Chapter 28

676 72 8
                                    

Sumapit na naman ang sabado. At kagaya ng mga nakalipas na sabado, maagang pumunta sa bahay nina Selene si Dale para sunduin ang mag-ina. Ito na naman kasi ang araw ng appointment ni Zia sa kaniyang opthalmologist.

Ito na ang pangatlong beses na magkakasama silang tatlo dahil sa ganitong bagay kaya medyo nasasanay na sila sa presensya ng isa't isa. Dale and Selene tries to be civil at all times, while Zia's just so casual about it.

"Is there a problem?"

Halos mapapitlag si Dale nang bigla na lamang niyang narinig ang boses ni Selene sa kaniyang likuran. Mabilis tuloy niyang kinansela ang pagtawag sa number ni Arianne.

He faced her and smiled a little. "Wala naman. I was just trying to call Ari pero 'di sumasagot," he casually stated.

Hindi kumibo si Selene. Lumapit na lang siya sa likurang parte ng kotse ni Dale.

He trailed after her and quickly opened the car door of the backseat for her. "Uhh, si Zia?" he asked when he noticed their daughter wasn't around.

"May kinuha lang pero pababa na 'yon."

"Ah, okay. Let's wait for her then."

At dahil nga wala pa si Zia, hindi na muna sumakay sa kotse si Selene. Tumayo lang siya doon habang matamang naghihintay.

Ganoon din si Dale. Pero kapansin-pansin ang dagliang pagiging abala nito sa kaniyang cellphone. Naging walang tigil ang pagtipa niya sa screen.

Humugot ng malalim na hininga si Selene. Hindi niya kasi maiwasang hindi ibaling ang kaniyang pansin sa dating asawa. Sa totoo lang kasi, mukha itong medyo problemado. Pakiramdam tuloy niya, may hindi pagkakaintindihan ang dalawang tao nagtaksil sa kaniya noon.

"Okay lang ba talaga kay Arianne 'to?" she asked. Natigilan naman si Dale at napalingon sa kaniya. "Kasi pwede namang kaming dalawa na lang ni Zia ang magpunta sa opthalmologist kung hindi. Balitaan ka na lang namin about everything..."

"Ari and I talked about this already, Sel. Okay lang naman sa kaniya," he replied, lying.

Of course, he had to lie. Alangan namang sabihin niya kay Selene na medyo tumitindi na ang selos na nararamdaman ni Arianne dahil sa kanilang mag-ina. Isa pa, baka ilayo nito si Zia sa kaniya kapag sinabi niya na ang mga lakad nilang 'to ang pinagmumulan ng away nilang dalawa ni Arianne.

He couldn't afford to lose his daughter again and what's happening between him and Arianne at the moment was none of Selene's business.

She just nodded.

"Eh, si David? Okay lang ba sa kaniya 'to?" he suddenly asked.

Kumunot ang noo ni Selene.

"I thought you two were a thing..."

Hindi kumibo si Selene. Basta tinitigan lang niya ito nang masinsinan.

He was taken aback.

Minasama yata ni Selene ang sinabi niya. Bakit naman kasi niya naisipang i-open up pa 'yon? Of course, she wouldn't want to talk about it.

He took a deep breath and cleared his throat. "Uh, okay na rin pala 'yong sa puntod ng bunso natin-" he said, changing the topic but she instantly cut him off.

"Bunso ko, you mean?"

His lips parted as he took that jab to his heart.

Mabuti na lang dumating na si Zia sa sandaling iyon. Parang iniligtas siya ng anak niya mula sa kung anumang delubyo ang sana'y hatid ng mga salita ni Selene. Naputol ang dapat sana'y usapan nilang dalawa kasi nagyaya na si Zia na umalis na sila dahil baka ma-late pa raw sila sa appointment nila.

Chasing Chances (Chase Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon