Chapter 36

110 5 0
                                    

"H-Hillary..." may pananabik na sabi ni Seven, kumikislap ang nanunubig na mga mata.

Alam ni Hillary na luha iyon, naiipong luha. Parang
kinokontrol nito ang sarili na huwag tawirin ang
distansiyang naghihiwalay sa kanilang dalawa.

"I... ah..." Hindi mahagilap ni Hillary ang boses.

Nangingilid ang mga luha sa mga mata. Ngayon niya
lubusang na-realize kung gaano niya pinananabikan
si Seven. Gusto niya itong yakapin nang mahigpit at
sabihing handa na siyang sumugal. Na na-realize niya na mas wala siyang katahimikan noong mawalay siya sa binata.

Tuluyang tumulo ang mga luha niya. "C-Chloe d-dragged me here," sabi niya sa kawalan ng sasabihin.

Kinagat niya ang dila para makontrol kahit paano ang emosyon. Pero nabigo siya dahil hindi naawat ang kanyang mga luha.

"Pinakiusapan ko siyang gawin iyon," sagot ni Seven, taas-baba ang Adam's apple.

Napakaguwapo nito sa suot na three-piece suit. And God! The emotion in his eyes was taking her breath away. Dahil sa mga matang 'yon ay nasisilip niya ang laman ng puso ng binata.

Mahal siya nito. Mahal na mahal.

Marahang humakbang si Seven, tinawid ang distansiyang naglalayo sa kanila. Hindi alam ni Hillary kung ano ang gagawin. Ang mga mata niya ay patuloy lang sa pagpapakawala ng hindi mapigil na mga luha.

Nang nasa harap na niya si Seven ay tumaas ang kamay nito at masuyong pinahid ang kanyang mga luha. Hindi niya 'yon tinutulan. Ang tanging iniinda lang niya ay ang pagmamahal at pangungulilang nararamdaman para kay Seven.

"Alam mo ba kung bakit kinutsaba ko si Chloe na
dalhin ka rito?"

"Bakit nga ba?"'tanong niya, nagdarasal na sana ay
'yon na ang tamang pagkakataon para magkaayos na
sila.

Wala na siyang pakialam kung sila na ang sentro ng
atensiyon sa exhibit na iyon, o kung parang nanonood ng shooting ang mga taong nakapaligid sa kanila. Gusto niyang sabihin kay Seven na mahal niya ito.

Na handa na siyang sumugal. Na sana ay huwag itong sumuko sa kanya.

"Dahil sutil ang puso ko, Hillary," mahinang sabi nito habang magkaugnay ang kanilang mga mata.

"Matigas ang ulo ko. I promised you that  I'll avoid every road that leads to you. Pero hindi ko kaya. Hindi ko mapaglabanan ang kagustuhan ng puso ko na matanaw ka kahit sa malayo. Hindi ako pinatatahimik ng puso ko, Hillary. Gusto niyang huwag kitang sukuan."

Oh, thank God! Thank God!

Lalo siyang napaiyak dahil sa narinig. Para iyong mga boses ng isang mahika. Para iyong tunog ng kampana na kumalma sa pagdududa niya. Ang pag-asa at pagmamahal ay tuluyang namukadkad sa kanyang puso.

Hindi siya sinukuan ni Seven.

Alam niya sa kanyang puso na hindi talaga siya susukuan ng binata. May bukas na naghihintay sa kanila. Isang maliwanag, masaya, at puno ng pagmamahal na hinaharap.

Sinisikap ni Seveb na pigilin ang mga luha. But the
emotion in his handsome face was unmistakable.

"N-na kung kinakailangang paulit-ulit kong buksan ang puso ko sa 'yo, kung kinakailangang paulit-ulit kong isigaw ang pagmamahal ko para sa'yo... gagawin ko,"  basag ang boses na pagpapatuloy nito.

"Mahal kita, Hillary Esquivel. At hinding-hindi kita susukuan. Never. Kahit magmukha akong tanga, kahit paulit-ulit akong mabigo..."

Na-realize ni Hillary na mahirap palang isalin sa salita ang damdamin niya. Kaya pinili niya ang
mas epektibong paraan para maipakita ang sariling
damdamin.

Tinawid niya ang distansiyang natitira sa pagitan nila ni Seven. Parang may sariling isip ang mga daliri niya na pumaloob sa buhok ng binata at kumapit doon.

Pagkatapos ay umabante ang mukha niya at inangkin ang mga labi nito.

Buong puso na tinanggap ni Seven ang mga labi niya.

Mapang-angkin at sabik na pumulupot ang mga
braso nito sa kanyang katawan at hinapit siya. Para
sa binata, sapat na ang ginawa niya bilang sagot sa
damdaming inihain muli nito.

They kissed passionately.

Hillary  breathed in the scent of him, the warmth, and the need. His kisses were intoxicating and she wanted him, knew she always had.

Kung hindi pa sa masigabong palakpakan na narinig
niya ay tuluyan na marahil natangay si Hillary sa
mainit na sandaling iyon.

"Oh, God!" Nahihiyang sumubsob siya sa leeg ni Seven, pilit nagsumiksik sa pagitan ng balikat at ulo nito.

"D-damn you for putting me into this," nagbibirong usal niya.

Tumawa si Seven. Humigpit ang yakap nito sa kanya na ginantihan din niya ng mas mahigpit na yakap.
Pagkatapos ay naramdaman niyang dinampian ng halik ni Seveb ang kanyang ulo.

Tiningala niya ang binata. Sa loob ng ilang sandali
ay magkahinang ang mga mata nila, nag-uusap sa
mga lengguwaheng sila lang ang nagkakaintindihan.

Napakasaya niya.

Sobrang saya na pakiramdam niya ay wala na siyang mahihiling pa.

"I love you," usal niya kasabay ng muling pagpatak ng mga luha.

Namula ang mga mata ni Seven, naipon doon
ang mga luha.

"I love you more. I love you so much."

Hinawakan nito ang kamay niya. Buong-pusong
tinanggap naman niya ang pagsasalikop ng mga daliri nila.

"Umalis na tayo dito..."

"Please," pagsang-ayon niya.

At magkahawak-kamay na tumakbo sila palabas ng lugar na iyon.

The Remarkable NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon