Chapter 10

144 7 0
                                    

Pabalik na si Hillary sa kanilang mesa nang salubungin siya ni Vivian. "Hillary, there you are. Naaalala mo si Valentin Wilford? Kaklase din ninyo at kaibigan ni Sebastian.

Valentin Wilford? Pilit inalala ni Hillary kung sino
si Valentin at kung ano ang hitsura nito. Nang maalala ay isa nga pala ito sa mga heartthrob sa klase nila noon.

"Yeah. Naaalala ko siya."

"Siya kasi ang nakakuha ng garter," pagbabalita nito.

"Oh," matipid niyang sagot. Hindi pa niya nakikita sa okasyon ang lalaki.

"Ngayon naman tinatawag na ang mga dalaga. Halika na. Maghahagis na ng bouquet! Sumali tayo," excited na sabi ni Vivian.

Oh? Pagkatapos ng engkuwentro ni Hillary sa napakayabang na lalaking ion ay lalo siyang walang maunawaan sa nangyayari sa paligid.

Ni hindi rumerehistro sa pandinig niya ang sinasabi ng emcee dahil paulit-ulit na umaalingawngaw sa isipan niya ang mga sinabi ng lalaki. Kung may pakpak lang siya ay baka kanina pa siya nakalipad palayo.

Hell! Kung sana ay hindi na lang siya um-attend, hindi sana nagsalubong ang landas nila ng lalaking iyon.

"Kayo na lang," pilit ang ngiti na pagtanggi niya. Ngiti na nauwi sa pagngiwi nang pumasok sa isip ang banta ng lalaki.

Kapag hindi niya nakuha ang bouquet ay guguluhin nito ang buhay niya. May balak yata ito na ipagkalat ang sekreto niya.

"Hindi lang ako basta nagbibitiw ng banta, sweetheart. I walk the talk. I. Always. Walk. The. Talk," sabi pa nito.

"Sige na. Katuwaan lang naman," ani Vivian.

Kapag pumunta ako doon, isipin ng lalaking 'yon na kayang-kaya niya akong pasunurin. Na inaamin ko nga na ako ang babaeng iyon. But then, hindi pa ba obvious sa naging reaksiyon ko ang kumpirmasyon na ako nga iyon?

Kapag hindi naman ako nakisalo ng bouquet, baka maging sakit pa sa ulo ang lalaking 'yon at totohanin ang banta niya.

He talked so sure pa naman. God! Ano ba itong napasukan ko? himutok niya.

Maingat na tinimbang ni Hillary ang sitwasyon. Hindi puwedeng mag-walk out na lang siya dahil baka naitanong na ng lalaki kay Johanna ang mga impormasyon tungkol sa kanya. Hindi nga ba at alam na nito ang pangalan niya?

"Sige na nga," aniya kay Vivian na mukhang hindi rin pupunta sa pavilion kung hindi siya kasama.

Nagkaipon-ipon na ang mga dalaga. Agad ding namataan ni Hillary sina Wendy at Sienna.
Composed at refined ang kilos ng dalawa, pero ang galaw ng mga mata ang nagbigay sa mga ito. They were keenly focused on catching the bouquet.

Bahagyang tumaas ang kilay ni Hillary dahil doon.

Talaga, makikipag-agawan din ang dalawa ng bouquet? Naniniwala rin ang mga ito na kung sino ang makakasalo ng bouquet ang sunod na ikakasal?

Wait, ibig bang sabihin ay gusto na ring ikasal nina Wendy at Sienna? Ang akala pa naman niya ay nag-e-enjoy ang mga kaibigan sa kanya-kanyang career.

Ah, bakit ba idinadagdag ko pa sila sa isipin ko?

"Dito tayo sa may harap, Hillary," sabi ni Vivian. At pumuwesto nga sila sa harap. Bahagyang nginitian
ni Hillary ang mga kaibigan na para bang nagtataas din ng kilay kung bakit siya naroon.

"Okay! Mukhang handa na ang ating mga single ladies," malakas ang boses na sabi ng emcee.

"Remember, ladies. The one who gets the wedding bouquet, will be the next to get married. Sino kaya ang makakasalo?"

Lumingon ang bride sa kanila, humagikgik pagkatapos ay kinindatan si Hillary.

Ah, oo nga pala, sinabi nga pala Johanna na ihahagis nito ang bouquet sa direksiyon niya.

"Huwag na nating patagalin pa ito. Mrs. Thompson, are you ready?" Nag-thumbs-up si Johanna bilang sagot.

"Okay. Here we go... One... two..."

Tumahip ang dibdib ni Hillary. Ni sa hinagap ay hindi pumasok sa imahinasyon niya na makikisalo siya ng bouquet.

Wala nga siyang tinanguan na imbitasyon para maging abay, mapakaibigan o kamag-anak man ang ikakasal. Pero dahil sa aroganteng lalaking iyon ay heto siya ngayon, isa sa mga babaeng nag- aabang sa bouquet.

Oh, well, labag naman sa loob niya ang gagawin. Napipilitan lang siya.

"Three!''

Inihagis ng bride ang bouquet. Parang slow motion na nakita ni Hillary ang paglalayag niyon sa ere papunta sa umpukan nila.

Lumunok siya. Gusto nang tumaas ng mga kamay niya para abutin ang bulaklak. Ang mga paa niya ay tumitingkayad na para bigyan siya ng karagdagang taas.

Hanggang sa maramdaman niya ang gitgitan na unti-unting nagging mapuwersa. To her horror, nagkakaroon na ng sikuhan at balyahan.

Mukhang lahat ay handang maging marahas makuha lang ang bouquet.

"Aw." Napangiwi na lang si Hillary  nang masiksik
na siya.

Shit! Kailangan ko ang bouquet na 'yan! Hindi dahil gusto kong makasal, kundi dahil sa lalaking iyon!

Naging mapuwersa na rin siya. Hanggang sa mahawakan na niya ang bouquet. Pero hindi lang siya ang nakakuha niyon, maraming kamay. At sa sabay-sabay na paghila para angkinin iyon, nawala sa pagkakabigkis ang bouquet at...

"What the---" Si Wendy na mukhang gulat na gulat din sa nangyari ay may hawak na mga bulaklak, mahigpit na hawak iyon.

At si Sienna... Nasa lapag si Vivian at... hawak din ang
parte nito ng bulaklak?

Napatingin si Hillary sa kamay niya, meron din siya.

Silang tatlo ang naghati-hati sa bouquet?! What
the hell?!

Isang waiter ang maagap na umalalay kay Wendy para tumayo. Nagkatinginan silang tatlo. Nagpapakiramdaman. Pagkatapos ay nagkakaisang natawa sa nangyari.

"What the hell!" sabi ni Wendy.

"Kamuntik n'yo na akong pilayan."

Ah, hindi ako ang tumulak sa yo, ha, she thought.
Hindi nga ba siya? Hindi talaga niya matandaan. Basta ginawa niya ang lahat para ma-dominate ang labang iyon.

"Well, sa tingin ko may tatlong mapapalad na dalaga ang susunod na makakatagpo ng kani-kanilang better half soon," natatawa ring sabi ni Johanna. Halatang nasisiyahan talaga ito sa nangyari.

"My best wishes to you, guys..."

"Tatlo! Tatlo na naggagandahang dilag," natutuwa ding announce ng babaeng emcee.

"Paano 'yan? Iisa lang ang garter?” Malakas itong natawa.

Sumagot ang kapareha nitong lalaki. "Okay, ganito na lang ang gawin natin. Magbubunutan uli ng stick ang mga binata para sa dalawa pang---"

Nahinto ang emcee sa gustong sabihin nang magtaas si Sienna ng kamay. "Ahm... I'm out, please. I had a bad fall, you know. Thank you."

"Oh, okay, Miss. Understandable. So let's excuse
her."

"I'm... I'm out, too," agad na segunda ni Hillary nang makaalis si Sienna.

"M-medyo sumakit ang ulo ko sa naging digmaan namin. Grabe. This is something. Kind of epic, yeah?" Hinaluan niya ng biro ang boses kahit na nga ba hindi siya sigurado kung kaswal ba iyong lumabas.

Hindi na siya naghintay ng kumpirmasyon sa pagtanggi niya. Umalis na siya.

The Remarkable NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon