Chapter 44

374 18 19
                                    

"Tamang-tama pala ang dating ninyo, eh. The food is ready. Ise-set na lang ang table then we can have dinner." Sinalubong ni Pristine, na nakasuot pa ng apron at mukhang katatapos lang magluto, si Selene pagpasok nito sa kanilang bahay.

Selene tossed her car key to the cupboard before glancing at her sister in confusion. "Namin?" natatakang sambit niya.

"Oo." Kumbinsidong tumango si Pristine. "Hindi ba ikaw ang kasama ni Zia?" tanong pa nito.

"Hindi." Mabilis na kumunot ang noo ni Selene. "Hindi ko nga sila nasundo kanina kasi inutusan mo 'kong puntahan 'yong goldsmiths natin, 'di ba?"

"Eh, kung gano'n, hindi pa umuuwi ang anak mo. Si Sapphire lang ang nadatnan ko kaninang umuwi ako. Ayan nga't hanggang ngayon yata tulog pa sa kwarto niya."

"What?" Agad na sinipat ni Selene ang relong suot niya sa kaniyang palapulsuhan. She saw the time clearly. Ilang minuto na lang ay papatak na ang alas otso ng gabi. "Mag-a-alas otso na pala. Ang usapan namin alas siete kailangan nandito na siya sa bahay, eh."

"Hindi ba nagsabi sa 'yo?"

"Hindi."

"Mga teenager nga naman," sambit pa ni Pristine habang pinapanood ang kapatid.

Agad na inilapag ni Selene ang bag niya sa may cupboard. Kinuha rin niya mula roon ang cellphone niya. "Tawagan ko na lang," she casually said as she dialed her daughter's phone number. After pressing the call button, she put the phone on her ear.

Nag-ring naman ang number ni Zia.

She waited for her daughter to pick up. Pero sa halip na sagutin ni Zia ang tawag, isang automated voice memo na nagsasabing kasalukuyang 'cannot be reached' ang taong tinatawagan niya.

Pristine, on the other hand, instantly noticed the sudden frown on her sister's face. "Oh, ano?" she then queried.

"Cannot be reached." Pagkatapos sumagot sa kaniyang kapatid, muling sinubukang tawagan ni Selene si Zia. Pero katulad ng naunang attempt niya, bigo talaga siyang ma-contact ang anak. "She's not picking up," saad pa niya sabay buntonghininga.

"Try mo lang ulit. Baka hindi niya lang naririnig ang phone niya."

She dialed Zia's number again but third time was definitely not a charm. Hindi na naman sinagot ng anak niya ang tawag niya. At sa puntong iyon, hindi niya alam kung maiinis ba siya o kakabahan. Pero mukhang nanaig ang inis sa sistema niya lalo na kung pagbabasihan ang naging facial expression niya nang muli niyang ulitin na tawagan ang number ni Zia at hindi na naman ito sumagot.

"Wala pa rin?" tanong pa ng kaniyang Ate Pristine, na hanggang ngayon ay pinapanood pa rin ang bawat kilos niya, pagkatapos niyang ibaba ang phone.

She groaned and just showed her the obvious.

"What's happening?" Hindi nagtagal, narinig nila ang nagtatakang boses ni Sapphire. Pareho pa nga silang tuminga ni Prisine para lang makita itong bumababa sa hagdan na papungas-pungas pa. Halatang kagigising lang nito mula sa pagkasarap-sarap na tulog.

"Hindi pa umuuwi ang pinsan mo," Pristine said to her youngest daughter as she folded her arms on her chest. "Alam mo ba kung saan siya nagpunta? Hindi niya sinasagot ang tawag ng Tita Selene mo."

Sapphire lightly scratched her head. "She told me kanina na pupunta daw siya kay Lola Clarisse kasi magpapa-tutor daw," she informed them.

Those words made Selene heave a sigh of relief. "Kaya naman pala," sambit pa niya. "I'll check on her na lang. Malamang magdi-dinner na rin 'yon kay Mama Clarisse. Kaya let's set the table na para makakain na rin tayo. Susunduin ko na lang siya after dinner."

Chasing Chances (Chase Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon