"Oh, my God! I'm sorry!" Lumarawan ang guilt sa mukha nito bago hindi magkandatutong humugot ng panyo sa bulsa nito at pinahid ang----teka, ano ang
pinapahid nito sa mukha niya? Luha?Saka lang niya na-realize na nanlalabo pala ang mga mata niya dahil sa luha. Oh. Hindi aware si Hillary na umiyak na pala siya.
"God. I'm sorry. Patawarin mo ako." Hinapit siya
ni Seven at niyakap."Hindi ko sinasadyang saktan ka. Patawarin mo ako," nahihirapang sabi nito.
Kumawala si Mikaella." U-umalis ka na,'' malamig niyang sabi. Nagagalit siya sa sarili. Nadala siya sa halik ni Seven. May pagkakataon siya para makawala, para maipagtanggol ang sarili pero hindi niya ginawa. Mas nangibabaw ang tawag ng pagnanasa, ang resulta ng mga pagkakataong sumasagi ito sa isipan niya, lalo na sa gabing nag-iisa siya at nalulungkot. Salamat sa luha na nagsalba sa kanya sa sitwasyong iyon.
"Mag-usap tayo... Pakinggan mo naman ang panig
ko. I'm just desperate and I... I crazily thought that
blackmailing you is my last resort. Nauubusan na kasi ako ng oras," pakiusap nito."Damn it!" pagmumura pa nito.
Alam niyang para 'yon sa sarili nito at hindi para
sa kanya. Hindi maipagkakaila ang frustration sa mukha ng binata."Oh, Hillary. I'm sorry..."
"Bigyan mo siya ng pagkakataong magpaliwanag. Baka naman may rason talaga kaya nagsiguro na siya.
Really? Thrilled akong malaman ang rason niya.
"Kapag alam mo na ang buong kuwento at hindi ka pa rin sang-ayon then... well, hindi ko pa alam kung paano pero tutulungan kita para hindi ka na niya guluhin pa. Though mukhang mahihirapan tayo sa bagay na 'yan." Iyon ang payo kay Hillary ni Chloe.
At napadali ang pagdedesisyon niya nang sa tulong ni Chloe ay malaman nila na may nakarehistro ngang kasal sa pagitan nina Seven Fuentes at Hillary Esquivel. Nag-iwan si Seven sa kanya ng number sakaling handa na raw siyang makipag-usap.
Tinawagan niya ito kanina at sinabihang magkita
sila sa Mendoza's coffee shop after office hours.Ngayon ay magkaharap na sila.
"Ayaw mo bang um-order ng pam-partner sa kape
mo? Pasta, cake, or---"Matalim ang tinging ibinato niya kay Seven. Kumukulo ang dugo niya sa sobrang galit sa ginawa nito. Sino ang matutuwa? Ang bagay na pinakaayaw-ayaw niyang mangyari ay naganap nang wala siyang kamalay-malay.
Ikinasal' siya. All courtesy of the king of manipulation, Seven Fuentes. Nagngalit ang mga ngipin niya. Malapit na niyang kunin ang tasa ng mainit na kape at isaboy sa lalaking ito na akala mo kung sino.
"Sabihin mo na ang dapat mong sabihin bago pa ako um-order ng isang set ng kutsilyo na itatarak sa katawan mo."
"Whoa. Okay. Tulad ng sinabi ko, nagmamay-ari ako ng isang software company. Nabanggit ko na rin ba na nagmamay-ari ng computer manufacturing company ang pamilya ko? Tatong buwan na ang nakararaan nang sumali kami sa isang bidding. One month ago, nakatanggap ako ng balita na kami ang front-runner sa naganap na bidding. I was also told na isang lang ang puwedeng maging problema para hindi kami ang mapili. At iyon ay ang pagiging single ko.”
"What?" napapantastikuhang bulalas niya.
"Kailan pa naging problema ang status ng isang tao sa isang business dealing? Nobody can make a decision like that!"
"Narinig mo na ba ang bansang Dushiana?"
Umiling siya."No."
Inilabas ni Seven mula sa folder na dala ang isang
bond paper at ipinatong iyon sa harap niya. Isang mapa.
BINABASA MO ANG
The Remarkable Night
RomanceWala nang ibang nais si Hillary kundi ay ang tumanda nang hindi nag-iisa. At ang nakikita niyang sagot doon ay ang pagkakaroon ng anak. Pero may problema, wala siyang asawa o boyfriend man lang. Kaya nang minsang mapunta sa isang bar, pinatulan na...