May kahinhinang bumaba si Selene mula sa kaniyang puting Toyota Camry nang makumpirma niyang hindi na nga nakakandado ang bahay ng kaniyang Mama Clarisse.
Dapat sana'y nasa meeting siya ngayon kasama ng kaniyang creative team dahil puspusan na ang paghahanda nila para sa nalalapit na launch ng panibagong collection ng kaniyang jewelry company. Pero nagmadali siyang pumunta rito, dahil sa pag-aalala, nang malaman niyang nakauwi na pala mula sa United States ang kaniyang biyenan.
Oo, kahit matagal na silang tapos ni Dale at kahit na-grant na ang kanilang annulment maglilimang taon na ang nakakaraan ay nanatili pa ring mag-biyenan ang turingan nila ni Mama Clarisse. Hindi kasi siya nito iniwan at pinabayaan kahit pa noong nasa pinakamadilim na parte siya ng buhay niya. Kaya nandito rin siya ngayon para sa kaniya.
Nagtuloy-tuloy agad siyang pumasok sa loob ng gate nang mapansin niyang hindi naman iyon naka-lock. Bumungad nga sa kaniya ang mababangong halimuyak ng iba't ibang bulaklak na pagpasok niya sa loob. Saglit pa nga niyang pinagmasdan ang mga 'yon bago siya tuluyang pumasok sa loob ng bahay.
Kabisadong-kabisado niyang ang bawat sulok ng bahay ng kaniyang Mama Clarisse dahil bukod sa sakto lang ito sa laki, madalas rin siyang nagagawi rito lalo na kung nandito sa Pilipinas si Clarisse. Isa pa, halos ilang buwan rin siyang tumira sa bahay na 'to noong sila pa ng ex-husband niya. Pero hindi lang ang bahay ang kabisado niya, kundi maging ang biyenan niya.
Nang silipin niya ang wristwatch na suot niya at makitang tanghaling tapat na, alam na agad niyang nasa kusina ang Mama Clarisse niya at malamang ay naghahanda na ito ng pananghalian niya. Kaya dumiretso na agad siya sa kitchen. Hindi naman siya nagkamali dahil hindi pa man siya nakakatapak doon ay naamoy na niya ang napakabangong amoy ng nilulutong Bistek Tagalog.
At pagtapak nga niya sa kusina ay naabutan niya ang kaniyang Mama Clarisse na abalang-abala sa paghahanda ng mga pagkaing mukhang malapit nang maluto. Napansin rin niya ang suot nitong cream na button up blouse at brown na trousers sa ilalim ng apron, na malamang ay outfit pa niya galing sa airport.
Huminga siya nang malalim bago niya ibinuka ang bibig niya para magsalita. "Ma," malambing na tawag niya.
Agad namang natigilan si Clarisse nang marinig niya ang boses ng manugang. Mabilis niyang nilingon si Selene na nakatayo lang sa entrada ng kusina. At nang magtama na ang tingin nilang dalawa'y umaliwalas agad ang mukha niya't gumuhit ang isang napakalawak at napakatamis na ngiti sa mga labi niyang kulay rosas. "Selene, anak! Oh, how I missed you!" masayang sambit niya sabay lumapit siya sa kaniya para bumeso at para yakapin ito nang pagkahigpit-higpit.
Bumeso at yumakap rin naman si Selene sa kaniya.
"Sabi ko na nga ba, eh! Kapag nakita mo ang mga Instagram stories ko ay pupunta ka rito. Kaya tama talaga na ang paborito mo ang iniluto ko today."
Bumitaw sa yakap si Selene pagkatapos ng ilang segundo para harapin si Mama Clarisse. "Ma, bakit hindi ka man lang nagsabi na uuwi ka na pala. Para sana nasundo kita," wika niya.
Nginitian pa rin siya ni Mama Clarisse at tinapik-tapik sa braso. "Kaya ko nga hindi sinabi sa 'yo kasi alam kong magpupumilit ka na sunduin mo 'ko. Ayaw na kitang abalahin pa dahil alam kong busy ka lalo na kapag umaga. One more thing, kaya ko pa namang umuwi mag-isa. I just booked a cab—it was hassle free."
"Ma, naman. Alam mo namang pagdating sa 'yo never akong magiging busy."
"I know." Mama Clarisse walked back to the kitchen counter to check the food on the stove. "But I just don't want to disturb. As I said, I know very well na super busy ka na. The business is booming lately."
Humalukipkip siya habang nakatuon pa rin ang buong atensyon niya sa kaniya. "Ma, kung ayaw mo pala akong abalahin, sana nagpasundo ka na lang kay Dale—"
BINABASA MO ANG
Chasing Chances (Chase Series #2)
RomanceONGOING | R18 | MATURE CONTENT After tragically losing their little daughter during a summer vacation, Dale Christian Gomez spirals into an excruciating turmoil that leads him to abandon his wife, Selene Marie, and start a brand new life with his ot...