Chapter 7

1.2K 142 37
                                    

Zia knew that her Tita Pristine's words about her biological father weren't serious, so she could've asked for the truth.

Pero hindi niya ginawa.

Batid niyang may malalim na dahilan ang bigla ring pananahimik ng pamilya niya nang itanong niya ang tungkol sa tatay niya at pakiramdam niya'y hindi pa sila handa para sa usaping iyon kaya hinayaan na lang muna niya. Kaya inisip na lang niya na may tamang panahon rin para malaman niya ang katotohanan tungkol sa biological father niya at ang dahilan kung bakit wala siya rito ngayon.

For now, she decided to live the moment.

"Margaux, this is our room. Share na muna tayo ng kwarto, ah? Kasi wala ng bakanteng kwarto dito sa bahay at pinag-uusapan pa namin kung mas better ba na mag-move out tayo para may sarili ka ring kwarto," wika sa kaniya ng nanay niyang si Selene nang pumasok sila sa isang malaki, maaliwalas, malinis at napakagandang silid.

Agad nga siyang namangha nang igala niya ang kaniyang tingin sa kabuoan ng kwarto. Kahit kasi simple ang pagkakaayos ng nito, litaw na litaw naman ang personality ng taong may-ari. The dominance of white, cream, and light pink palette screamed femininity. Hindi rin maitatanggi na mahilig sa arts si Selene dahil may iilang paintings ng pastel sunsets—na talaga namang bumagay sa kulay at aesthetic ng kwarto—ang nakasabit sa dingding. Maging ang mga bedside lamp sa magkabilang dulo ng kama ay hugis crescent moon.

"Okay lang ba sa 'yo 'yon? Na-share na muna tayo ng kwarto at saka sa bed?"

She turned her attention towards Selene who was standing near the door. "Ikaw po ba? Okay lang po ba sa 'yo?" she returned the question.

Nginitian agad siya ni Selene. Lumapit pa nga ito sa kaniya at marahang hinaplos ang pisngi niya. "Oo naman!" kumbinsidong sagot nito. "Alam mo, sa totoo nga gustong-gusto ko na makasama ka dito sa kwarto at makatabi ulit kita sa pagtulog, eh. Isa 'yon sa mga hinintay ko... for so long."

Mahinhin rin siyang ngumiti. "Kung okay po sa 'yo, okay din sa 'kin."

"Great," Selene excitedly said. "At isa pa pala. Dito ang closet natin." She led her to the walk in closet that was so neat and professionally organized.

Namangha na naman siya nang makita niya kung ano ang naroroon. The walk in closet was actually filled with white cabinets and drawers. Ang gandang pagmasdan ng parteng iyon ng kwarto dahil ang mall na rin ang ayos nito.

"Dito mo pwedeng ilagay ang mga damit at gamit mo, Margaux." Itinuro nito ang mga walang lamang drawers at cabinets. "Hayaan mo, tutulungan kitang mag-ayos ng mga damit at gamit mo bukas. Tapos magsho-shopping pa tayo. Pupunuin natin 'tong mga drawers and cabinets mo."

Pero halos hindi na niya masyadong napagtuunan ng pansin ang sinabi ng nanay niya dahil biglang napako ang tingin niya sa isang estanteng may salamin sa gilid na puno ng iba't ibang klaseng teddy bears.

Selene instantly noticed how her daughter's eyes focused on the teddy bears. "Alam mo ba, sa 'yo ang mga 'yan," nakangiting saad nito sa anak. "Noong bata ka kasi, lagi kang nakayakap sa mga malalambot na stuffed toys. Favorite mo ang mga teddy bears. Kaya noong nawala ka, kapag nakakakita ako ng cute na teddy bear, binibili ko tapos nilalagay ko d'yan."

Medyo nabigla si Zia sa narinig kaya kumurap-kurap ang mga mata niya nang muli niyang ituon ang tingin niya sa ina. "'Di po pala ako nagbago. Hanggang ngayon po gustong-gusto ko pa ring yumayakap sa malambot na stuffed toys," saad niya.

"Talaga?"

"Opo."

Selene couldn't help but to giggle. "Nakakatuwa naman. At ayan, sa 'yo ang lahat ng 'yan. Hug them when you want to."

Chasing Chances (Chase Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon