Chapter 26

115 4 0
                                    

"Drive me wild, sweetheart." walang pagdadalawang-isip na sabi niya.

"Gagawin ko," determinadong sabi nito.

Mula sa nililikom na mga papel, nag-angat ng mukha
si Hillary at binato ng tingin ang direksiyon ni Seven.

Lumingon si Seven na parang naramdaman ang titig
niya. At sa hindi na mabilang na pagkakataon ay nagsalo sila sa maiinit na tingin at nag-aalalang ngiti.

Nagising silang masaya at kuntento kanina. Kahit hindi pinag-uusapan ang naganap na pagtatalik, parang wala namang problema sa parehong panig nila. Kakatwa na walang ilangan, walang iwasan, walang batuhan ng mga pag-aakusa at angil. Sa halip ay para silang nasa alapaap na inakyat nila kagabi at hindi pa nakakababa.

Nagkakahulihan silang nakatitig sa isat isa at imbes na mailang, nauuwi sa pagngiti at pag-uusap ng mga mata ang eksena.

The sexual tension didn't stop.

Para bang hinihigop nila ang isa't isa at sa sandaling makakuha ng pribadong sandali ay wala silang gagawin kundi punan ang pagnanasang nararamdaman sa isa't isa.

Isinama siya ni Seven sa trabaho para daw hindi siya
mainip sa bahay. Basically, parang nagsu-supervise lang si Seven sa mga locals---na napag-alaman niyang mga guro sa paggamit ng computers at ang mga programme niyon. Sumasagot ang binata sa mga tanong at nag-a-assist din. Siya naman ay pinagpi-fill-up nito ng mga data, Alam niya na hindi lang dahil sa tangkad, sa kulay, at sa hitsura kaya nangingibabaw si Seven. He really had undeniably strong aura. Mangingibabaw ito saan man o kanino man ihalo.

Nang dumating ang break, agad tinungo ni Seven
ang direksiyon ni Gillary. Ang paghakbang nito ay
malalaki at nagmamadali.

"Mali yata na isinama kita rito," sabi nito bago itinukod ang mga kamay sa ibabaw  ng mesa.

"Dini-distract mo ako," akusa nito.

Natawa siya. "Ikaw nga ang tingin nang tingin sa
akin," kunwari ay balewalang sabi niya bago yumuko
at ibinalik ang paningin sa mga inaayos na papel. Ginawa niya iyon para itago ang malawak na ngiti at
nagniningning na mga mata.

Naupo si Seven sa gilid ng desk. Hinawakan nito ang kamay niya at hindi iyon binitiwan. "Dahil
napakaganda mo. At hindi lang ako ang tingin nang
tingin sa'yo, maging sila. Kung liberated lang ang mga
to rito, I swear kukunin ko ang bawat tiyansang makita ko... and kiss you senseless."

Nag-init ang mga pisngi ni Hillary, lalo na nang
paglaruan ni Seven ang kamay niya sa napakaerotikong paraan. The sexual insinuation was unmistakable.

"S-Seven..."

"Hillary..." sagot nito. Same passion, same longing.

"Itigil mo ang ginagawa mo. Bago pa tayo makagawa
ng eskandalo rito." Seven chuckled.

"Tama ka." 

Pero bago nito binitiwan ang kamay niya ay dinala muna iyon sa mga labi at dinampian ng halik habang nakatingin sa kanya "Masaya ako, Napakasaya, Ikaw?"

"Hindi kita inaaway, 'di ba?" nangingiting sabiniya dito.

"Masaya rin ako." Na totoo naman. Masaya siya, kuntento. Pakiramdam na noon lang niya naranasan.

"Are you in for some thrill later tonight?" mayamaya
ay tanong nito. Ang pilyong kislap ng mga mata ay
nagsusuhestiyon ng isang mainit na eksena.

"What kind of thrill?" puno ng kuryosidad na tanong niya.

"Mamili ka, sa beach, o sa loob ng sasakyan?"

"Para saan---" Agad din naman siyang natigilan
nang makuha ang ipinahihiwatig nito.

The Remarkable NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon