Chapter 23

851 95 10
                                    

Hindi matanto ni Selene kung nananaginip pa ba siya o gising na.

Ayaw naman niyang idilat ang mga mata niya. Basta naririnig lang niya ang lagaslas ng ulan sa labas. Nararamdaman rin niya ang pagdampi ng malamig na simoy ng hangin sa naka-expose niyang balat. Ang mga bagay na 'yon ang nagkumpirma nasa realidad at gising na nga siya.

"Ang lamig, 'no?"

But that voice, that soft whisper in her ear made it seem like she's still dreaming. Kasi paano namang ang boses ni Dale—at hindi kay Zia—ang boses na narinig niya kung nasa realidad siya? That was just too impossible.

But she shrugged everything. Masyado pa siyang inaantok para mag-isip ng mga walang kakwenta-kwentang bagay. Matutulog na muna siyang muli.

Pero parang bigla siyang binuhusan ng malamig na tubig nang maramdaman niya ang tila ba unti-unting paghigpit ng yakap ng brasong nakapulupot sa may bandang beywang niya.

She froze in her position as it dawned to her.

Hindi nga si Zia ang narinig niyang bumulong kani-kanina lang. Hindi rin si Zia ang katabi niya ngayon sa kama. At lalong hindi si Zia ang nakayakap sa kaniya ngayon. Those thoughts made her feel like she just drank up a double shot espresso! Talaga naman kasing nagising ang katawang-lupa niya.

Napahugot tuloy siya ng napakalalim na hininga, pagkatapos ay tuluyan na niyang idinilat ang mga mata niya.

Madilim-dilim pa ang buong paligid. Pero hindi na niya inisip kung dahil ba 'yon sa malamlam na panahon o dahil masyado pang maaga. Basta dahan-dahan siyang bumalikwas papunta sa kabilang banda ng higaan para makita ang taong nakayakap sa kaniya.

"What the hell!" she instantly shouted on top of her lungs the moment she saw Dale—with his eyes shut—clinging onto her. Awtomatiko niya ring naitulak si Dale palayo sa kaniya nang pagkalakas-lakas na naging dahilan para dumilat ito. "How dare you?! Anong ginagawa mo dito?!" she questioned angrily as she sat up.

Dale, on the other hand, looked like he was confused but apathetic at the same time. Hindi agad siya nakapag-react dahil hindi nga niya maidilat nang tuluyan ang mga mata niya. Parang naistorbo pa nga ang masarap at mahimbing niyang tulog.

"Anong ginagawa mo dito? Sumagot ka!" singhal pa ni Selene sabay hinablot niya ang isa sa mga unan at inihampas iyon nang pagkalakas-lakas kay Dale. "How dare you do this to me? Walang hiya ka! Nakakadiri ka!"

Parang walang epekto kay Dale ang paghampas ng unan sa kaniya. Malambot naman kasi iyon at hindi siya nasaktan. Mukhang hindi rin nagsi-sink in sa kaniya ang paghihimutok ng ex-wife niya. He even yawned and blinked as if no one was out there ready to wrap their hands on his neck.

He breathed out. "Grabe ka naman, Selene," he said in a low tone. "Para namang 'di ka tumabi, yumakap, dumagaan at pumatong sa 'kin no'n, ah—"

Isang malutong na sampal mula sa palad ni Selene ang hindi niya inasahang biglang dumapo sa kaliwang pisngi niya na siyang naging dahilan kung bakit nahinto siya sa pagbikas ng mga salitang hindi man lang niya pinag-iisipan talaga.

"Fuck you!" she shouted at him again with so much resentment in her rounded eyes.

At dahil sa lakas ng sampal at boses ni Selene, hindi na lang nakakibo si Dale. Hindi niya rin inasahan na gagawin 'yon ni Selene kung kaya't tila ba biglang tumigil sa pag-ikot ang kaniyang mundo.

Chasing Chances (Chase Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon