Chapter 9

1.1K 135 33
                                    

Araw-araw bago pumasok sa opisina, dumadaan si Dale sa bahay nina Selene upang mamanhik na pagbigyan na siyang makita at makilalang muli ang anak nila. Pero gaya ng inaasahan niya, naging matigas si Selene sa kaniya. Mukha talaga silang desidido na ipagkait sa kaniya si Margaux. And that hurts like hell. Pero alam niya sa sarili niyang kailangan niyang tanggapin 'yon, kailangan niyang magtiis habang patuloy na umaasa kahit pa malabo.

Tonight, he decided to come back to the Sanchez-Montecarlos' residence. But this time, hindi na siya nagpunta para mangulit na bigyan siya ng chance na makita si Margaux. Nagpunta siya roon para lang damhin ang presensya ng anak niya. Alam kasi niyang nasa loob lang ng bahay na 'yon si Margaux. Kaya naisip niyang baka maibsan ang labis na pangungulila niya kung kahit papaano'y alam niyang magkalapit sila.

Nagbaka sakali rin siyang sana'y masulyapan na niya si Margaux kahit pa sa malayo lang, kaya naman talagabg tinalasan niya ang mga mata niya kahit pa nasa loob siya ng kotse niya.

Pero sa halip na si Margaux ang makita niya, si Selene ang bigla niyang nasulyapan. Bigla na lang kasi itong lumabas mula sa gate.

His heart started to double its beat as soon as he noticed her. At lalo pang bumilis ang pintig ng puso niya nang mapansin niyang tila naglalakad ito papunta sa kung saan nakaparada ang kotse niya. Siguro'y nataranta na rin siya kaya lumabas siya mula sa kotse niya nang mapagtanto niyang siya nga ang pakay ng kaniyang ex-wife.

"Dale, ano na namang ginagawa mo dito?" medyo iretableng tanong ni Selene nang magkrus ang landas nila. "Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi—"

"Selene," he spoke up calmly, cutting her off mid sentence. "Hindi ako nagpunta dito para mangulit, okay? I just came here to feel her presence..." he admitted as he put both of his hands on his pocket.

Her eyebrows arched.

"Dito lang ako, Selene. Promise, hindi muna ako mangungulit na bigyan ako ng chance o karapatan kay Margaux."

Humalukipkip si Selene. "Ano bang drama 'to, Dale Christian?" medyo mataray naman nitong tanong.

That question made him hold his breath for a moment. Napapikit rin siya ng mariin bago siya huminga ng malalim.

"Alam mo, hindi mo ako makukuha sa mga drama mong ganiyan. Dahil ni minsan hindi ka naawa sa 'kin. Kaya pwede ba? Umalis ka na at 'wag ka na sanang bumalik. Baka mamaya mapilitan pa kaming lumipat ng bahay kakaganiyan mo."

"Sel naman..."

She gave him a warning look. "Umuwi ka na, Dale."

Umiling siya. "No."

"It's getting late."

Something tweaked his heart when he suddenly heard those words from her. Sumilip tuloy ang isang matamis na ngiti mula sa mga labi niya. "Concerned ka na sa 'kin ngayon?" tanong niya.

She instantly frowned. "Hindi," tahasang sagot niya sabay matalim na tiningnan si Dale. "Concerned ako sa sleep schedule namin ng anak ko. Concerned ako sa kung ano ang sasabihin at magiging tingin ng mga kapitbahay dahil siguradong maeeskandalo na naman ang pamilya namin kapag nakita ka na naman ng kapatid ko. Kaya pwede ba? Umuwi ka na at doon ka kay Arianne, tutal mas pinili mo naman siya kaysa sa amin, 'di ba?"

Biglang napalitan ng lungkot ang ngiti sa mapupulang mga labi niya. "I'm sorry, Sel," he said apologetically.

Those superficial words made her squint her eyes a little. "Ano pang magagawa ng sorry mo?" she questioned in dismay. "Hindi sapat ang mga salitang 'yan para patawarin ka namin at bigyan ng karapatan sa anak ko."

"Ano bang kailangan kong gawin, Sel?"

She suddenly smirked. "What if mawala ka rin ng thirteen years o mas matagal pa?"

Chasing Chances (Chase Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon