Kanina pa pilit na pinapakalma ni Selene ang sarili. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya mapakali dahil sa sobrang kaba. Hindi pa rin kasi niya alam kung ano ba ang dapat niyang gawin.
Naglilibot siya ngayon sa isang bookstore kasama sina Sapphire at Zia na abalang-abala sa panggagalugad at paghahanap ng mga materials na kailangan daw nila para sa panibagong school project ng grupo nila.
Oo, kasama niya si Zia ngayon.
Pakiramdam nga niya'y medyo sinuwerte siya ngayong araw dahil ang totoo, sinundo lang niya ang pamangkin niya sa eskwelahan dahil magbabaka-sakali lang sana siyang makita niya si Zia. Pero ang ending ay sinabihan siya ni Sapphire na hindi muna sila pwedeng umuwi dahil kailangan pa raw nilang mamili ng materials na kakailanganin nila para bukas. Hindi naman siya nagdalawang-isip na kunin ang opurtunidad at talagang nagpresinta siyang samahan sila.
Nandito na nga sila at abot kamay na niya si Zia pero hanggang ngayon, hindi pa rin niya maisip kung paano siya kukuha ng DNA sample mula sa kaniya. Hindi naman niya pwedeng basta na lang niya sabunutan ang bata para lang makakuha ng hair strand. That would be so absurd, if ever.
Umiling-iling na lang siya at nagbuntonghininga. Sana lang ay bago sila makauwi ay makakuha siya ng DNA sample ng walang kahit sinumang nakahahalata.
"Tita Sel," Sapphire suddenly called. "We're done. We have all we need now."
"Talaga?" Lumapit siya sa dalawa at ngumiti. "Tara, i-check out na natin. It's on me. Ako na ang bahala dito."
Sapphire's eyes lit up. "Really, Tita? Ikaw ang magbabayad? Yay! May allowance pa ako! Thank you, Tita Selene!" she cheerfully stated as she gave her a quick and subtle embrace.
"Oo. Kaya halina kayo. Bayaran na natin ang mga 'to," masayang tugon niya sa pamangkin.
"Ah, Ma'am Selene..."
Lalakad na sana sila papunta sa cashier pero bigla niyang narinig ang mahinhing boses ni Zia kaya mabilis niya itong nilingon. Maging si Sapphire nga ay napahinto at napalingon rin sa kaibigan.
"Ah, idagdag mo na po 'tong two hundred pesos ko. Marami-rami po kasi 'yan. Baka po mamahalan kayo," malumanay na sambit nito sabay iniaabot nito ang dalawang one hundred peso bill sa kaniya.
Parang biglang kinurot ang puso niya sa tagpong iyon, lalo na ng ngitian siya nito ng pagkatamis-tamis. "Zia, hindi na. Ako na 'to. I-keep mo na lang 'yan, idagdag mo sa baon mo," nakangiting wika niya.
"Ma'am, may pera pa naman po ako kaya sige na po, isama mo na po 'to."
"Zia, I cannot accept that."
"Nakakahiya po kasi."
"Bakit ka naman mahihiya sa 'kin? Isa pa, para naman 'to sa school project n'yo. Isipin mo na lang na may nag-donate. Right, Saph?" Pasimple niyang sinulyapan si Sapphire bago muling itinuon ang atensyon niya kay Zia.
"Yes, Z," Sapphire instantly affirmed. "Hayaan na natin si Tita Selene. Barya lang sa kaniya 'yan kasi millionaire naman na siya," she continued, grinning mischievously.
Medyo malakas ang pagkakasabi ni Sapphire sa mga salitang 'yon kaya saglit na nanlaki ang mga mata niya. Mahina rin niyang tinapik ang braso ng pamangkin. "Saph, ikaw talaga! Huwag kang maingay. Mamaya may makarinig sa 'yo tapos tayo pa ang maging target nila sa mga modus operandi nila," natatawang puna niya.
Natawa na lang si Sapphire at umakbay pa talaga ito kay Zia.
Umiling-iling siya. "Hay naku! Halina nga kayo sa cashier at bayaran na natin ang mga 'to,."
She led them to the check out counter so that she can finally pay for the items. Siya ang nauna; nasa likod naman niya ang dalawang teenager na walang tigil sa pagbubulungan at pagkukulitan.
BINABASA MO ANG
Chasing Chances (Chase Series #2)
Roman d'amourONGOING | R18 | MATURE CONTENT After tragically losing their little daughter during a summer vacation, Dale Christian Gomez spirals into an excruciating turmoil that leads him to abandon his wife, Selene Marie, and start a brand new life with his ot...