Kahit walang maayos na tulog nitong weekend, minabuti pa rin ni Selene na siya ang maghatid kina Sapphire at Zia sa school ngayong lunes ng umaga.
Oo, kahit katatapos lang nitong sabado ang eye surgery ni Zia, pinayagan siya ng kaniyang opthalmologist na makapasok sa school ngayong araw. Basta dapat suot pa rin niya ang protective glasses niya, na ngayo'y 'di na kailangan ng adhesive, at huwag niyang kalimutan ang eye drops, gamot at iba pang doctor's order sa kaniya.
Hindi naman nagkulang ng paalala si Selene. Paulit-ulit niyang binanggit kay Zia ang mga iyon kahit pa nasa school na sila. at nangako si Sapphire na ire-remind at tutulungan niya ang kaniyang pinsan sa dapat nitong gawin para sa mga mata niya.
After driving the girls to school, she opted to stop by her go-to cafe before heading to her office.
Tsaa ang nakasanayan na niyang iniinom lalo na tuwing umaga. Pero sa pagkakataong ito, naisip niya na parang kailangan niya ng pampagising. So she decided to have a double shot espresso this time.
She ordered a takeout. Pero syempre, kahit pa takeout iyon, kailangan pa rin niyang maghintay ng ilang minuto para ma-iserve ang order niya. Kaya pumwesto muna siya sa isang banda ng cafe. Naisip rin niyang kaya pa niyang mag-check ng emails habang hinihintay ang kape niya.
Pero saktong iu-unlock pa lang sana niya ang kaniyang cellphone nang may isang pamilyar na boses ang biglang pumukaw sa atensyon niya.
"What a coincidence."
She instantly shifted her gaze from the phone she was holding to the direction where she heard the feminine voice as she knew she was talking to her. But as soon as she confirmed it was indeed Arianne, she let out a sigh. Gusto rin sana niyang mag-eyeroll kaya lang ayaw naman niyang magmukhang mataray, kaya nag-iwas na lang siya ng tingin. But even if she abruptly looked away, she was able to notice that Arianne was wearing a black hoodie and a prussian blue colored yoga pants. Her hair was tied in a high but messy ponytail.
Sa totoo lang, nakakatawa ang contrast ng pananamit nilang dalawa. She was wearing a monochromatic black trouser, blazer and Louboutin stilettos. Halatang isa siyang boss na papasok na sa opisina, samantalang mukhang kagagaling lang ni Arianne sa gym.
"How naman naman na hindi na kita kailangang puntahan sa office mo," Arianne said, grinning.
Without a choice, she shifted her gaze to her again. "Bakit ka naman pupunta sa office ko?" she calmly asked.
"Kasi gusto kitang makausap."
"Wala naman tayong dapat pag-usapan, Arianne," she coldly stated before looking away.
Arianne stepped closer. "Actually, meron," she said, taking a deep breath. "Don't worry I don't want trouble. Hindi rin ako magmamaldita. In fact, gusto kong makiusap."
Hindi siya kumibo. She's not buying anything that came out from Arianne's mouth.
"Selene, 'di ba ang sabi mo no'n, kapag nakita mo ulit ang anak mo, ipagkakait mo siya kay Dale? I think, this is the right time para gawin mo 'yon," Arianne said straightforwardly.
Hindi niya inasahan ang mga salitang iyon kaya gulat siyang tumingin kay Arianne. "Excuse me, what?" she uttered as her eyebrows furrowed.
Arianne took a deep breath. Kitang-kita rin niya kung paano nito unti-unting kinuyom ang dalawang kamao niya. "Ipagkait mo na si Zia kay Dale—"
"One double shot espresso for Ms. Selene!" Arianne was interrupted by the barista's announcement. Iyon ang naging dahilan kung bakit napahinto ito, lalo na nang marinig nito ang pangalan ni Selene.
Pinasadahan naman ni Selene ng malamig na tingin ang dating kaibigan bago siya bumuntonghininga, pagkatapos tumuloy siya sa counter at nagmadaling kinuha ang kapeng in-order niya. Dinaanan lang talaga si Arianne na parang hangin lang ito sa kaniya kahit pa na-curious rin siya sa dapat sana'y sasabihin nito.
BINABASA MO ANG
Chasing Chances (Chase Series #2)
RomanceONGOING | R18 | MATURE CONTENT After tragically losing their little daughter during a summer vacation, Dale Christian Gomez spirals into an excruciating turmoil that leads him to abandon his wife, Selene Marie, and start a brand new life with his ot...