Chapter 15

1K 123 44
                                    

Nakahanda na ang lahat para simulan ang isa na namang panibagong araw. Pwera kay Selene na nakapantulog pa at nagtitimpla pa lang ng kape niya.

She woke up later than usual today. Hindi kasi siya nakatulog ng maayos kagabi dahil naging mailap ang antok sa kaniya. And because of that, she really stayed up late thinking about nonsense things.

Nonsense? At least for her.

Napapikit siya saglit at napailing bigla. Sumagi na naman kasi sa isip niya ang bagay na hindi na dapat niya naiisip pa.

"Tita Selene!"

Good thing Sapphire's cheerful call interrupted her intrusive thoughts.

Agad siyang lumingon kay Sapphire nang marinig niya ang pagtawag nito sa pangalan niya. Hindi rin niya nakalimutang ipakita ang matamis niyang ngiti. "Hmm?" malambing pa nga niyang sambit.

"Nothing, Tita." Sapphire reciprocated her smile. "I just want to say na papasok na kami ni Z sa school."

"Okay. Enjoy your day and take care."

"Ikaw rin, Tita."

Nakangiti siyang tumango. Doon na rin nagpaalam si Sapphire at umalis sa harapan niya. Pinanood niya lang rin ang tahimik na paglisan ng pamangkin hanggang sa narinig niya ang malakas na pagtawag nito kay Zia na mukhang nasa taas pa.

Her smile slowly faded when she was left alone in that kitchen, then she involuntarily let out a sigh.

Her thoughts started to linger on her mind again.

Napapikit tuloy siya nang mariin at umiling-iling para pigilan ang pilit na pagsisiksik ng bagay na 'yon sa isip niya.

"Mama?"

At bigla na naman siyang natigilan nang marinig niya ang tila nagtatakang boses ng anak niya.

She instantly opened her eyes and gazed to the direction where she heard Zia's voice. Agad naman niyang nakita ang kaniyang unica hija na nakatayo ilang hakbang lang mula sa harapan niya. Nakasuot na ito ng school uniform niya, naka-ponytail at nakasuot na rin ang backpack na ginagamit niyang schoolbag.

"Mama, okay ka lang po?"

"Yeah," she replied instantly as she tried to put on another smile. "Teka, anong ginagawa mo dito? Akala ko aalis na kayo ni Saph?"

"Opo, paalis na kami. Pero gusto ko munang magpaalam at yumakap sa Mama ko," Zia said before she stepped forward with wide open arms.

At iyon ang talaga namang nakapagpangiti sa kaniya. "Naku, naglalambing ang baby ko," sambit niya sabay siya na ang lumapit kay Zia para bigyan ito ng mahigpit na yakap.

They hugged.

"I love you, Mama," Zia said, giggling.

Those words were music to her ears. It gave her some kind of relief.

"I love you, too, anak."

Pagkatapos ng ilang segundo ay kumalas na rin si Zia sa pagkakayakap. Nakangiti siyang humarap muli sa kaniyang ina. "Mama, alis na po kami," marahang paalam niya.

Selene quickly glanced at the wall clock before gazing back at her daughter. Nakita niyang medyo maaga pa. Hindi naman siguro male-late ang dalawa kung manghingi siya ng isa o dalawang minuto sa anak.

Chasing Chances (Chase Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon