Tahimik at mag-isang binaybay ni Zia ang pathway patungo sa exit ng eskwelahan. Tapos na ang klase niya at wala na siyang ibang gagawin pa sa loob ng campus kaya nagpasiya na siyang umuwi na.
Hindi niya kasama si Sapphire. Hindi pa kasi pwedeng umuwi ang pinsan niya dahil kailangan pa nitong um-attend ng practice. Participant pa rin kasi ito sa nalalapit na Press Conference. Isa ito sa mga editorial cartoonist na magre-represent ng kanilang school sa patimpalak na iyon. Habang siya, kailangan muna niya ulit kausapin ang mga teacher coaches tungkol sa hangarin niyang mapabilang muli sa campus journalists dahil pansamantala siyang tinanggal nang biglang magbago ang takbo ng buhay niya.
Pero bukas na niya gagawin 'yon. Busy pa raw kasi ang teacher coaches na kailangan niyang kausapin.
"Zia! Zia!"
Malapit na siya sa exit nang marinig niya ang pagtawag sa kaniya ng dalawa sa mga kaklase niya. Kaya sa halip na magtuloy-tuloy, pinili niyang huminto sa paglalakad at lingunin sila.
"Bakit?" mahinhin ngunit nakangiting tanong niya.
Lumapit naman ang dalawa sa kaniya. "Have you talked to the teacher coaches?" anang isa.
"Anong sabi?"
Tahimik ang naging buntonghininga niya. Hindi rin niya binura ang ngiti sa mga labi niya. "Hindi ko pa sila nakakausap, eh. Bukas na lang kasi busy pa sila," tugon niya habang pasimpleng inayos ang eyeglasses niya.
"Aw, sayang." Nag-pout pa talaga ang isa na tila nanghihinayang. "But I hope they will reconsider you. Ang galing mo kaya."
"Yeah," the other girl cheerfully agreed. "I just feel na kaya mong dalhin ang school on a national level!"
That was flattering for her, kaya medyo natawa siya. "Grabe naman..." sambit niya.
"Well, who knows?"
"Pero confident talaga kami na kaya mong manalo. So I hope they really reconsider you."
"Sana nga, eh," pagsang-ayon niya.
Nag-usap pa silang tatlo hanggang sa naisipan nilang umuwi na. Sabay-sabay na rin silang lumabas ng campus. Pero nakakailang hakbang pa lang sila sa labas nang biglang huminto sa paglalakad ang isang kaklase niya. Para bang may nakita ito na hindi niya inasahan sa may 'di kalayuan kaya maging si Zia ay napahinto pati na rin ang isa pa nilang kasama.
"Oh, my god!" impit pa ang halos naging pagtili nito. "Zia, is that your dad? He's so gwapo pala!"
"Where?"
"There, oh!"
Tila ba bumagal ang ikot ng mundo para kay Zia sa mga sandaling iyon. Hindi niya nasabayan ang dalawang kaklase niya dahil tila ba nag-detach ang kaluluwa niya sa mga tagpong iyon. Hindi niya rin alam kung bakit.
Tinapik pa siya ng isa niyang kaklase sa braso. "That's your dad, right?" she asked, giggling and covering her mouth with both hands in a very sassy manner.
Doon pa lang siya lumingon sa direksyon kung saan nakatingin ang dalawang kaklase niya. At sa puntong iyon sa nagpakawala ng isang napakalalim na buntonghininga. Nakita kasi niya si Dale sa may 'di kalayuan. Nakasandal ito sa gilid ng nakaparadang kotse niya. Suot pa rin niya ang business attire na suot niya kaninang umaga. Ang kaibahan lang ngayon ay nakasuot siya ng aviator sunglasses. Pasulyap-sulyap rin ito sa kaniyang wristwatch na tila ba may hinihintay.
BINABASA MO ANG
Chasing Chances (Chase Series #2)
RomanceONGOING | R18 | MATURE CONTENT After tragically losing their little daughter during a summer vacation, Dale Christian Gomez spirals into an excruciating turmoil that leads him to abandon his wife, Selene Marie, and start a brand new life with his ot...