik na ni Hillary ang paningin sa dagat. "So
what now? Plano mong ipagkalat ang nangyari? Sige, gawin mo na," matapang niyang saad. May na-realize
siya. Maaari ngang dominante at arogante ang lalaki pero mukha ring kagalang-galang. Mukhang prominente. Parang may iniingatan din itong reputasyon at pangalan.

"Sige, ipagkalat mo ang nangyari at sinisiguro ko sa 'yo na kakaladkarin ko rin ang pangalan mo."

"I'm wondering why did---" Sa halip ay sagot nito sa kanya.

"Why I did that? You're wondering why I did that gayong virgin pa ako?!" putol niya, paangil. Mabilis na gumana ang isipan niya.

"Dahil may naglagay ng date rape drug sa inumin ko!"

"What?!"

Halos magdiwang ang kalooban ni Mikaella nang mag-isang-linya ang mga kilay ng lalaki. He looked so bothered. Totoo naman na may naglagay ng  date rape drug sa inumin niya. Iyon nga lang, may permiso niya. At hindi naman niya pinagsisihan iyon.

Well, not until now. Dahil kung maibabalik lang ang panahon at alamniyang maghahatid lang pala ng problema sa kanya ang lalaking ito, hindi sana ito ang pinili niya.

Kaya lang kasi, ang lalaking ito lang talaga ang pumukaw sa kanyang atensiyon. Hindi lang atensiyon niya ang napukaw kundi ang imahinasyon at sensuwalidad.

"Alam mo kung ano ang epekto ng gamot na iyon, 'di ba? Hindi ko na makontrol ang sarili ko. There is suddenly an overwhelming itch that needs scrathing. Kaya ayun, I flirted with you!" Alangan namang sabihin niya na gusto niyang mabuntis kaya niya ginawa iyon.

No. Hindi nito kailanman malalaman ang tunay niyang intensiyon. Kailangan niyang sabihin na nakainom lang siya ng DRD para huwag na siyang guluhin pa nito.

"Para akong mababang klase ng babae na lumingkis-lingkis sa 'yo dahil hindi ko makontrol ang sarili kong katawan.

Pinagbuti ni Hillary ang pag-arte. Inisip niya,ini-internalize ang mga pinagdaanan ng kanyang ina sa piling ng tatay niya, ang mga paghihirap nito, ang mga pasakit, ang mga luhang tumulo.

Presto! Sunod-sunod na tumulo ang mga luha niya. Biktima siya, iyon ang dapat na lumabas.

Nagimbal si Seven.

So that was it. Alam na niya ang sagot sa tanong na gumugulo sa isipan.  Sa tanong na kung bakit nagawa ni Hillary ang bagay na iyon gayong virgin pa ito.

Naiintindihan na niya, Alam niya kung ano ang epekto ng date rape drug. Kahit ang pinakamahiyaing babae ay magiging wild sa gamot na iyon.

Nang umagang 'yon na gumising siya sa kanyang hotel suite at makitang wala na ang babae ay hindi matatawarang kahungkagan ang pumuno sa kanyang puso.

Para bang may dinala itong parte ng pagkatao niya. Bumalik pa nga siya sa bar sa pag-asam na makita uli ito dahil may mga tanong na gusto niyang mabigyan ng kasagutan.

At kung bakit nakilala agad niya ito kanina?

Dahil ang mukha nito ay nakaukit na sa kanyang isipan.

"Get out of here,"  sabi ni Hillary, umiyak.

"No," aniya. At sa isang iglap ay ikinulong niya ito sa kanyang mga bisig. Nagpumiglas si Hillary. Pero
hindi siya pumayag na makawala ito. Hanggang sa unti-unting nanghina ang pagpupumiglas.

Inutusan niya si Hillary na makuha dapat nito ang bouquet sa dahilan na gusto lang niya itong tantiyahin.

Yes, he wanted to test the waters. Matapang kasi ang babae at matigas kaya gusto niyang malaman kung mapapasunod ba niya ito. Kung naba-bother ba niya ito. Kung may epekto siya. Hindi naman niya alam na
ganoon pala ang kuwento ni Hillary.

"You bastard. Pinipilit kong kalimutan ang bangungot na iyon ng buhay ko. Tapos heto ka, akala mo kung sinong napakayabang na uungkatin 'yon!  How dare you!"

The Remarkable NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon